25 - Last Time

23 2 0
                                    

25 – Last Time

Hindi pa rin pinapakilala kay Alessia ang kanyang prinsipe.

"Ang unang pumasok sa loob ng pintong yan. Iyon ang iyong mapapangasawa."

Natatawang banggit ng kanyang katulong, Giah.

Naghahanda sila ng magarbong gown pangkasal.

Nagulat na lamang siya na si Zeno ang unang pumasok.

"Nahuli na ba ko sa balita?"

Panimula nito na ikinagulat ni Alessia.

"Siya po ba?"

"Himala, Prinsipe Zeno nauna kayo dito?"

Natatawa ulit ang kanilang katulong na si Giah.

"Hindi si Zeno, Alessia."

Lumabas si Avery sa likod ni Zeno.

"Ako ba ay nahuhuli sa okasyon?"

Natatawa si Kyro, nagmamadali pumasok sa pinto.

Gulo pa ang kurbata.

Lumapit siya kay Alessia.

Inayos naman ni Alessia ang kurbata nito.

Nakapanggown siya.

Hindi pa alam ang pipiliin sa nakahalerang mga gown.

"Parang hindi totoo. Ikakasal na talaga ako."

Tumulo ang luha ni Alessia.

"Gusto ko may gloves ako."

Nauutal pa nitong sabi kay Kyro.

"Kahit ano naman dyan, bagay naman sa'yo lahat."

Lumuhod si Kyro sa harapan ni Alessia.

Nagpalakpakan naman si Avery at Zeno.

Tumili pa si Zeno na parang babae.

Pang-asar sa kanilang dalawa.

"Umabot pa tayo sa ganito."

Lumuha na rin si Kyro.

Tagal niyang hindi inaasahan 'to.

Ang mga proteksyon niya kay Alessia.

Ang pangbabakuran niya dito noon hanggang ngayon.

"Oo, gusto ko si Alex nung una. Siya lang. Sabi ko sa sarili ko noon, hindi ako iibig sa'yo. Pero nandito ako ngayon para kunin ang kamay mo sa kasal. Mahal na mahal kita, Alessia. Gusto kitang ingatan. Matagal akong naging bulag sa pag-ibig mo. Hindi ko nakita kung gaano mo ko kamahal. Ako ngayon, magpapatunay ng pagmamahal ko para sa'yo."

Nilabas niya ang singsing sa harap ni Alessia.

Sinuot niya ito sa kamay nito.

Umiyak silang dalawa sa sobrang pagkamangha na aabot sila rito.

Umiyak rin si Avery sa sobrang saya.

Nagkaroon ng matagal na paghahanda.

Sobrang naging tahimik si Axel Tresvenor sa kanilang paghahanda.

Wala silang balita kay Deon Marcella.

Nahanda na ang lahat. Nakasuot na ng wedding gown si Alessia sa isang silat.

Nagulat si Alessia ng bigla siyang buhatin ng mga kalalakihan na kakapasok lang sa kanyang kwarto.

Nakita niyang pumasok ang kanyang kamukha.

Parehong mukha, parehong damit.

Anong nangyayari?

"Saan niyo ko dadalhin? Tulong!"

Somewhere Only We Know (Completed, Mar 2023)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon