VIII

54 11 1
                                    

"Nice to meet you, Kaiya."





He showed me a bright smile as he pretended that we didn't know each other yet. Though, I only smiled back at him to show appreciation. Mang Ciano also smiled as he watched us having a good time with each other.





I met him during summer and now, it's already rainy season. Time goes by so quickly, and I can feel that many changes will happen. Nararamdaman ko ito, hindi ko maipaliwanag pero parang may ibang mangyayaring hindi katulad ng nakasanayan. Hindi ko alam kung ano ito... Dahil ba kay Ziel o sa desisyon kong makilala siya.





"Oo nga po pala, pumunta po rito kanina si Ma'am Kazel,"





Ziel nodded, "Opo, nagkita na po kami. Nakausap ko na po siya." Medyo nawala ang sigla sa pananalita niya nang mapag-usapan si Kazel, kapatid at parte ng pamilya niya. His voice was still polite but not as happy as he spoke a while ago.





Pinagmasdan ko lang silang mag-usap. Mukha silang komportable sa isa't isa.





"Sige po Sir Ziel, salamat po. Una na po ako!"





"Ingat po," kumaway siya kay Mang Ciano hanggang sa makalabas ito ng gate.





Kakaiba talaga ang personality niya. He's like Cloud, they both have sunshine personality.  Ang pinagkaiba lang ay masyado siyang madaling basahin kaysa sa bata dahil kay Cloud ay hindi mo mahahalata kung ano talaga ang nararamdaman niya kapag nababanggit ang pamilya niya dahil madalas lang siyang masaya. Kay Ziel naman, halatang may mali o hindi siya komportable sa tuwing nasasabi ang isa sa miyembro ng pamilya niya.





He's rich and his surname is familiar.





"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Kunot noo ko ng tanong.





"Na?" He was smiling when he said that, as if he were just teasing me, because I knew he knew what I was talking about.





"Na ikaw pala ang may-ari nito... Pero paano?" Naguguluhan ako sa mga nangyayari. "My mom said that her friend is the owner of this apartment."





"Ah, baka parents ko." He looked at the whole apartment as he crossed his arms. "I managed the apartment, but it was still owned by my Dad. Sa kaniya pa rin 'to nakapangalan, mukha lang ako ang may-ari dahil ako ang madalas dito at ako ang nangongolekta at hindi na ang secretary ni Dad. Hindi ko nasabi sayo..." he stopped because of a sudden realization. "Teka, bakit gusto mong sabihin ko sa 'yo?"





"Ha?" My eyes widened. "H-hindi ba kasi... Dapat kakilala ko 'yong—"





What the hell am I saying?! Hindi nga pala dapat ako affected sa buhay niya dahil hindi naman kami close.





"Gusto mong i-update kita? Hmmm, siguro may gusto ka na sa akin, 'no?" He's teasing me again.





"Kulang ka lang siguro sa ligo or maybe that's the side effect when a person showers in heavy rain."





Tumawa lang siya ng bahagya at umiling ng kaunti habang nakatingin nang diretso sa akin. Akala ko ay papasok na siya sa isang kwarto ngunit dahan-dahan siyang naglakad papunta sa akin.





"Tara hatid na muna kita sa taas." Sabi niya bago tumingin sa hagdan.





"Ha?" Saglit akong natigilan. "Hindi na, may paa naman ako, ito o'," I raised one of my feet while thinking that I said those words awkwardly.





Last Letter of SummerWhere stories live. Discover now