TRIGGER WARNING: This chapter contains themes of pregnancy loss, child death, domestic abuse, emotional manipulation, and physical violence. Reader discretion is advised.
ALAM NI Eunice na halos lahat ng taong nakapaligid sa kanya ay tutol sa pag-alis niya.
Even his little Bryle.
Kung dati, she wished to be cured, ngayon parang mas gugustuhin na niyang hindi. She knew she would always miss him, kahit imahinasyon lang ang bata.
Kahit pa ikabaliw niya, tatanggapin niya. Basta makita niya lang ulit si Bryle.
Pero hindi. Ang totoo, kung ano ang hinihiling mo, kadalasan kabaliktaran ang ibinibigay sa 'yo ng tadhana.
"Ma'am Eunice!" Nag-aalalang bungad ng secretary ni Keus nang makita siyang pumasok sa loob ng bahay.
Ngumiti lang nang tipid si Eunice sa binata.
Aakyat na sana siya papunta sa kanyang kuwarto nang salubungin siya ng asawa.
It felt like time went slow.
Gaya ng dati, hindi niya maiwasang matulala sa presensiya ng lalaki.
Kahit pa simpleng pambahay lang ang suot nito, kahit pa kunot ang noo habang hawak ang folder sa isang kamay at nakasuksok sa bulsa ng shorts ang isa.
He still looked so composed, so untouchable.
Pero bakit gano'n? Puno na ng kirot ang dibdib niya sa tuwing makikita ito?
"I'll just send you the other details of the project," ani Keus bago siya nilampasan.
Napatingin siya sa kausap nito, si Lixxion. But the other guy seemed to look at her for too long.
"May problema ba?" nakangiting tanong ni Eunice rito, pilit na binubura ang kaba.
"Nothing. I was just wondering if it was you I saw at the hospital?" sagot nito.
Mabilis na nabura ang ngiti sa labi ni Eunice. Hindi naman niya tinatago, pero ayaw niyang pag-usapan. Ayaw niyang bumalik ang isip niya sa mga alaala ng ospital na iyon.
After all, halos lahat ng nangyari sa loob ng ospital ay hindi niya kayang balik-balikan.
Well, maliban sa isa.
Napangiti siya nang maalala kung gaano siya kasaya noong araw na 'yon. Tandang-tanda niya ang reaksyon ni Bryle nang malaman ang magandang balita na halos siya man ay hindi makapaniwala.
***
"Congratulations, you're two weeks pregnant!" masayang bati ng ob-gyne sa kanya.
Halos hindi siya makahinga sa sobrang tuwa.
"Really, Tita Eunice? You're pregnant? I'm so excited! I want a baby brother and a baby sister, or maybe twin brothers and sisters?" hyper na ani ni Bryle, anak ni Keus sa una nitong asawa.
Hindi niya naiwasang mapangiti. Ang saya sa mga mata ng bata, nakakahawa.
"Let's keep it a secret first, Little Bryle. Don't tell your daddy yet, okay? Surprise natin siya kapag weekend," bulong niya sa bata. Tumango ito sabay yakap sa kanya.
Deep inside, kinakabahan siya. Ayon sa doktor, maselan ang pagbubuntis niya at kailangan niyang mag-ingat nang sobra. But she promised herself she would take care of herself, for their baby.
Pero lahat ng iyon, nabasag.
"Parang awa niyo na! Please... kahit ako na lang! Let Bryle go!" umiiyak niyang pakiusap sa mga lalaking may hawak sa kanila.
YOU ARE READING
ECHOES OF OUR VOWS
RomanceAfter ten years of marriage, Eunice has lost the joy she once had and now finds herself struggling to rediscover happiness, torn between her efforts to justify her circumstances and the unrelenting guilt that keeps her chained to the pain of her pas...
