III

25 11 5
                                    

King

"Your affection is sweeter than honey."

Ito ang katagang nakatatak sa isip ko. Halos palagi ko na nga 'yang naiisip eh. Naghahangad ba ako ng isang lalaking magsasabi sakin ng ganyan?

Pero mukhang imposible

"Patricia! Nasaan na ang mga assignment namin?!" Kaagad naman akong napatakbo papunta sa upuan ni Trisha

Tahimik kong binigay ang mga notebooks nilang magkakaibigan na inuwi ko kahapon. Ito ang isa sa dahilan bakit napakaimposibleng makahanap ako ng isang lalaking mamahalin ako gaya ng mga nasa palabas

Ngumiti naman sila Trisha sakin at tinaboy din agad ako. Mabilis naman ako sumunod para makaiwas agad sa kanila bago pa ulit nila akong mapagdiskitahan

Siguro sa mga palabas lang nakakakita ng napakagandang kwento. May bida at kontrabida. Meron din namang extra, isa na ako doon

Teacher's pet. Slave. Kung ano-ano pa ang naririnig ko sa mga classmates ko. Ang reputasyon ko ay ganito kababa sa room namin

Habang wala pa ang teacher, tulala lang akong nakatingin sa labas ng bintana. May mga nagp-pe, naglalaro sila ng sports. Pero wala doon ang atensyon ko kundi sa isang taong nakaupo sa bleachers at may hawak na notebook

Si King. Matalino at malakas. Kahit nakasalamin ito, hindi nababawasan ang kagwapuhang taglay nya. Low key lang ito at kahit magaling ito sa sports, mas priority nya padin ang pagaaral

Sya ang hinahangaan ko. Sa una palang, paborito ko na manood ng mga palabas lalo na kung romance. Minsan nadadala ako sa emosyon nila at napapaisip na sana ganito nalang ang buhay ko

Hindi ako umaasa. Sa sitwasyon ko, ito siguro ang stage na, admiring from afar

GANOON NALANG kabilis ang oras, uwian na. Mabuti nalang at walang masyadong assignment at di nakafocus sakin sila Trisha. Baka mas malala na naman ang mangyayari sakin bago ako umuwi

Gaya ng dati, naglalakad lang ako pauwi. Palubog na ang araw at medyo hindi na kita ang nadadaanan ngunit kahit ganito, mas maayos na ito kesa sa walang ilaw. Inayos ko muna ang salamin ko bago magpatuloy na maglakad

Napaatras nalang ako bigla nang may lumabas sa isang masikip na eskinita. Mukhang nagulat din ang tatlong lalaki sakin, bago sila magkatinginan sa isa't isa. Magpapatuloy na ulit sana ako sa paglalakad pero pinigilan nila ako

"Uuwi kana?"

"O-Opo..." Mahina kong sagot. Hindi ito normal. Ilang buwan na ako naglalakad dito at wala pang nangyayaring ganito, ngayon lang

Ngumiti ang nasa gitna na lalaki. "Pwede ba magpasama muna kami sayo? Naliligaw kasi kami eh." Umabante ito sakin, di ko naman mapigilang umatras

Maliban sa lalaki sila, may kalakihang din ang mga katawan nila. Silang tatlo ay may tattoo sa iba't ibang parte nang katawan nila, na mas nagbibigay panganib

"H-Hindi ko din po kasi....alam dito." Totoo naman ang sinabi ko! Wala akong alam sa pasikot-sikot dito dahil di naman dito ang bahay namin!

Napikon ata ang nagtanong sakin at mabilis na naglakad papalapit. "Nagaral kapa kung di ka naman matulungin." Banas na sabi nya

Halos mapikon ako sa narinig. Paano ko kayo tutulungan kung iba ang uri ng pagtitig nyo?! At may pinipili ang pagiging isang matulungin!

Nahigit na nya ang kamay ko, doon ako nataranta. Mas lalong lumukob ang takot sa dibdib ko nang makitang papalapit pa ang dalawang lalaki na hindi kalayuan samin

Deeper Than LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon