Chapter 1

19 0 1
                                    


"Uy! Ang galing mo kahapon, grabe! Nakakaproud!" Janelle loudly said when I entered the classroom at nang makaupo ako ay kaagad siyang tumabi sa akin.

Napangiwi ako nang maalala ang debate, because it's still irritating me.

"Sayang, umalis ka kaagad. Aayain sana kitang kumain muna sa labas para i-celebrate ang victory mo." Dagdag pa niya na tila tuwang-tuwa nga.

I sighed. "Thanks, but I'm busy."

Tumango siya. "I know, that part-time job again. Bakit ba kasi ayaw mong magpatulong? You know I can help you, Fiara."

I know. Janelle came from a wealthy family at ang tatay niya ay isang konsehal sa bayan namin. I know she's kind too, pero ayokong samantalahin ang kabaitan na 'yon. Kaya ko pa naman e, kumikita pa rin naman ako kahit na papaano.

"It's okay, Janelle. I'm doing fine."

She pouted. "Ang sipag mo talaga, Fiara. Pero huwag mo namang pababayaan ang sarili mo. Magpahinga ka naman minsan, magsaya, maglibang, magbasa sa wattpad..." she smirked.

I rolled my eyes. Yeah, right. She forced me to read a wattpad story back when we're freshmen and because of that, I got kind of addicted as well.

Hindi naman ako nagsisisi, as it has become a escape for me, especially reading my favorite author's stories during the dark moments of my life.

"Oo nga pala, Fiara. Grabe, feeling ko may chemistry kayo ni Silangan!"

Kumunot ang noo ko. "Silangan?"

Muli siyang ngumisi. "Si East, 'yong nakalaban mo rin sa debate, 'yong pogi na third year computer engineering student."

I scoffed. That kid? What the fuck?

"Funny," I sarcastically answered before diverting my attention to the notes I am holding.

Pogi raw? Hindi naman. Mukha lang siyang mahangin.

Our class started, itinuon ko naman ang buong atensyon ko doon. Halos tatlong oras kaming nag-klase sa isang major kung kaya't medyo napagod ako. Janelle kept on complaining on our way to the canteen, sumakit daw kasi ang ulo niya dahil sa antok.

"Grabe! Sobrang kinikilig talaga ako sa update ni L my loves kagabi kaya halos 'di ako nakatulog nang maayos, pero worth it naman. 'Yon nga lang sana wala nalang tayong klase kanina para nakatulog ako, kaso nakakainis, pumasok pa talaga si Miss Anne, at nag-lecture pa talaga. Badtrip!" She kept on babbling, hinayaan ko nalang dahil hindi ko naman mapapatahimik.

"Argh! I need coffee—what the! Oh my gosh! Are you okay, Fiara? Oh my!"

Pakiramdam ko ay bigla akong nakakita ng bituin. We were just silently walking on the field, but suddenly, something hit my forehead, which made me lie on the ground.

The heck, what was that?

"Hala, Fiara! Namumula ang noo mo!" Nag-aalalang saad ni Janelle habang nakatingin sa akin, pareho na kaming nakaupo sa ground ngayon.

"Anong nangyari?" Nagtataka kong tanong at tumingin sa paligid. Naningkit naman ang mata ko nang mahagip ng tingin ang isang bola ng basketball sa 'di kalayuan.

So, tinamaan ako ng bola? Aksidente o sadyang binato?

Kahit na medyo nahihilo pa ay tumayo ako at sinuyod ang paligid. And there, my eyes landed to the guy na tumatakbo palapit sa amin.

"I'm sorry, miss. Nagkamali kasi ang isang kasamahan namin napalakas ang pagpasa ng bola at nadulas, pasensya na talaga," aniya nang makalapit, wearing a sorry yet insincere look.

I raised a brow when I recognized him.

He's the annoying airhead kid from yesterday. What's his name again? Kanluran?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beté Noire Series #2: ArcaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon