2

53 4 1
                                    

MC Magpayo

MC :

Momshie enroll na you?

Kyle Asher :

Ba't mag i-enroll pa?

Mas mahalaga at mas pipiliin ko na ang peace of mind ko ngayon. Enrollment pa nga lang stress na ako, kaya mas mabuting itigil na natin lahat ng ito

MC :

Nakikipagbiruan ba ako sa'yo?

Hindi ako natutuwa Asher, baka gusto mong matanggal sa Dean's list

Post ko itong mga sinabi mo

Kyle Asher :

Napaka seryoso mo naman, ang hirap biruin ha

MC :

Masyado mo na naman kasi akong binabadtrip

Kyle Asher :

HAHAHAHAHA! Busy pa kasi ako kaya hindi pa makapag enroll

Next time nalang siguro

MC :

Next week na start ng class ulit ha. 'Yan kasi work pa

Kyle Asher :

Pwede ko namang itigil nalang ito, sabihin mo lang. Basta bibigyan mo ako allowance saka pang tuition ko

MC :

Palamunin nga lang ako eh 👉👈

Kyle Asher :

Akala ko ikaw nalang mag-papaaral sa akin

MC :

Kaya mo iyan, malaki ka na

Kyle Asher :

Parang na down lang ako lalo

MC :

Edi dili na ako mag talk

Kyle Asher :

Ba't natanong mo nga pala?

Akala ko ba naman sasabihin mo, ikaw nalang ulit mag i-enroll sa atin

MC :

Ay kapal talaga!

Masyado ka ng nasasanay Momshie, ginawa mo na akong nanay. Simula first year ako na nag i-enroll sa'yo, ano ito hanggang pag graduate na natin?

Kyle Asher :

HAHAHAHAHA!

MC :

Nagtanong lang ako kasi sabay na sana tayo

I guess ako na naman mag-isa

Kyle Asher :

Sama mo sila Daphne

MC :

Enroll na ang mga rich kids na iyon. Naka full payment pa nga

Kyle Asher :

Edi mag-enroll ka nalang mag-isa tapos damay mo na ako

MC :

Ayan!

Ayos ka rin 'no?

D'yan ka talaga magaling

Kyle Asher :

Dali na kasi

Ako na bahala sa pamasahe mo

MC :

Pamasahe lang, walang meryenda?

Kyle Asher :

Ay, umaabuso

MC :

Ako pa talaga ang umaabuso sa'yo ngayon? Kapal!

Pero sige, ikaw bahala. Madali lang naman ako kausap

Kung gusto mo naman maging late enrollees at makakuha ng panget na sched, desisyon mo na iyan. Ang kaso baka mahirapan kaaa

Kyle Asher :

100 pesos okay na ba iyong pang meryenda?

MC :

Naman!

Akala ko nga 20 pesos lang ibibigay mo. Napaka kuripot mo pa naman

Kyle Asher :

So 20 pesos nalang okay na iyon?

MC :

Ikaw nalang kaya mag enroll sa sarili mo?

Kyle Asher :

Hindi, ikaw na. Para schedule nalang aayusin ko sa susunod

MC :

Papayag ka rin naman pala, pinabaha mo pa itong usapan nating ito

Sa Wednesday na ako magpapa enroll. Handa mo nalang iyong perang pang enroll mo saka pamasahe at pang meryenda ko na rin

Kyle Asher :

MC react 🤣 to your message

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MC react 🤣 to your message

Chapters 1 To 3 (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon