04

13 4 0
                                    

Ganda...

Bahagyang lumaki ang mata ko. Hindi ko alam kung anong ire-react ko, or kung anong irereply ko. Ni hindi ko alam kung ano 'yung sinasabihan niyang maganda.

Me: 
Ha? Anong maganda?  | Send | Delete 

Delete...

Me: 
Uh? Thank you?   |Send | Delete 

Delete...

Me: 
Hatdog   |Send |  Delete 

Delete...

Magse-send na sana ako ng message nang biglang may chat na dumating galing sa kaniya.

Yuki Fernandez
Yung ano

Yung sagot mo maganda, hehe

"Alam naman pa lang linawin, eh" bulong ko. Nag-heart react ako sa message niya bago mag-type ng reply.

Me:
Thanks.

Yuki Fernandez
Thanks din.

Hindi ko alam kung anong 'thanks din' ang sinasabi niya pero hindi ko na lang 'yon ni-reply-an at nag-iwan na lang ako ng heart message. Hindi naman kami close para pahabain pa ang usapan namin.

Bunuksan ko ang attach case ko para tingnan ang mga modules na binigay nila. Napangiwi na lang ako nang makitang sobra sa one week na naman ang binigay nila. May summatives pa, 'yung iba naman na module ay nagawa ko na kaya binukod ko na lang. Alam naman na nila 'yan kung nagawa o hindi kung chine-check nila ang mga gawa namin.

Importante ang summative na nandito ngayon kaya inuna ko na siyang sagutan. Wala pa naman akong gagawin, ayoko namang tumulala na lang dito or mag-cellphone na lang habang may nga unfinished activities pa ako.

"Ate kakain na raw!" Katok ni Yesha sa pintuan.

"Sunod ako, wait lang!" Sagot ko. Mamaya na lang ako mag-sasagot, ayaw din kasi ni mommy na hindi kami sabay sabay na kakain. Isa 'yon sa rule dito sa bahay.

Sabay sabay na kaming kumain ng lunch. Hindi namin matawagan si daddy ngayon since midnight palang doon sa Canada at sure na tulog na sila doon. After kumain ay ako na ang naghugas ng plato. Sakto din kasi na kukunin ni mommy ang module ni Yesha sa school nila. Gusto sana ni Yesha na siya na Ang maghugas pero pinaligo ko na lang muna dahil kapag sinumulan na niya 'yung module niya or nag-cellphone na siya ay makakalimutan na naman niyang mag-shower.

After no'n ay pumasok na ako sa kwarto para simulan ang mga gawain ko. Nakita ko pang nagbabasa ng libro si Yesha. Halatang kakatapos lang niya naligo dahil basang basa pa 'yubg buhok niya, hinayaan ko na lang siya at sumalampak na lang sa study table ko para gawin ang mga dapat gawin.

Iyon lang ang nangyari sa mga sumunod na araw at linggo. Gigising, gagawin ang mga activities, magbabasa, a-attend ng online class, kakain, kakausapin si daddy sa gabi, at matutulog. My life is just a cycle. Doon lang umiikot ang bawat araw na lumilipas sa akin. Minsan ay tumatambay dito 'yung tatlo para gumawa ng module, at para takasan ang module nila as well.

"Finally, last module na 'to. Tapos na ang paghihirap ko sa 'yo, kaibigan." Napahinga ng maluwag si Katelyn nang matapos niya ang last module niya. Agad siyang humiga sa sahig para ma-stretch ang likod niya. Sabi ko kasi sa study table ko na lang gumawa dahil mabilis siyang mangawit. She kept in refusing. Hay nako!

I Once Became A Part Of That SectionWhere stories live. Discover now