"Good morning po,"
Pagmulat ko ng mata ko nakita ko ang isang babae, nakatingin siya sa akin habang umiinom ng gatas, she's pretty and I guess she's around fifteen years old. Pinagmasdan ko siya upang mukhaan pero sigurado akong hindi ko siya kilala.
Mula sa pagkakahiga ay umupo ako habang inilibot ang tingin ko sa paligid. Ngayon ay nasa kama ako na nasa malaking kwarto. Ang suot ko ay katulad pa rin sa kagabi ngunit malamang ay wala na akong makeup dahil mula sa reflection ko sa salamin, wala na rin ang contact lens at eyelashes tension na suot ko.
"Nasaan po ako? Sino ka po?" Nahihiya kong banggit.
"Hello po, I'm Kazel," she smiled brightly making her dimples show. "Kapatid po ako noong nagdala sa'yo rito."
Nagdala? Wala akong matandaan. Ang huling natatandaan ko lang ay uminom ako pero matapos 'yon ay hindi ko na alam paano akong napunta rito.
"Sino po siya?"
She shook her head. "Ang sabi po ni kuya, kahit ano pong mangyari huwag ko raw pong sasabihin sa inyo kung ano ang pangalan niya. Ayaw mo raw po kasing malaman kung sino siya. Para rin po sagutin ang tanong mo, nasa kwarto po kita ngayon, wala po kasing ibang kwarto na pambabae kung kung hindi ito lang."
"Bakit hindi niya na lang po ako inuwi?"
She chuckled while getting a cup of coffee on the table next to the bed. I smiled as I graciously took it from her.
"Ate mahirap ka pong iuwi,"
Ano na naman kayang kalokohan ang ginawa ko?
"Paano?"
Umupo siya sa tabi ko at tumingin sa malayo. "To be honest, we really tried ate. Nagulat talaga akong nagdala si kuya ng babae, noong una ayoko kasi baka nga po masamang tao ka kaya po talagang tinanong po namin ang address mo or kahit kung saan po nakatira ang pamilya mo, sumagot ka naman po pero sobrang lasing ka po e'."
"Sagot? Anong nasabi ko?"
"Kuya be like... Saan ka nakatira?" She acted out the scenario while attempting to mimic a male voice. Sunod ay humiga siya sa kama at pumikit. "Sa puso mo," she sounded like a zombie.
Nakakahiya! I really don't know what happened.
"Talaga bang ginawa ko 'yon?"
"Opo," halata sa reaksyon niya na pigil na pigil siyang matawa.
"I'm really sorry,"
I apologize while I'm feeling really shy. Buti na lang ay mabait siya at naiintindihan niya. Nagkwento siya ng mga nangyari kagabi na mula raw sa kwento ng kuya niya. Our talk lasted for about an hour because of her laid-back attitude.
"Pwede kong bang malamang kung anong araw at kung anong oras na? Baka kasi kailangan ko na ring umuwi." Ani ko.
She get her phone at her dress's pocket, "Monday, ten minutes before 9:30 A.M. po"
9:30! Monday! Shocks may pasok ako.
I hurriedly fix myself. Sandali akong nakigamit ng C.R. para lang maghilamos at saglit na ayusin ang buhok ko. Matapos iyon ay agad kong hinanap ang palabas ng bahay, buti na lang ay hindi ito mahirap hanapin kaya agad kong nalaman kung saang pinto iyon.
YOU ARE READING
Last Letter of Summer
ספרות נוערHe admired her during summer. Kaiya Lei Li, an academic achiever who was focused and determined in her studies. But suddenly, everything changed because of a note. A note that made a clear canvas lady be filled with colors. It started in the summe...