Tery
She's beautiful. Really beautiful. Unparalleled and out of this world gorgeousness. Tao pa ba sya? Ang palagi kong naiisip tuwing nakikita ko si Tery
Sino nga ba si Tery? Simple, sya lang naman ang kapit bahay namin. Magkakilala kami pero hindi ganoon kaclose sa isa't isa. Kahit gaano ang gusto kong lapitan sya, hindi pwede
Una, hindi ko gusto na maging kakaiba sa paningin nya. Pangalawa, sapat na sakin na sa malayo sya pagmasdan. Pangatlo, minsan 'di ko mapigilan ang sarili kung ano ang maari kong gawin sa kanya. Pangapat, hindi ko kayang mapatabi sa isang magandang tulad nya. At panglima, may asawa na sya
"Oh, good morning, Liam!" Agad na bati nya nang makita akong papalabas ng bahay
"Morning..." Nakayuko kong sagot at nauna na naglakad
Hindi ko sya kayang tignan sa malapitan. Pakiramdam ko, napakaliit ko kapag kaharap o katabi sya. Kaya ayos lang sakin na palagi syang nakikita sa malayuan at wala syang kaalam-alam doon
Bumili lang ako ng gagamitin sa pagluluto mamayang tanghalian at bumalik 'din sa bahay. Napansin ko na wala na si Tery, mukhang inilabas nito saglit ang mga aso
Tuwing umaga, pagpatak ng ala-sais, lumalabas si Tery para igala ang dalawang aso. Isang Chihuahua at golden retriever, mahigit dalawang taon na nya itong kasama sa bahay at kaibigan nya nga daw ito
Paano ko ito nalaman? Alam ko lang kasi ako ang kaisa-isang taga-hanga nya. Ito 'din ang dahilan kung bakit sobrang aga kong lumalabas ng bahay, para lang magtagpo ang landas naming dalawa
Bubuo na iyon ng araw ko. Nagluluto lang ako ng kakainin ko mamayang tanghali habang nakikinig sa TV, nang narinig ko na may nagdoorbell. Iniwan ko muna saglit ang niluluto at tinignan kung sino ito
"Hello!" Masiglang bati ni Tery nang buksan ko ang pintuan
Nagulat man ako, "A-Ano ang kailangan nyo?" Kinakabahan ako, halos rinig na rinig ko ang tibok ng puso nya sa pwesto ko...o akin iyon?
Kahit hindi ako nakatitig sa mukha nya, amoy na amoy ko padin ang bango ni Tery. Kahit ang paghinga nya ay matamis at napakasarap nitong pakinggan
"Ah! Ito nga pala, napasobra ang pagluluto ko at gusto ko sanang ibigay sayo ang sobra." Doon napataas ang mata ko, nakangiti sya sakin
Pinilit kong tinago ang panginginig ng kamay ko, kalmado akong maliit na ngumiti sa kanya. "Maraming salamat."
Pagkakuha ko, halos napatalon ang buo kong katawan dahil hinawakan nya ang kamay ko, kung saan ako nakahawak sa lagayan ng ulam. Hindi ko ito magawang maalis dahil nga may hawak-hawak ako
"Alam mo, napakagwapo mo kung ngingiti ka. Sa susunod tumingin ka sa taong kumakausap sayo, okay? Ayon lang, bye!" Huling sinabi ni Tery bago tuluyang umalis
Nakatulala lang ako. Pakiramdam ko nasa harapan ko padin sya dahil amoy na amoy ko padin ang halimuyak nya. Pagkasara ko ng pinto, iisa lang ang nasa isip ko
Hindi ko muna huhugasan ang mga kamay ko
PAGSAPIT NG gabi, nagayos na ako para sa gagawin. Lumabas ako ng bahay at naglakad lang saglit. Pumunta ako sa bakuran at pinagmasdan ang bahay na nasa harapan ko
BINABASA MO ANG
Deeper Than Love
Romance*One shots stories Mga pangyayaring magagawa ng isang taong may hinahangaan at nagmamahal. Ano at sa paanong paraan nga ba ang mga ito? Ito ba ang mga sitwasyon na akala mo...alam mo na?