"ANO'NG GINAGAWA mo rito, Keus?" Mahinang tanong ni Eunice nang makita ang lalaki na bumaba mula sa kotse sa tapat ng gate.
Nasa garden siya noon, masaya at tahimik na nagdidilig ng mga halaman ng mama nila Diana. Dahil malapit siya sa gate, agad niyang napansin ang presensya nito.
"Did you pack your things already?" Tanong ni Keus, halatang kinakabahan kahit na nakausap na niya si Diana at alam niyang pumayag ito.
Tumaas ang kilay ni Eunice. Narinig ba niya talaga 'yong tanong ko o nagbibingi-bingihan lang siya? Inis na bumuntong-hininga si Eunice bago tumalikod.
"H-Hey," tawag ni Keus, pero kinuha na niya ang hose para magdilig ulit.
"Fine, I'm here to get y-you home."
Napatigil siya at napatingin sa lalaki, lalo na nang mapansin niyang namumula ang tenga nito.
"Don't laugh at me, please," nahihiyang sabi ni Keus, agad na nag-iwas ng tingin.
Hindi napigilan ni Eunice ang mapangiti. Sa simpleng itsura nito ngayon, parang naiintindihan na niya kung bakit madalas siyang tawaging marupok ni Diana.
"Aherm!"
Sabay silang napalingon kay Dwayne na may hawak pang tasa ng kape. Halatang bagong gising at nag-aalmusal lang sana, pero ngayon ay nakatitig ng masama kay Keus.
"Hey, bro. Good morning," bati ni Keus, pilit na nakangiti.
"Walang good sa morning. Ano'ng ginagawa mo rito sa pamamahay ko?" malamig na sagot ni Dwayne.
Napatawa si Eunice. Alam niyang may galit pa rin ito, lalo na't nakita nito ang mga marka sa katawan niya kahapon. Eh sino ba naman hindi magagalit kung halos mapuno ng love bites ang leeg at braso ko?
"Kuya, grabe ka naman! Kontrabida ka na nga sa love life ko, pati ba naman kay Eunice? Halika nga rito, ang sarap ng buhay mo sa loob pero naghahanap ka pa ng away!" singit ni Diana, sabay tingin sa kuya nito.
Bumalik ang atensyon ni Eunice kay Keus. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiiling sa pinaggagagawa ng lalaki.
"Ahh, here. I brought this for you," nakangiting sabi ni Keus saka inabot ang bouquet ng pulang rosas.
Nag-alinlangan man, tinanggap ni Eunice ang bulaklak. At kung tatanungin siya sa sandaling iyon, masasabi niyang natutuwa siya kahit paano.
Pero agad pumasok sa isip niya ang sinabi ni Dwayne kahapon.
"Ang annulment? May update ka na ba tungkol do'n?"
Parang kidlat ang bilis ng pagbabago ng ekspresyon ni Keus, nawala agad ang ngiti niya.
Kahit papaano, umaasa pa rin siya. Base na rin sa sinabi ni Diana, pumayag si Eunice na mag-impake, kaya akala niya may pag-asa pa. Pero heto na naman siya, pinapaalalahanan ng posibilidad ng hiwalayan.
"I-I don't k-know," mahinang sagot ni Keus bago umiwas.
"As for your question, yes, I already did. Sa 'kin din mapupunta ang bahay kapag naghiwalay tayo, 'di ba? So much better if I move there from now on. Ikaw pala, kailan ka lilipat?"
Hindi makasagot si Keus. Alam niyang malinaw na sinabi na niya ang plano niya pero bakit parang ibang direksiyon ang pinipili ni Eunice?
"Sir, napasok na po lahat," singit ng isa sa mga tauhan ng Facun.
Tumango si Keus at marahang inalalayan si Eunice papasok ng kotse.
"Once again, take care of my friend, Keus Andrade. Baka sa susunod si kuya na mismo ang maglayo kay Eunice sa 'yo. So watch out, bro," biro ni Diana habang ginagaya pa ang tono ng kuya niya.
"Okay, we'll go. See you next time, Diana, Dwayne," masayang paalam ni Keus bago pinaandar ang sasakyan.
Tahimik ang buong biyahe. Wala ni isang salita si Keus habang nagmamaneho, kaya lalo tuloy nainis at naintriga si Eunice.
"Are you tired? Gusto mo bang buhatin na lang kita papasok sa loob?" tanong nito pagkahinto nila sa bahay.
