CHAPTER 5: Finding MEMO

18 6 1
                                    

CHAPTER 5: Finding MEMO

Nakahanap ako ng magandang pwesto sa itaas ng puno. Hindi pa man nag iinit ang likod ko sa pagkakahiga sa napakalaking sanga ay naulinigan ko ang yabag ng papalapit na babae based sa tunog ng sapatos nito.

Pag sipat ko sa relo ay lunch break na pala. Biglang tumigil ang babae sa ilalim ng puno. Dahil alam kung magtatagal siya dito kaya napagpasyahan kong maghanap muli ng pwesto.

"oh my God!" napahawak siya sa kanyang dibdib at di makapaniwalang nakatingin sa akin.

"papatayin mo ba ako?" gulat na tanong niya. Tumalon lang naman ako at naglanding right in front of her. Sinong hindi magugulat gayong 1 feet lang ang agwat namin.

"next time maybe." Balewalang sagot ko. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya. I on the other hand slap my forehead mentally. Umandar na naman ang pagkamatabil ng dila ko lalo at puyat ako. Nagmadaling nilisan ko ang lugar bago pa kung ano na naman ang masabi ko.

No exact destination, I found myself aiming the library. A perfect place to sleep dahil tiyak walang magagawi dito sapagkat tanghalian na. Pero ng makita ko ang sandamakmak na aklat ay mabilis akong umatras at patakbong nilisan ang lugar. How can I forgot. Malamang maraming libro dun. Library nga diba. Haay! Even my common sense is not responding. Natutulog pa rin ata.

Nang mamataan ang mga familiar na lalaki na tila may hinahanap ay agad akong lumihis ng daan. Pero too late.

"sleeping beauty"

I rolled my eyes on him. Sino ba pa?

"hahah! Talaga naman. Sa bawat pagkikita natin tulog ka." Kung magsalita parang close kami ah!

"yeah right. And I'm having a nightmare right now" monotone kong sagot.

"ang sama mo!" And I almost smile nang ngumuso siya. I admit hindi nabawasan ang pagkalalaki niya sa inasal. Bagay pa nga. Ang cute.

"did you saw Memo?" Napabaling agad ako sa nagmamay ari ng baretonong boses na iyon.

"hindi" I answered lazily.

"but he went to the pool area earlier" Kung makatingin siya ay tila kumbinsidong alam ko talaga. Na tila ako ang makakasolve sa lahat ng problema. Kesa ba ako ang nakakita sa aso niya ay dapat si Memo ako din. Kelan pa ako naging lost and found? Hay! Kung anu ano na ang naiisip ko.Bakit ba kasi laging may nawawala sa kanya?

"Malamang tulog ako. Baka naman nalaglag din siya sa pool" pwede bang pass muna ako. Antok na antok na talaga ako. Alam ko namang sanay ako maghanap lalo nang nawawlang tao. Pero pwede wag muna ngayon.

"obviously. He... Nevermind." Napansin niya sigurong wala siyang mapapala sa pakikipag usap sa akin kaya kusa ng sumuko.

"come on. Lets find him" yaya niya sa mga kasama at mabilisang lumayo.

Kahit naguiguilty, wala talaga akong magawa. Baka imbes na makatulong maging pabigat pa ako. Besides marami na siyang katuwang sa paghahanap. Maging ang ibang estudyante na naglabasan ng room para mag lunchbreak ay tumulong na rin.

Sa paghahanap ng mas magandang pwesto ay muli  ko na naman siyang makakasalubong , ngunit ngayon wala siyang kasama.

"you didn't really......"

"no" walang gatol na sagot ko at hindi na hinintay na matapos ang tanong niya.

".....saw my dog?" Agad akong napatigil sa balak na pagalis ng marinig ang huling sinabi niya.

"bakit kasi memo ka ng memo. Malay ko bang aso hinahanap mo." Hindi ko mapigilang hindi mainis.

"then you saw him again?" paninigurado niyang tanong.

"what do you think? Bakit ang hilig tumakas nun?" Nakahalukipkip kong usisa.

"where is he? Where did you tie him this time?" binalewala niya ang naulinigan niyang inis sa akin at sa halip asked hopefully.

