MC Magpayo
7:16 PM
MC :
Na check mo na regcard mo Momshie?
Kyle Asher :
Wait check ko
Kyle Asher is typing...
Okay na, thank youuu!
MC :
Grabe mga nangyari sa akin kahapon
Naramdaman ko kung paano magmahal, masaktan at iwanan. Sana magkita pa ulit kaming dalawa
Kyle Asher :
Magkikita pa kayo niyon
MC :
Talaga?
Tingin mo?
Paano mo naman nasabi?
Kyle Asher :
Dahil baliw ka, at alam ko ring gagawa at gagawa ka talaga ng paraan para makita ulit siya
Saka isa pa, r'yan lang naman siguro sa atin 'yan nag aaral. 'Di talaga malabong magkita ulit kayo ng babaing iyon
Kyle Asher is typing...
Btw, nakuha mo ba iyong name?
MC :
Sa sobrang harot ko hindi na
Kyle Asher :
'Yan tanga!
MC :
Grabe ka naman Momshie!
Kyle Asher :
Nakausap mo na, hindi mo pa hiningi name niya
MC :
Sabi mo rin kasi update kita kaya inuna ko iyon
Kyle Asher :
To be specific, enrollment ang tinutukoy ko, hindi pati pag landi mo
Pati pag-ihi sinabi na rin sa akin, para namang may magagawa ako. Ano pa lalamove kita arinola r'yan sa school?
MC :
MC is typing...
Pagkatapos kitang i-enroll lahat-lahat! Ganito pa ang gagawin mo sa akin?
Ang haba nang pinila ko roon Asher!
Kahit kunting hiya ibigay mo naman sa akin!
MC is typing...
Nga pala Momshie, section 12 tayo
Kyle Asher :
Tayo?
Ibig sabihin classmate ulit kita?
MC :
Malamang
Kyle Asher :
Lilipat ako ng ibang section
MC :
Ay, aba. Ayaw mo pang magkaklase tayo
Arte mo ha
Kyle Asher :
Sino ba may gustong makasama ka?
Magkatabi tayo tapos puro ka tanong at ang daldal mo pa. Sarap na nga lang pitikin niyang bibig mo
MC :
Edi wag kang tumabi sa akin. Kapal mo!
Ganda-ganda ko tapos ginaganyan mo lang
Kyle Asher :
Umay na ako sa'yo kaya lilipat na talaga ako ng ibang section
MC :
Wag kang lumipat!
MC is typing...m
Wala akong kukupyahan👉👈
Kyle Asher :
HAHAHAHA!
Kyle Asher is typing...
Momshie antok na ako
Bye na
MC :
Gora!
Sleep well...
12:22 AM
MC :
Momshie may nakalimutan pala akong sabihin sa'yo
Parang nakita ko kasi si Lily sa school kahapon
BINABASA MO ANG
Chapters 1 To 3 (Epistolary)
RandomKahit kailan hindi naman talaga naging madali ang pag-amin ng tunay nararamdaman lalo pagdating sa taong nagugustuhan. Pero si Asher, gagawin niya. Aamin siya, susubukan niya. "This time I'm dead serious. Kaysa naman habang buhay ko itong pagsisiha...