TRIGGER WARNING: This chapter contains themes of emotional manipulation, rejection, and family interference in relationships that may be upsetting to some readers.
"KUNG HINDI ka magtatrabaho, Eunice, sayang ang pinag-aralan mo!" Parang nag-e-echo sa teinga ni Eunice ang boses ni Diana.
"Pero bakit kailangan dito pa?" Napabuntong-hininga siya.
Paano ba naman, matapos malaman ni Diana na si Keus Andrade pala ang nag-uwi sa kanya matapos ang nangyari sa bar, kinukulit na siya nitong mag-apply sa kumpanya ng binata.
Hindi naman sa ayaw niya sa kumpanya, pero no experience pa siya. Ang mas nakakahiya pa, bilang secretary pa ng binata ang gusto ni Diana na pag-apply-an niya.
"Next please." Kinabahan siyang tumayo para pumasok sa loob.
Narinig pa kasi niya mula sa ibang applicant na si Keus mismo ang nag-i-interview ng mga tao. Kaya hindi niya mapigilan ang mag-overthink.
What if he thinks I'm shameless for coming here just because he helped me that night? Or worse, baka isipin niyang gusto ko siya and be disgusted by that thought. Wait, how the hell would he even know that?
Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa harap, nakayuko habang nag-iisip kung ano ang sasabihin niya kapag tinanong siya kung bakit siya nandito.
"You may sit," basag sa katahimikan ng malamig na tinig ng binata.
Sumunod siya.
"Eunice Caseria. Fresh graduate from De Villa University with a degree in Bachelor of Science in Accountancy..." Dahan-dahan siyang nagtaas ng tingin habang binabasa nito ang folder niya.
At napansin niya ang kakaibang kislap ng amusement sa mata ng lalaki.
"Please enlighten me. Why should I choose you to be my secretary?" dagdag pa nito.
Nag-panic siya. Kaya kung ano ang unang pumasok sa isip niya, iyon agad ang lumabas sa bibig niya.
"Hindi pwedeng masayang ang pinag-aralan ko—shit!" Nanlaki ang mata niya nang biglang humagalpak sa tawa ang binata.
"You're really something." Napansin pa niya ang pagpupunas nito ng luha sa gilid ng mata. Pero imbes na ma-offend, nagulat siya na nagustuhan niya ang tunog ng tawa nito, pleasant, almost comforting.
Ilang saglit pa, pumasok ang babaeng nag-a-assist sa labas. May binulong sa kanya si Keus bago narinig ni Eunice ang sabi ng babae sa iba:
"I already got a secretary."
Napapikit siya. Siguro nagbibingi-bingihan lang siya dahil sa kaba. O baka dahil wala pa siyang kain, tapos tatlong oras din siyang naghintay sa labas.
"So, kumain ka na ba?" tanong ni Keus na may ngiti.
Mahiyain siyang umiling.
"Let's go. Kanina ko pa naririnig 'yang tiyan mo," biro pa nito na lalong nagpula sa pisngi niya.
Kahit may perang naiwan sa kanya ang yumaong magulang, hindi man lang naisip ni Eunice na kumain sa mamahaling restaurant. Una, masyadong magastos. Pangalawa, maraming tao.
At dahil wala rin siyang alam sa mga pagkain doon, si Keus na mismo ang um-order para sa kanya.
"That's all," sabi nito matapos iabot ang menu.
Habang umaalis ang waitress dala ang order nila, hindi malaman ni Eunice kung saan ibabaling ang tingin. Parang nagsisi tuloy siya kung bakit pumayag na sumama sa binata.
Hindi na rin siya sinamahan ni Diana matapos malamang inaya siya nitong kumain.
May ilang beses ding nagtatanong si Keus at sinasagot naman niya. Kaya hindi naging gano'n katahimikan ang mesa nila.
Pero ang ikinagulat niya ay kung gaano kabilis siya nitong tinanggap bilang secretary.
Ang rason daw; "Well, you have a good family background. I need a secretary I can trust in terms of business."
