Prologue

53 4 2
                                    


I hate attention. I hate noisy stuff, loud people, unreasonable and useless bickering, and most of all, tsismis. Ayaw ko rin sa makalat, walang direksyon sa buhay, at panay paglalandi lang ang alam.

Ang dami kong ayaw. Halos lahat ng bagay na hassle sa pag-aaral at pamumuhay ko ay ayaw ko. I am not friendly and sociable. Kaya rin aminado ako na mahirap akong pakisamahan.

Pero okay lang naman, 'di ko naman kailangan ng mga katulad nila sa buhay ko. My life is better without them.

"Ayan na ang androphobic at philophobic!"

I rolled my eyes when I heard that as I passed through a busy crowd of students. May activity sa school ngayon at kailangan kong pumunta ng gymnasium para sa debate kung saan kasali ako.

"Ay oo nga, nakakatakot namang tumingin, akala mo mang-gugulpi e."

I just shrugged my shoulders at nagpatuloy nalang sa paglalakad, wala naman kasi akong mapapala kung papatulan ko ang mga hassle na katulad nila. Kagaya nga nang sinabi ko, hassle. Kapag patulan ko ay masasayang lang ang oras ko.

Hindi ko nga alam kung paanong nasabi nilang androphobic at philophobic. Feeling psychologist or psychiatrist lang? Duh.

Kalmado kong isinubo ang sandwich na hawak nang makarating sa gym. Hindi ako nakapag-agahan dahil late ko nang natanggap ang sweldo mula sa part-time job ko, kung kaya't ngayon lang ako nakabili ng makakain.

I ate silently while listening to the students debating before us. Mauuna kasi ang mga lower years at dahil 4th year na kami, ay kami ang huli. I was chosen as one of the representatives from our program, tinanggap ko naman agad ang offer dahil mayroong cash prize na matatanggap kapag manalo. Sayang naman, tulong din iyon kung sakali.

The mechanics were quite interesting, because they'll ask you to pick your opponent via draw lots and your opponent will be the one to draw the topic. It's very informal at impromptu pa, in which I don't impressive. Pero okay lang naman. Whatever it is, sana lang ay maayos ka-debate ang mabubunot ko.

I may not be sociable but I'm not dumb. I'm quite eloquent in speaking naman when it comes to academics or anything related to that. Ilang trophy na rin naman ang naiuwi ko mula noon dahil palagi akong nananalo sa mga ganitong patimpalak.

"Hey! Susunod na ang 4th year! Good luck! Galingan mo, Fiara! Kapag manalo ka. ikikiss talaga kita!"

Muli akong napairap nang marinig ang boses na iyon mula sa gilid ng stage. Nang bumaling ay agad kong nakita ang isang matangkad na babaeng kumakaway sa akin.

Siya si Janelle, kaklase ko, and probably the only person I can consider as a friend. Maganda, mabait, maraming nagkakagusto, but she's so loud, akala mo ay palaging nakalunok ng megaphone. And I don't know why she's still wasting her time with me, dahil madalas ay hindi ko naman siya pinapansin.

Maybe she's just really bored. Gano'n talaga siguro kapag pinanganak na lahat ng bagay at atensyon ay nabibigay sa 'yo, kaya mong magbigay sa iba. Ako kasi sobrang nagkulang ako sa parteng iyon.

"Oy, ayan na iyong nanglalamon ng mic mula sa nursing department!"

"Ah, 'yong masungit na nakakatakot!"

"Masyado namang seryoso, akala mo'y laging galit sa mundo."

I clenched my fist as I heard them laugh. Akala siguro nila ay hindi ko sila marinig at maintindihan. But it's clear to me... very clear. Sanay na rin naman na ako.

Ituon ko nalang ang sarili sa kompetisyon, sa halip na patulan sila. I need to win this one dahil malaki ang maidadagdag nito sa pambayad ko ng renta sa apartment next month. Kung hindi ay okay lang naman, kailangan ko lang uli mag-doble kayod.

Beté Noire Series #2: ArcaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon