VI

43 11 2
                                    

"Aray!"





Kinagat ko siya upang bitawan niya ako. Hindi siya napasigaw ngunit napahawak siya sa isang kamay niya upang tingnan ang bakas ng bumaon kong ngipin doon. Pareho kaming napahakbang palayo sa isa't isa, ako ay nakatitig lang sa kanya habang siya naman namomroblema pa rin dahil sa nagawa ko sa palad niya.





Ayokong masyadong malapit sa ibang taong hindi ko kilala, hindi ako komportable. Wala akong ibang maisip gawin kung hindi ang makasakit na paraan upang bitawan niya ako, nag-panic lang din ako kaya ko nagawa iyon.





"Ayos na tayo, nakita mo na 'ko," he showed me a smile as he looked at me. Tinago niya ang pareho niyang kamay sa bulsa at bumuntong hininga bago ako talikuran at maglakad.





Ngayon ko lang nakita ng maayos at malinaw ang mukha niya. In fairness he has the looks. I've seen his face before, but I can't remember where. The position of his mole, the way he smiles, his dimples, and his voice are all fascinating, but they don't appear new to me. Ang gwapo niya pero hindi pa rin ako dapat magpadala.





"Marami akong tanong,"





Sa sigaw kong iyon ay napatigil siya sa paglalakad at bahagyang lumingon sa akin. I could see him grin while shaking his head.





Hindi niya ako nilingon at nanatili lamang siyang nakatalikod. Hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy niya lang ang paglalakad. For me, that was a disrespectful action.





"Bakit hindi ka humarap sa akin? Is this something you're afraid of, or is it part of your plan to leave so I'll overthink about you more now that I've seen you?" My voice is calm but clear enough for him to hear. I awaited his response, but I didn't hear a word from him. "Trippings?"





"Sa susunod na lang tayo mag-usap. Suportahan mo 'yong kaibigan mo ro'n, hindi pa siya tapos maglaro."





"Ikaw ba, tapos na?"





Napatakip ako sa bibig dahil sa gulat nang masabi ko iyon. I didn't intend to say that out loud. Sinubukan ko namang labanan na hindi masabi ang intrusive thoughts ko pero halos wala na ako sa sarili ko ngayon dahil may ilang mga galaw siya na hindi ko talaga nagugustuhan.





Nakakahiya pero totoo naman. This isn't a relationship, but I had the impression that he only took advantage of me for his own happiness or selfish desires. I felt that I was nothing to him now that I knew him. Who you na ako dahil wala na rin namang thrill dahil nahuli ko na siya.





"S-Sorry... Sa isip ko lang dapat 'yon."





Humarap siya sa akin sa pagkakataong ito. Akala ko ay magagalit siya pero ngiti lang ang naging reaksyon niya. "No worries,"





He walked towards me. Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin ay ginagantihan ko iyon ng hakbang paatras na para bang may sariling buhay ang mga paa ko na sinsadyang layuan siya.





Hindi na ako nakahakbang muli nang nasa harapan ko na siya. Hinawakan niya ang kamay ko at inilahad ang palad ko. Hindi ko iyon napigilan dahil agad-agad niya itong kinuha, kung magsasalita ako ay wala na rin naman akong magagawa dahil hawak niya na.





He placed a sticky note on my hand. It was folded in half.





"This should be the last sticky note that I will be giving you."





Curiosity drove me to open it right away. It was still written in architectural font, but the words on the page were smaller than in his previous notes. Halatang pinagkasya niya.





Last Letter of SummerWhere stories live. Discover now