Agad na namula si Eunice, biglang naalala ang nangyari sa kanila sa bahay ng mga magulang niya. Napahiya siya kaya agad na umiwas ng tingin.
"N-No need. Kaya ko naman," sagot niya, sabay alis ng kotse at diretso sa dating kwarto ni Bryle na naging kwarto niya nitong nakaraang tatlong taon.
Nanatiling nakapikit si Keus sa loob ng kotse, marahang bumuntong-hininga.
"No... I can't just let this happen. I should make her love me, right? I can do this," mahina niyang sabi bago pumasok ng bahay.
At doon, nadatnan niya si Eunice na pumapasok sa kwarto ni Bryle.
NAGDAAN ANG mga araw at linggo. Hindi tumigil si Keus sa pagsuyo sa asawa.
Araw-araw may bulaklak, agahan, at minsan pa'y tsokolate sa hapon. Minsan yayain niya itong kumain sa labas pero mas madalas tanggihan siya.
Unti-unti rin niyang napapansin ang pagbabago sa ugali ni Eunice. May mga araw na sobrang lamig ng pakikitungo nito. Kagaya ngayon.
"Do you want to come with me to the office?" alok ni Keus, kahit na halatang nakabusangot ang asawa.
"Ayoko," diretsong sagot nito, hindi man lang siya tinitingnan.
"You're going to be alone here. It's Saturday. 'Nay Silas and the rest will be going home. Or do you want to go out with Diana?"
Isang malakas na tunog ng kubyertos ang umalingawngaw, dahilan para mapatigil si Keus.
"What is it, love? Are you alright?" agad niyang lapit, saka lumuhod sa tabi ni Eunice. Dahan-dahan niyang iniangat ang mukha nito para magkatitigan sila at doon niya nakita ang mga luhang tuloy-tuloy na bumabagsak.
"What happened, love? Tell me, please," aniya habang pinupunasan ang luha nito gamit ang panyo. Pero mas lalo lang umagos ang luha ni Eunice. Kaya wala na siyang nagawa kundi yakapin ito nang mahigpit.
"Tahan na, please. You know I hate seeing you cry. Tell me what's wrong."
"Ayoko na. Lagi mo na lang akong pinapaiyak! Babalik na lang ako sa bahay nila Diana. Magsama ka na lang ng mga babae mo!" humihikbing sigaw ni Eunice.
"Huh? Ano'ng sinasabi mo? Wala akong ibang babae. Where did you get that?" nagtatakang tanong ni Keus.
"Stop lying, you dumbass! Akala mo ba hindi ko malalaman?! Dapat sa hotel mo na lang sila dinala, gago! I hate you! Bigay mo na lang sa 'kin 'yong annulment papers, ako na mag-aayos para malaya ka na!" tuloy-tuloy ang iyak nito habang binabaon ang mukha sa balikat niya.
"Love, stop. I'm not cheating. I love you, okay? And please... stop talking about annulment."
"Then why are you pushing me away?!"
Napahugot ng malalim na hininga si Keus bago muling yinukod ang asawa.
"Listen to me carefully. Alam kong nagkamali ako dati. I'm not a perfect husband. Pero hindi ibig sabihin no'n na iiwan kita or lolokohin kita. Mahal kita, Eunice. Gagawin ko lahat para hindi na kita saktan. So please, stop thinking na mag-tsi-cheat ako dahil hinding-hindi ko 'yon gagawin. You're the only one I want."
Nanginginig man ang boses nito, malinaw ang sincerity. Hinalikan niya ang noo ng asawa, mariin.
"Totoo ba 'yan?" mahinang tanong ni Eunice.
"Yes, love. Totoo. I love you," sagot ni Keus.
Sandaling katahimikan. Pagkatapos, napalitan ng banayad na ngiti ang luha sa mukha ni Eunice.
"Hmm... okay. Pero gusto ko ng ice cream after this," pilyang sagot nito.
Napangiti si Keus, saka mabilis na dumampi ang labi niya sa labi ng asawa bago tumango.
At sa wakas, tumahan si Eunice. Muling sumilay ang ngiti sa mukha nito ang ngiting muling nagpabagsak ng puso ni Keus.
I hope this time... it'll last.
YOU ARE READING
Shattered Vows
Storie d'AmoreSTAND ALONE STORY After ten years of marriage, Eunice has lost the happiness she once carried and now struggles to escape the guilt and pain of her past. Her husband, Keus, has grown distant over the years, leaving her to face the growing emptiness...