At tama nga naman. May ilang milyon na rin sa bangko si Eunice so wala siyang dahilan para lokohin ang magiging amo.
"But honestly, I've known you through Dwayne. Akala ko nga kapatid mo siya, not until recently," dagdag pa nito.
Tumango na lang siya.
Naisip niya tuloy. Nalaman din kaya ni Keus na ilang beses akong naglagay ng regalo sa locker niya noon? Mabuti na lang at pinangakuan siya ni Diana na walang ibang makakaalam.
"Thank you ulit sa paghatid," ani Eunice pagkauwi.
"No, I asked you out, so it's alright," sagot ng binata.
Napatango na lang siya, pero sa isip niya, Keus is weird. Una, inaya siya. Ngayon naman, siya pa ang nag-drive pauwi kahit sinabi nitong busy siya.
Hanggang sa dumating ang araw ng malaking surprise.
"No, please. I'm not gonna marry anyone. Listen to me, Eunice. I'm begging you."
It should've been a happy day. Keus even asked Diana's help to prepare a surprise. Balak nitong gawing official ang relasyon nila.
But Keus' mother... hindi siya basta papayag.
"My son will marry Claire because she's carrying my grandson. Kaya layuan mo ang anak ko!"
Nanliit si Eunice sa mga matang nakatingin sa kanya. Naririnig pa niya ang masasakit na bulong ng mga tao sa paligid. Kaya ibinaba na lang niya ang ulo niya.
Hindi niya kaya. Pero para sa bata, kailangan niyang umiwas. Ayaw niyang agawin ang ama nito. The child needs Keus more than she does.
Padilim na nang dumating siya sa lugar. Kita niya ang ganda ng mga dekorasyon. Pero sa puso niya, puro sakit lang ang naramdaman.
Ito pala ang inaatupag ni Keus nitong mga nagdaang araw. Halos hindi na natutulog, puro trabaho at paghahanda.
Pero mali ito. Hindi niya pwedeng hayaan. Ayaw niyang matulad ang magiging anak ni Keus sa kanya na lumaki ng kulang at mag-isa.
Nagsimula ang marahang tugtog. Kumislap ang mga ilaw sa paligid, nagpapaliwanag sa papadilim na gabi.
At sa dulo ng mga ilaw, naroon ang lalaking mahal niya. Pinipigilan niyang umiyak habang naglalakad palapit dito. Nakita pa niya ang saya sa mga mata ni Keus nang makita siya.
"Alam kong hindi mo paniniwalaan pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon, Eunice. I was just too shy to admit it to myself, pero matagal na akong may nararamdaman para sa 'yo."
Tahimik lang siyang nakinig.
Naalala niya pa noong estudyante sila, kung gaano ito katahimik. Palagi niya itong sinusundan, at sa mata niya, perpekto si Keus.
Pero nang naging secretary siya nito, doon niya nakita ang flaws. Laging trabaho, barkada, alak, at babae. Pero kahit gano'n, hindi nagbago ang pagmamahal niya. Hanggang sa mahalin din siya nito. Hindi niya iyon inasahan.
At noong una siyang hinalikan, pakiramdam niya nanalo siya sa lotto. Hindi, mas higit pa.
Pero sa huli, hindi pala siya para sa kanya.
"Masyadong mabilis, but just give me time. I'll prove my sincerity." Huminga nang malalim si Keus bago nagpatuloy. "Eunice Caseria, would you accept me as your lover?"
"Tapusin na natin 'to, Keus."
I'm sorry...
"I can't accept you anymore."
Forgive me for giving up...
"Go back to your fiancée. I don't need you to be with me."
I'm not brave enough to fight for you.
Hindi na niya hinintay ang sagot nito. At gaya ng lagi niyang ginagawa kapag may problema, tumakbo na naman siya palayo.
YOU ARE READING
ECHOES OF OUR VOWS
RomanceAfter ten years of marriage, Eunice has lost the joy she once had and now finds herself struggling to rediscover happiness, torn between her efforts to justify her circumstances and the unrelenting guilt that keeps her chained to the pain of her pas...
