"Kasama tayo sa with honors! Congrats sa ating apat!"
pinag-cheers namin ang milktea naming apat at sabay sabay na sumimsim sa kaniya-kaniya naming inumin.
Nasa milktea shop kami ng tita ni Xyrille ngayon, half day lang ang pasok namin ngayon nagkayayaan kaming apat na dito i-celebrate ang achievement naming apat this school year. In-announce kasi kaninang umaga ang mga kasama sa honor. Top one si Yuki sa room at sumunod naman ako, tapos sumunod na 'yung tatlo kong kaibigan, nasa top 10 din ang mga kaibigan ni Yuki kaya siguro ay nag-se-celebrate din sila ngayon.
"Pasok tayong sampu sa bibigyan ng medal sa recognition 'no? 90 plus na mga average natin, eh." Ani ni Irish.
"Oo, kaya nga proud na proud si ma'am sa atin eh." saad ni Xyrille.
"I mean, tayo na 'to, eh. S.P.A can slay in academics too! Hindi lang sa talents!" Ani ni Katelyn.
"Correct, girl! Can't wait sa recognition. I want the medal already!" Excited naman na sabi ni Xyrille bago sumimsim sa kaniyang matcha milktea.
Pagkatapos naming tumambay doon ay nagpaalam na kami sa isa't isa para makauwi na. 3PM na rin kasi, mabuti na lang at nakapagpaalam ako kay mommy na half day lang kami at may pununtahan muna kaming apat kaya baka hapon na ako makakauwi.
Magkasama ulit kami ni Irish sa tricycle at as usual, ako ang laging unang bumababa. Medyo sa dulo pa kasi ang bahay nila, malapit sa elementary school ng barangay namin.
"Congrats, mga anak! Proud ako sa inyo palagi!" Masayang ani ni daddy, tinawagan namin sila ngayon using video call para ibalita na kasama kami Yesha sa sususotan ng medalya next week, Monday.
Kakabalik lang ni Daddy sa Canada, two days after ng birthday ko. Gusto ko sanang sabihin na mag-stay pa sila hanggang sa recognition kaso hindi naman ako sigurado kung makakasama ako sa with honors dumagdag pa na short leave lang ang binigay sa kanila kaya kailangan na nilang bumalik kaagad.
"Next year, ako na ang magsasabit ng medal sa inyo." Nakangiting ani ni Daddy sa amin.
"Promise 'yan Dy, ha!" Saad ni Yesha pagkatapos niyang sumimsim sa juice niya.
"Oo naman!"
Nag-pinky promise pa silang dalawa sa harap ng screen. Napangiti na lang kaming dalawa ni Mommy sa ginagawa nilang dalawa.
kinabukasan, maaga kaming pumasok ni Irish sa school. Ang alam ko ay p'wede naman na kaming mag-half day ngayon, but since kasama ako sa honor. Kailangan kong manatili sa school buong araw dahil magpa-practice pa kami for recognition.
"Yana, tara sa canteen na tayo mag-lunch kasabay natin sina Laurence." tawag ni Xyrille sa akin, nasa room kasi ako at umiinom ng tubig. Kakatapos lang ng practice namin sa gymnasium.
Doon ulit kami pumwesto sa mahabang mesa sa bandang likod, dahil sakto ang mesa na 'yon sa dami namin. Kasama namin sila Lyka, Hannah, Amber, James, Laurence, Princess, Harold, Denmark, Oliver, Allyah, Krystal, at Yuki.
"Harold, sabay mo na kami bilhan ng ulam." Inabot ni Xyrille ang pambili niya kay Harold. "Nandiyan na 'yung kay Yana, Princess, tas Irish. Kung anong bibilhin mo 'yun na lang din sa akin." Sunod sunod niyang sabi.
"Kung anong ulam ni Xy 'yun na rin sa akin, harold pero kung mag sinigang sila 'yon na lang." Saad ko naman.
"Wow-"
"Sa akin Harold 'yung pritong manok na lang bilhin mo, kung may tig-20 'yun na lang." Si Irish naman ang nagsalita.
"Ako rin, pritong manok na lang!"
"Eh 'di sana naging waiter na lang ako rito, 'di ba? Mag-apply na lang yata ako." Sarkastikong sabi ni Harold.
"Bagay sa 'yo, p're!" Tukso ni James.
YOU ARE READING
I Once Became A Part Of That Section
RandomCyianna Jane "Yana" Alcantara is one of the high school students who ruined her high school life because of a sudden lockdown that lasted for almost two years. Will her high school life be beautiful and unforgettable even if she only spends it for o...