"tinakasan nga rin ako" Isa yun sa kinaiinis ko. Nakakainis lang na batid kong gala yung aso pero nagpakampante pa rin ako at nakisabay pa sa pagtulog. Di ko na naisip na baka pati ako tatakasan. At yun na nga ang nangyari. Natakasan ako. Ako na ang madalas trabaho ay tagahabol, tagahuli at tagabantay ng mga tumatakas. Argh!

"where did you last saw him?"

"pool area" walang pasabing hinila niya ako papuntang pool area.

"saan banda?" Hindi pa man kami nakakalayo ay

namataan namin ang aso na papunta sa amin kaya agad niyang binitiwan ang kamay ko at tinawag ang aso.

"Memo!" tumatahol na tumakbo ito papunta sa amin. Agad na naghintay siya at open arms na sinalubong ang alaga. Pero laking gulat naming dalawa na imbes sa kanya yumakap ay nilagpasan lang siya at sa halip ako ang dinamba.

Me being unprepared kaya agad natumba, na lalong yatang ikinatuwa ng aso pagkat dinaganan niya ako at diniladilaan ang mukha.

"stop it memo" di nito pinansin ang amo at nagpatuloy sa ginagawa.

"geez! Okay stop" pinigilan kong wag matawa sa reaksyon ni Mr. dela Fuente ng agad nakinig si memo sa akin.

Tinulungan niya akong tumayo habang halata pa rin sa mukha niya ang pagkagulat.

"thanks" pinagpagan ko ang damit ko habang si memo ay hindi gumagalaw sa tabi ko at nakamasid sa akin.

" where have you been memo?" tanong niya sa aso niya subalit di man lang siya nito pinansin.

"so memo saan ka nagpunta?" kastigo ko sa aso. Tiningnan niya ako at agad tumakbo na tila sinasabing sundan siya. Nang mapansin na hindi kami sumunod ay huminto siya at kinahulan kami. Walang nagawang patakbong sinundan namin siya.

Malayo ang agwat niya sa amin nang tumigil siya sa pinagtulugan namin kanina kaya tumigil na rin ako sa pagtakbo maging ang kasama ko. Naglalakad na lang kaming lumapit sa puno. Malayo pa man ay napansin ko na ang puting bagay na kinagat niya. Pagdating namin agad niyang inabot sa akin ang tangan tangan niya.

"Wow thanks. You get this for me?"

tumahol siya bilang sagot sa akin.

"that explains bakit bigla kang nawala"

kongklusyon ko.

"you bring my thing all the way here for that woman?" inis na binalingan nya ako ng di siya ulit pinansin ng alaga.

"I didn't ask him to do that" agad na despensa ko sa sarili ko.

"I know! Memo hindi mo ba talaga ako papansinin?"

lalo siyang nainis ng hinila ako ni memo. Tila nais niyang matulog na akong muli.

"I've been looking for you and I'm worried sick, yet your totally ignoring me?" hindi maipinta ang mukha niyang lumuhod at tumapat kay memo. Ako naman ay humiga na dahil mas inantok ako sa dala ni memo na unan para sa akin.

"hahahahah!" hindi ko na mapigilang hindi matawa ng biglang humiga sa tabi ko si memo. Frustrated na binunot niya ang mga damo at masamang tiningnan ako.

"okay I get it. You like her that much huh?" sa sinabi ay agad na lumingon si memo sa kanya na tila kinumpermang totoo ang hinala nito.

"finally I got your attention huh? Let's go. They badly need you right now" sa halip na sundin ang utos ay pumikit siya at sumiksik sa likod ko.

"memo!" kinalibit niya ito.

"I know your not asleep. You better get up now. Your already causing a delay."

Natitiyak ko na ngayon na kabilang siya sa mga asong nag iinspection sa dorm.

"what did you do to him?" bentang niya sa akin ng di talaga siya pinansin.

" I didn't do anything. Memo can you bring your jealous owner with you. Hindi ako makatulog sa LQ niyong dalawa."

agad na bumangon si memo at biglang hinila ang amo.

"thanks memo" nakangiti at

napapailing na pumikit ako.

"anong pinakain mo sa aso ko?"

naulinigan ko pang sigaw niya. Nakapikit na kinawayan ko na lang ang dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gangster's FallowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon