"Ready na ako sa recital."
Nasa room kami ngayon at sabay sabay na kumakain ng lunch. Kakatapos lang ng practice namin sa dance, same sa mga ibang specialization. May iba na nagpa-practice pa rin hanggang ngayon katulad ng mga nasa music program at theater arts program. Sabi nila ay mauna na raw kaming kumain ng lunch at hahabol na lang daw sila.
nakapaikot ang mga upuan namin, kasama namin sila Hannah, Gabriella, Katelyn, Xyrille, Laurence, Denmark, Princess, Amber, Allyah, Harold, Krystal, Lyka, at James. Naglaan na rin kami ng mga bakanteng upuan para sa mga hahabol mamaya.
"Eh, 'di wow, Laurence! Porket tapos ka na sa portrait mo, eh!" Sagot ni Hannah.
"Guys, mainit na naman ulo ni pres." Tawa ni Laurence.
Mga ten minutes na siguro ngayon nang mag-start kaming kumain. Inuuna kasi namin ang daldal kaysa sa pagkain. Sinasadya rin talaga naming bagalan para sa mga hahabol mamaya ay sabay sabay pa rin kaming kakain.
"'Yung story book ko ipapa-check ko na mamaya kay Ma'am Reya, ipagdasal niyong wala siyang ipapabago, guys." Daldal ni Gabriella.
"Okay na 'yon, Gab! Sa akin nga maraming error pero chineck pa rin nila, wala nang pinaulit." Sagot ni Allyah, "Pati rin 'ata 'yung kay Kate, 'di ba, Kate?"
"Ah, oo. I have some error din, eh. Pero nag-advice lang si ma'am na 'wag ko nang gagamitin 'yung ibang disturbing words next time." Sagot ni Katelyn, "'Wag kang kabahan, Gab! Sasamahan ka namin mamaya! Kasama mo si Freya na hindi pa nakapag-check 'di ba? Sasamahan namin kayo!"
"Oo nga, 'wag kang kabahan, Gab!" Sagot ni Krystal.
"Eh, kinakabahan nga ako, eh! Anong magagawa ko?"
"'Wag ka ngang kabahan, eh!"
"Kinakabahan nga ako, paki niyo ba?" Sagot ni Gab kaya napatawa kami. "Guys, no jokes, 'wag niyo kong tawanan. Lalagyan ko ng bato mga bag niyo, sige."
"Finally, makakakain na rin!"
Napalingon kami lahat sa pintuan nang marinig namin ang boses ni Irish. Hingal na hingal siya habang nakasandal sa pader.
"Anong nangyari sa 'yo?" Tanong ni Harold.
"Ang daya mo Irish, nagbibilang pa lang ako tumakbo ka na! Hindi 'yon counted! Wala kang milktea!" Sunod na pumasok sa room si Amber na hinihingal din.
"Nasaan 'yung iba?" Tanong ni Lyka.
"Ah, nasa labas pa. Kasama naming nag-dismiss mga music. Nandiyan na rin 'yung mga 'yon maya maya." Umupo si Irish sa bakanteng upuan sa tabi ni Harold. "'Nong tinitingin-tingin mo?" Tanong niya kay Harold.
"Bakit ka umupo rito? Ikaw, ha! Gusto mo 'kong makatabi, ha!" Asar ni Harold.
"Shunga! Si Xyrille ang timatabihan ko hindi ikaw! At tsaka nandito upuan ko, eh. Nandito bag ko, oh!" Turo ni Irish sa bag niya.
Hinintay muna namin na dumating 'yung iba bago kami sabay sabay na nag-lunch. May mga bumili pa kasi ng ulam sa labas kaya around 12:30 na kami naka-umpisang kumain ng sabay sabay.
"Hapon recital, 'di ba? Pupunta pa kayo rito ng umaga?" Tanong ni Krystal.
"Oo, may practice pa kami sa dance, eh." Sagot ko. "Kayo?"
"Kaming mga visual kahit hindi na raw pumasok ng umaga." Sagot ni Harold.
"Hapon na lang ako papasok bukas, tapos naman na ako sa story book ko, eh." Saad nI Allyah.
"Eh, 'di sana all creative writing, 'no?" Sagot ni Irish. "Ayaw ko pa naman na bukas pumasok, kaso main character kasi, kainis!" Reklamo niya.
"Kayo, mga music?" Tanong ni Hannah.
YOU ARE READING
I Once Became A Part Of That Section
RandomCyianna Jane "Yana" Alcantara is one of the high school students who ruined her high school life because of a sudden lockdown that lasted for almost two years. Will her high school life be beautiful and unforgettable even if she only spends it for o...