"Finally, you're awake!", nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa lalaking hindi ko namalayang nasa harapan ko.
"Sh!t! Ayshh!", napahawak na lang ako sa ulo ko dahil sa sakit na naramdaman ko.
"Here.", tinanggap ko naman ang tubig na inabot niya at nilagok yun.
"Salamat", sabi ko at nagbaba ng tingin. Hiyang-hiya ako! Nakatulog na pala ako dito dahil sa kalasingan!
"Inom pa kasi.", ngumuso nalang ako dahil sa sinabi niya. "By the way, Im Xhavier but you can call me Lee. Anak ako ng may-ari ng inuman na ito kaya nandito ako. Nakita kita kagabi mag-isa mong umiinom at umiiyak ka pa. Muntik ka pa ngang mabastos kahapon kaya pasalamat ka at nandito ako kagabi para ilayo sila sayo. Kaya ikaw huwag kang inom ng inom kung wala kang kasama at lalo na kapag ang ikli-ikli ng damit mo!", sermon pa niya na animoy parang kuya ko.
"Sorry naman, kasalanan niyo kasi napakababaero niyong mga lalaki!", singhal ko dito kahit medyo nahihiya pa rin lalo na at may hoodie na akong suot, panigurado akong sa kanya to.
"Parang yun lang? Iinom ka na?", hindi makapaniwalang tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Gutom na'ko", ngumuso ako at hinanap ang bag ko at doon hinalungkat ang phone ko.Sh!t! Andaming text at missed calls! Pero alas diyes na gagi!
"Kailangan ko ng umalis kuya! Bye!", sabi ko habang inaayos ang gamit ko.
"Kumain ka muna dito.", aniya pero umiling ako.
"Nakakahiya na.", sambit ko at tumayo na."Nagluto pa naman ako para sayo.", aniya kaya natigilan ako at napahinto sa paglalakad. Hays.
"Fine."
"So bakit ka nga umiiyak kagabi?", tanong niya habang kumakain kami. Mami yung niluto niya, good for hangover daw pshh.
"Tanong mo sa pish.", pabalang kong sagot na ikinakunot naman ng noo niya. Kaya nga ako uminom para kalimutan yung nangyari tapos pinapaalala pa niya.
"So bakit nga?", pangungulit niya.
"Yung kapwa mo lalaki, nanliligaw pa lang may babae na agad pvnyeta yun akala mo naman sobrang gwapo e mas gwapo pa nga yung ex ko sa kanya.", inis kong pagkukuwento dahil naalala ko na naman ang pagmumukha ng lalaking yun.
"Anong nangyari ba? Pero huwag mo akong dinadawit diyan."
"Magpapahangin lang naman sana ako kagabi pero nahuli ko silang naglalambingan ng babae niya sa may park. Kaya ayun dito na ako dumeretso."
"Alam mo ba?", tanong niya at binalewala ang kwento ko. Kainis!
"Bakit?", tanong ko.
"Ang tanga mo"
"Pvnyeta ka!", inis ko rito at binato ng kutsara.
"Ouchhh!!", reklamo niya dahil natamaan sa mukha.
"Deserve!"
Bangayan lang ang nangyari sa amin hanggang sa matapos na kami kumain. Nangako pa akong babalik dun dahil kailangan niya akong ilibre kahit na pinilit ko. Hehe.
Ang gaan ng loob ko sa kanya, sa loob ng 18 years ay ngayon lang ako nakaramdam na meron akong kuya. 19 na daw siya pero mukha pa namang bata lalo na at isip-bata! Pero ayos din kakakilala pa namim pero close na kami pero ang loko chix ang hinihingi sakin kaya yun bumili muna ako ng anak ng manok dun sa nadaanan ko kanina.
Pagkauwi ko sa apartment ko ay dumeretso ako sa kwarto ko at kumuha ng damit. Ang baho ko na! Amoy alak pa rin ako pwera lang dito sa hoodie na suot ko. Mukhang kailangan ko nga rin yatang bumalik doon para ubusin ang mga hoodie niya.
Naligo na nga ako then nag-ayos ng mga gamit ko. Hindi naman masyadong magulo ang apartment ko kasi kakalipat ko din lang naman dito dahil magttransfer ako ng school at malinis naman dito kaya yun.
KINABUKASAN. Pamilyar naman na ako dito sa lugar na ito dahil nagtour na ako last week. And guess what? First Day of School na namin pero wala akong kakilala.
"Pst!"
Napalingon ako sa pinanggalingan noon at nanlaki ang mga mata kong lumapit sa kanya.
"Hi Lee! Hindi ko alam na dito ka rin pala mag-aaral ", sabi ko habang sabay kaming naglalakad, may mga estudyante ring tingin ng tingin samin lalo na sa akin.
"Hindi mo tinatong."
"Bwiset ka!", singhal ko rito at kumapit sa braso niya nang may muntik na akong makabanggahan pero agad ding bumitaw.
"Ano year mo?", tanong nito pero hindi ko pinansin.
"Huy!", ulit niya pa pero inirapan ko lang.
"Fine! Good Morning Xairynne.", aniya kaya nginitian ko siya.
"Yannn! Grade 12 na ako, ikaw?"
"Same."
Nagdaldalan kami pero shmepre may kasamang bardalugan hanggang sa makarating kami ng classroom. Pinagalitan pa nga kami dahil late daw kami e mas nauna lang naman siyang nakarating sa classroom.
"Huy bi!", tawag ko kay Lee.
"Paano daw 'to?", tanong ko sabay pakita sa tanong na hindi ko magets. First day agad pero may activity na agad hanep.
"Gwapo ako pero bobo ako, dinonate ko na kasi yung talino ko.", aniya at nagkibit-balikat kaya kinurot ko siya sa tagiliran.
"Arayy!"
"Umayos ka!", banta ko dito kaya naman kinulbit niya ang nasa likuran niya. "O si Shein tanungin mo.", aniya at nagcellphone na ulit pero napaface palm nalang ako dahil sa kahihiyan na dinudulot ng lalaking ito sa buhay ko.
"Sorryy ha? Bobo kasi nito, pero paano ba itong tanong dito sa huli?", nahihiyang sambit ko at ngumiti naman ito sa akin.
"Hindi daw sasagutin yan bhie, nagkamali si ma'am.", aniya kaya natulala ako pero napatango din.
"Ah sige salamat.", sabi ko at nginitian bago bumaling sa katabi ko at pinalo ang likod niya gamit ang kamay ko.
"Arayyy!", pasigaw niyang reklamo dahilan para mapatingin sa amin ang mga kaklase namin.
"Ay sorryy lab. Hehe", sabi ko at nagpeace sign dahil ang sama ng tingin niya sa akin.
"Libre mo'ko mamaya.", aniya at ngumiti kaya pinandilatan ko ng mata. Ang takaw!
"Sa isang kondisyon."
"Ano na naman?"
"Pakilala mo'ko dun.", sabi ko sabay nguso sa lalaking nasa harap.
"Ayoko nga."
"Edi wag!"
"Sa iba na lang basta wag yun.", aniya na medyo seryoso pa.
"Siya yung gusto ko!", sabi ko at napanguso.
"Bahala ka."
Thank you for reading my Kejsh! (Allow me to call my readers Kejsh)!! <3
