CHAPTER 3: Agent..... Secret!
Papasara na ang elevator ng biglang may humarang na katawan ng isang lalaki. Dahil automatic ang naturang elevator kaya kusa itong bumukas. Nasa ika 10 palapag kami ng 12 storey building kung saan nakatira ang mga estudyante. Kaming dalawa lamang ang sakay pagkat halos lahat ay nasa kanya kanyang classroom na. Ang pinagtataka ko bakit may lalaki sa east tower kung pangbabae dito at sa west tower dapat sila. Hindi naman siya mukhang personnel ng school kagaya ng mga lalaking may daladalang mga dambuhalang aso na nagpaalis sa akin kanina for inspection purposes daw. Isa rin siyang estudyante kagaya ko pero bakit andito pa siya? Don't tell me aabsent din siya sa first day of school?
Pero imbis na mag usisa at pairalin ang pagka imbistigador (okay sige pagka tsismosa) ko ay ipinagkibit balikat ko na lang ang lalaking tila di mapakali sa tabi ko pagkat antok na antok na ako. Mag iisang buwan din akong walang maayos na tulog at ang huling idlip ko ay two days ago pa bago kinasa ng mga kidnappers na yon ang malaking operasyon.
At imbis na matulog sa kwartong nakalaan sa akin dito dahil late na rin naman ako ay pinaalis pa ako. Idagdag pa ang sitwasyong kinakaharap ko kaya stressed na stressed talaga ako.
"Damn!"
Gustuhin ko mang magulat sa biglang pagtigil at pagkalabog ng elevator ay mas nagulat ako sa pagsigaw ng kasama ko.
Agad siyang tumingin sa akin at mabilis akong sinuri at tila nais magtanong kung okay at natatakot ba ako. Pero ng mapansin niyang ayos na ayos ako ay nagkibit balikat na lamang siya.
Pinipindot nya ang lahat ng button pero ayaw gumana. Ng tila marealize na walang naitutulong ang pagpipindot niya dun ay napasabunot siya sa sariling buhok while uttering bad words. Napapailing na pinindot ko ang emergency button.
"if you didn't notice yet we're currently stuck at the elevator 3, east tower. Can someone tell us what's going on?" Nasisiguro kong may tao sa control room na nag fafacilitate sa mga cctv's.
"we're sorry Ms.?...." boses ng isang babae.
"Griffin" sagot ko.
"We're sorry Ms. Griffin and Mr. dela Fuente. We already sent some experts to check the problem. Please don't panic" Napalingon ako sa kasama ko. Kilala pala siya.
"how will you let this happen. To think that its a first day of school. Yet this elevator malfunction?" Sermon ng lalaki este ni Mr. dela Fuente.
Hindi maikakailang naiinis siya sa pagkakakunot ng kanyang noo.
"again we're sorry Mr. dela Fuente. We made sure we checked all the facilities before the school year start. We're also have no idea what's going on. Based on our records first time po itong nangyari." Magalang na sagot ng isang babae.
"let's talk about that later.
For now get us out of here as soon as possible! Understand?" Maawtoridad na utos nito.
"yes Mr. dela Fuente."
Based sa narinig, kagat labi kong kinukuha ang phone sa bulsa. At hindi nga ako nagkamali ng hinala pagkatanggap ko ng isang mensahe.
"good luck sa bagong misyon bunso. Regalo ko sa unang misyon mo para magkalove life ka naman. Hahah! Pasalamat ka magaling akong pumili. Gwapo diba? Hahah! Sige dinaan ko lang yung gamit mo. Sana ako ulit yung utusan ni Chief. Challenging pasukin tong bago mong school eh. Sige na. Baka maabutan mo pa ulit ako. Bye! Ingat sila sayo, lalo na yang kasama mo! "
Napapailing na sinara ko na lang ulit ang phone. Meet Agent Viper at ang kanyang kalokohan. Pasalamat ka puyat ako. Maski mag reply nga tinatamad ako eh.
BINABASA MO ANG
Gangster's Fallower
ActionWhat would happen if the best sniper who wanted nothing but more missions/cases to solve will become a senior high school student?