Clark
May isa akong nagugustuhan at alam kong imposible ko syang makuha. Normal na lalaki lang sya at madami ang humahanga sa kanya.
Kaya alam kong wala akong pagasa.
"Hoy, Frilyn! Ano bang tinutulala mo dyan?"
Halos mahulog ko ang mga gamit na hawak ko dahil sa biglang pagakbay sa akin ng kaibigan kong si Icy.
"Tulala agad? Hindi ba pwedeng may malalim lang na iniisip?" Sagot ko sa kanya.
Tumitig lang sya sa mukha ko bago tumawa. "Ano ba kasi ang iniisip mo at nasa gitna ka ng daan?" Puna nito kaya agad kaming tumabi.
Nakakahiya man pero tumingin ako sa labas ng bintana. Nasa second floor kami at kita sa baba ang ibang estudyante na may klase.
Naglalaro sila kaya PE siguro ang subject nila ngayon. Ngunit tanging nasa paningin ko lang ay ang isang tao. Sya lang ang nakikita ko kahit sobrang dami nila na nakapaligid sa kanya.
"Ohh. Si France ba?" Nanatiling nakaakbay sakin si Icy at bumulong. "Crush mo sya?"
Biglang umiba ang paningin ko at napunta ito sa isa nitong kaibigan. "Hindi. Si Clark ang tinitignan ko." Sumulyap ako sa kanya bago nagpatuloy maglakad, "Boyfriend mo sya, ba't ko magiging crush yon?"
"Ehh?" Sumunod si Icy sakin at dumikit na parang linta sa braso ko. "Crush lang naman, hindi naman yon masama." Tumawa ito.
Patuloy lang kami sa paglalakad papunta sa classroom namin. "Hindi kaba nakakaramdam ng selos? Lalo na't madami ang nagkakagusto sa boyfriend mo?" Taka kong tanong.
Gwapo, matalino at magaling magsoccer si France. Madami itong kaibigan at sobrang dami ding humahanga dito lalo na mga babae.
Sikat ito dahil isa ang lalaki sa mukha ng school, ibig sabihin, kilala ito dahil sa mga competition na sinasalihan nito kaya ganoon nalang kadami ang may kilala dito.
Si Icy, bukod sa maganda, matalino, madiskarte din sya. Business minded ang kaibigan kong ito kaya madami syang napagkakaabalahan.
Bagay na bagay silang dalawa at halos magiisang taon na ang relasyon nila. Kung paano ko alam, normal lang yon dahil hindi lang naman ako ang nakakaalam, kundi buong school.
Icy giggle, "Why would I? I trust him and alam ko na ayaw nya sa ganoon. You know naman Frilyn na mature ako magisip, diba? Kaya I understand him." Tumango ako.
"I see."
"And, hindi yon maganda sa isang relasyon. Masasakal at masasakal ang partner mo kung todo bakod ka at walang tiwala sa kanya." Ngumiti sya sakin, "Right?"
Tumango lang ako kaya agad itong pumasok sa room nang makarating na kami. Naiwan lang ako sa labas at napaisip.
Masasakal..?
SIMULA NON, tinigil ko na ang kakatitig kay France. Tama nga si Icy at ayaw ko na ako ang makasira sa kanya, sa kanila.
Mahirap man pigilan ang nararamdaman, hindi naman masamang subukan.
"Frilyn." Tawag sakin ni Ma'am.
"Yes po?"
"Sumama ka sakin at ibibigay ko yong papel sayo."
BINABASA MO ANG
Deeper Than Love
Romance*One shots stories Mga pangyayaring magagawa ng isang taong may hinahangaan at nagmamahal. Ano at sa paanong paraan nga ba ang mga ito? Ito ba ang mga sitwasyon na akala mo...alam mo na?