CHAPTER 4: Pool Full of Fool GANGSTERs!
"Sunog! Sunog!" Humahangos na lumapit ang isang bagong dating na babae sa babaeng nakaluhod sa harap ng nasusunog na bahay habang umiiyak.
"may tao pa ba sa loob?" tanong ng bagong dating na babae. Nang tumango ito ay agad pumasok ang naturang babae.
"huwag......Aray!" nais man nitong pigilan ang nagmamadaling pumasok na babae ay di nya magawa sapagkat habang nakaluhod pa siya sy biglang natumba ang isang nagbabagang kahoy sa mga binti niya.
Ilang saglit lang ay umuubong lumabas agad ang babae.
"di ako makapasok sa pinaka loob, hala! Ang binti mo " agad nitong sinipa ang nakadagan na kahoy.
"arf! Arf! Arf!" Hah??? aso???
"huh! Huh! Huh!" Hinihingal na napabalikwas bangon ako. Ang panaginip na iyon na naman. Isang taon ko na yun halos di napapanaginipan . Bakit bumabalik?
Sa may pool area ako dinala kanina ng mga paa ko. At sa lilim ng isang malaking puno ako nakatulog. Wala sa loob na napahawak ako sa aking mga pisngi, at gaya ng dati may luha. Lagi na lang akong nagigising na umiiyak tuwing napapanaginipan ko iyon. At hindi kagaya ng dati medyo mahaba haba ang napanaginipan ko this time.
"arf! arf! arf!" muli akong nagising ngunit sa pagkakataong ito ay mula sa malalim na pagiisip.
Nilingon ko ang pool kung saan nanggagaling ang kahol.
Dali dali akong lumapit ng makita ang asong tila nalulunod.
"oh my god! Ikaw na naman? Bakit nanjan ka? Are you okay? Okay! I know your not. God why I am even talking to you. Argh! Of all places bakit sa swimming pool pa? Bakit di ka marunong lumangoy?. Bakit kasi jan mo naisipang dumumi!" Kahit nagpapanic ay hindi nakaligtas sa akin ang palutang lutang na dumi ng aso na tiyak dahilan ng problema niya at ngayon ay problema ko na rin.
Naghanap ako ng pwedeng makatulong ngunit alam kung imposible pagkat malayo ang pool area sa clasrooms. Pero sinubukan ko paring sumigaw subalit useless lang. Dali dali na lang akong naghanap ng mahabang kahoy na pwede nyang kapitan ngunit nabigo ako.
Kaya nag lakas loob na akong lumapit sa pool at nakapikit na nag handang lumusong. Ngunit nasa unang baitang pa lang ako ay agad na akong umahon.
" I'm sorry I can't do it. " Hindi ko talaga kaya. God!
" Argh!" Frustrated kong sigaw. Ngayon ko higit na kailangan ang focus at wag mag panic.
Nag inhale exhale ako habang naghahanap ng kahit anong bagay na makakatulong.
Mabuti at may nakita akong sirang plastik na arm chair sa malapit na basurahan. Ngayon lang ako lubos na nagpapasalamat sa mga plastik na bagay. Agad ko itong kinuha at mabilis na hinagis ang nagsisilbing desk o sulatan ng armchair. Thank God at naintindihan niya ang nais kong mangyari pagkat agad siyang sumampa dito, subalit sa sobrang laki ng aso ay di kinaya ang kanyang bigat at agad nahulog. Hinagis ko naman ang mismong sandalan pagkatapos mabilisang tinalian ng mga plastic bottles na nakita ko din sa basurahan. Sadya ngang may kayamanan sa basura.
Nang makasampang muli ay dali dali kong pinakawalan ang tubig sa pool. I need to drain it in order to save him.
Kunti pa lang ang nababawas sa tubig ng muli siyang madulas sa kanyang improvise na salbabida at tuluyang napalayo dito. Kinuha ko ang sapatos na suot at dalidaling inasinta ang upuan. Sa unang pagkakataon ay kinapos at di tuluyang nakalapit sa kanya. Sa sunod na asinta ay siniguro kong sapat ang pwersa para rin hindi siya matamaan. At muli nga ay nakasampa siya.
BINABASA MO ANG
Gangster's Fallower
ActionWhat would happen if the best sniper who wanted nothing but more missions/cases to solve will become a senior high school student?