SA OPISINA, mag-isa lang si Eunice dahil sa sunod-sunod na meetings ni Keus. Tatlong oras na rin siyang naghihintay, at dahil hindi na niya natiis ang gutom, nag-iwan na lang siya ng sulat sa asawa at nagpasya na kumain sa malapit na resto.
Dati, noong secretary pa lang siya ni Keus, madalas siyang kumain doon. Bukod sa hindi mahal ang pagkain, masarap din talaga. Kaya nang makarating siya, diretso na agad siya sa pag-order at kumain pagkadating ng pagkain.
Habang kumakain, hindi maiwasan ni Eunice na mag-alala. Baka kasi bumalik na si Keus sa opisina at magalit na wala siya roon, kahit pa nag-iwan siya ng note.
Nagdadalawang-isip pa siya kung uuwi na agad. Ang init kasi ng panahon, tirik na tirik ang araw dahil mag-a-alas dose na. Wala rin siyang payong. Pero hindi pa man siya nakakaalis, napansin niya ang isang eksena sa kabilang kalsada. Isang babae ang nakikipag-agawan ng bag sa dalawang lalaking naka-bonnet.
Magnanakaw.
Halos wala makapansin sa kaniya na buntis siya dahil sa bilis ng kilos niya. Tumayo siya agad at sumigaw.
"Hoy! Bitawan niyo siya!"
Sa lakas ng boses niya, nakuha niya ang atensyon ng mga tao sa paligid. Nagkagulo at biglang nagtakbuhan ang mga magnanakaw palayo.
"Ma'am, ayos lang po ba ka—" Hindi natapos ni Eunice ang sasabihin nang makita kung sino ang babaeng niligtas niya.
Nanlaki ang mga mata niya. Siya pala.
"Madam? Okay lang po ba kayo?" tanong ng isa sa mga tumulong.
Napaiwas ng tingin si Eunice bago mahina ang sagot, "Okay lang ako. Salamat po."
At hindi niya maintindihan, pero ilang sandali lang ay napagtanto niyang nakaupo na siya sa harap ng ina ni Keus, sa parehong restong kinainan niya kanina.
Ibang-iba na ang hitsura nito kumpara noong huli niya itong nakita. Wala na ang mapanghusga nitong tingin at ang matikas, elegante nitong postura. Ngayon, nakayuko lang ito, tila hindi makatingin sa kanya pero alam pa rin ni Eunice na hindi ito kailanman magpapakumbaba.
"I'll ask Keus to tighten the security around the company. Please accept my apology on his behalf," ani Eunice. Iniabot niya ang panyo sa babae bago tumayo at naglakad palayo.
Alam niya ang dahilan kung bakit pilit na pumapasok ang ina ni Keus sa kumpanya. Alam din niya kung bakit nito gustong makausap ang anak. Pero hindi pa siya handang magpatawad.
Maybe someday, kapag tuluyan na siyang nakapag-heal mula sa lahat ng kasalanang ginawa ng babaeng ito. After all, siya pa rin ang ina ni Keus, ang babaeng nagluwal sa asawa niya... ang lola ng kanyang mga nawalang anak at ng mga ipinagbubuntis niya ngayon.
Gaya niya, hindi pa rin handang humingi ng tawad ang ina nito. Hindi pa rin nito matanggap na ang anak niya ay may asawang hindi "normal" sa paningin nito.
"Love, saan ka ba nagsusuot? I was worried when I heard about you being involved in that incident."
Napalingon si Melisa sa bagong dating, ang anak niyang si Keus. Gusot ang suot, magulo ang buhok, at bakas ang matinding pag-aalala sa mukha.
Kahit kailan, hindi pa niya nakitang ganito ang anak. Hindi niya maipaliwanag pero magkahalong sakit at tuwa ang naramdaman niya. Hindi niya inakalang hahantong ang lahat sa ganito. Dapat pala noon pa niya nakita kung gaano kasaya ang anak niya kasama ang babaeng ito.
Pero huli na.
"Gusto ko lang kumain. Ayokong istorbohin ka para lang doon. Ilang araw ka na ring wala sa kumpanya—" mahina ang sabi ni Eunice.
"Kahit na. You're more important than those meetings. Just call me every time you need something, okay? Your hubby will provide it for you." Mahabang turan ni Keus bago mahigpit na niyakap ang asawa.
"I'm really so sorry..." bulong ni Melisa, habang pinagmamasdan ang anak at manugang.
"Let's go? Mainit, baka mapano si baby," dagdag ni Keus, hawak pa rin si Eunice.
AFTER SEVEN MONTHS.
MAAYOS ANG naging takbo ng buhay nila Eunice at Keus. Para kay Eunice, parang kahapon lang ang lahat ng nangyari, pero ngayon, alam niyang hindi na siya nag-iisa. Lagi nang nasa tabi niya si Keus.
Nagpasya si Keus na sa bahay na lang muna siya magtrabaho, habang pansamantalang inaako ng ama nito ang mga trabahong nangangailangan ng presensya niya. Naiintindihan naman ng lahat lalo na't maselan ang pagbubuntis ni Eunice.
Nang dumating ang oras, isinilang niya ang kambal. The eldest by a minute was named Kaince, and the younger one was Keince.
Pag-uwi mula trabaho, lagi nang sabik si Keus. "Hi, Love. How are my twins? Did you miss me, my babies?"
Alam ni Eunice kung gaano kahirap maging magulang. Madalas ay puyat si Keus sa pagbabantay sa mga bata dahil ayaw nitong mahirapan siya. Ayaw din niyang mag-hire ng katulong, determinado siyang kayanin ang lahat para sa pamilya nila. Kaya si Keus, tahimik na sumasalo sa lahat ng kaya niyang alagaan.
Minsan, nagigising si Eunice at napapansin na wala ang kambal sa crib. Lalabas siya ng kwarto at makikita ang asawa niyang maingat na isinasayaw ang mga bata para lang hindi siya magising sa iyakan ng mga ito.
At sa mga gabing iyon, hindi maiwasan ni Eunice na muling ma-in love sa lalaking minahal niya noon pa. She wanted to be stronger, to be better for him, for them, for their children.
Alam niyang hindi madali. Marami pang pagsubok. Pero ngayon, sigurado siyang hindi na siya mag-isa.
Hawak niya si Keus. Hawak nila ang kambal.
At sapat na iyon para maniwala siyang magiging maayos din ang lahat.
***
REECKZ'S NOTE:
Writing Eunice and Keus' journey has been an emotional ride. Filled with heartbreak, healing, and hope. And I'm beyond grateful to every single one of you who walked with them, felt their struggles, and celebrated their love until the very end.
This is not a farewell but simply a pause, because Special Chapter 2, which will focus on their twins, will be published on July 1, and I can't wait to continue sharing their story with you. Mwaps!
YOU ARE READING
ECHOES OF OUR VOWS
RomanceAfter ten years of marriage, Eunice has lost the joy she once had and now finds herself struggling to rediscover happiness, torn between her efforts to justify her circumstances and the unrelenting guilt that keeps her chained to the pain of her pas...
