TRIGGER WARNING: This chapter contains themes of infidelity, annulment, abduction, and emotional abuse that may be distressing for some readers.
IT WAS the twentieth day of the month, at sa wakas ay umuwi si Keus kasama ang kaibigan niya. Nalaman ni Eunice mula mismo sa kaibigan ng asawa na galing pala ito sa isang business trip.
Kahit na alam niyang hindi naman siya ang dahilan ng pag-uwi nito, hindi pa rin niya magawang masanay sa lamig ng pakikitungo ng asawa. Hindi niya alam kung masasanay pa ba siya sa ganitong klase ng relasyon.
"He insisted on eating outside," Sabi ni Lixxion.
"Ahh, gano'n ba?" Pilit na ngiti niya sa lalaki.
Lixxion is Keus' most trusted friend. Saksi ito sa simula pa lang, kung paano lumaban ang mag-asawa sa mga pagsubok hanggang sa mauwi sila sa kasal. Pero nakakalungkot isipin ang pagbabago ngayon. Lalo na sa kalagayan ng kaibigan niyang si Eunice.
"Just give Keus some... time," Ani ni Lixxion bago tuluyang umalis.
Kinabukasan, halos walang tulog si Eunice pero desidido pa rin siyang pumasok sa trabaho. Ayaw niyang maiwan sa bahay na mag-isa, lalo't ayaw na niyang maalala na naman ang kasalanan niya.
Alas-singko pa lang ng umaga, gising na siya kahit medyo nahihilo. Siguro mawawala rin 'to pagkatapos maligo, bulong niya sa sarili.
Madalas na niya itong gawin kaya't nasanay na rin ang katawan niya. Pagkatapos mag-ayos para sa trabaho, bumaba siya para ihanda ang almusal nila. Hindi niya na dinamihan, hindi naman siya nagugutom. At kung sakaling magutom man, may canteen naman sa building nila.
Eksaktong alas-sais, umalis na siya ng bahay.
That had been Eunice's daily routine these past few years. And slowly, she was getting tired of it. Ang hindi niya lang maintindihan kung bakit hindi niya magawang sumuko na lang?
Nag-vibrate ang cell phone niya kaya napatingin siya rito. Doon lang siya napatigil nang maalala kung anong araw ngayon.
Bago pa siya makapag-react, may biglang humila sa kamay niya at isinakay siya sa kotse. Sa bilis ng pangyayari, ang tanging narinig niya ay ang malakas na pintig ng puso niya.
She started to panic. Nanlalabo na ang paningin niya, hirap na rin siyang huminga. Nanginig ang buong katawan niya sa takot habang naglalaro sa isip ang mga alaala.
"N-No... d-don't, please!"
Narinig pa niyang nagkagulo ang paligid bago siya tuluyang mawalan ng malay.
"P-Please save... my b-baby."
"I THOUGHT this was a family dinner?" Bungad ni Keus.
Tinawag siya ng ina dahil may family dinner silang lahat. At dahil hindi niya mahagilap si Eunice, siya na lang mag-isa ang nagtungo sa mansyon ng pamilya.
Pagdating niya, nakita niya ang ama na nakaupo sa kanan ng kanyang ina. Disagreement was visible in his eyes, pero dahil may mga bisita, nanahimik ito habang kumakain. Samantalang ang kanyang lolo, tahimik lang din sa gitna ng mesa.
"Oh, my dear son. Come here and join us," Masayang bati ng kanyang ina.
Napabuntong-hininga siya. Kahit kailan, hindi na nagbago ang ugali ng ina.
"I've heard that Keus got the project with the Silveria Empire?" Sabi ng isang ginang na halos kasing-edad ng kanyang ina.
"That's right! The Andrade Corporation is exactly what the Silveria Empire needed. Alam mo naman kung gaano kabusisi ang korporasyon, lalo na't si Keus na ang humahawak ngayon," Sagot ng ina niya, may halong pagmamalaki.
YOU ARE READING
ECHOES OF OUR VOWS
Fiction généraleSTAND ALONE STORY After ten years of marriage, Eunice has lost the joy she once had and now finds herself struggling to rediscover happiness, torn between her efforts to justify her circumstances and the unrelenting guilt that keeps her chained to t...
