"Good morning, class."
Naputol ang pagtitinginan namin ni Yuki nang marinig ko ang boses ni ma'am Shaira. Hindi ko alam kung gaano katagal 'yon dahil pakiramdam ko bigla na lang huminto 'yung oras no'ng magtama ang paningin naming dalawa.
"Good morning, ma'am!" Sabay sabay kaming bumati habang nakatayo. After no'n ay umupo na rin kami. Mahina kong kinurot ang palad ko para bumalik ako sa ulirat.
"Ma'am parang ang ganda niyo po ngayon." Salita ng lalaki naming kaklase mula sa likod. Lahat naman kami ay napatawa dahil doon.
"Sorry, Dennis. Pero hindi uto-uto si ma'am." Sabat ni Irish.
"Pero 'yung katabi ko, uto-uto." Lumingon ako sa likod kaya nakita ko kung sino ang tinuro niya. As far as I know her name is Hazel.
"Ma'am, oh!" Sumbong ni Hazel.
Napuno muna ng tawanan ang loob ng classroom namin bago nag-start si ma'am, reminders at activity lang regarding sa last module na ginawa namin last week ang pinagawa sa amin sa first subject.
Quadro 'kuno' (pero backstabbers) 🤼
Irish
Guys, samahan nyo ko sa crKatelyn
WaitXyrille
Saglit lang hintayin nyo koCyianna
yoko ngaIrish
Ipaalam pa ba kita sa katabi mo @Cyianna?
😆2 👍1Umirap ako sa cellphone at tumayo para tingnan si Irish sa likuran, she is laugh when she saw my reaction. Hindi ko na lang iyon pinansin.
"Tara na," I mouted, agad namang tumayo si Irish at tinawag na si Katelyn at Xyrille.
I was about to walk away but I stopped when Yuki suddenly spoke.
"Where are you going?"
I looked at him, he was wearing an earphone in his both ears, eyes were fixed on his phone. Naka-landscape ang phone niya at mukhang naglalaro ng online games.
He was talking on his phone, I guess? I just shrugged it off before walking through the door. Nandoon na rin kasi si Katelyn sa labas, inaantay kaming tatlo.
"Canteen tayo, after." Masayang ani ni Katelyn.
"Kakatapos pa lang ng first period gutom kana kaagad?" Tiningnan siya ni Irish.
"Libre ko," sagot ni Katelyn.
"'Yon naman, oh! Bilisan mo na Irish! Baka magbago pa isip ni Kate." Tinulak tulak ni Xyrille si Irish.
"Saglit nga lang! Sa pangalawang canteen tayo, Kate, ha! May nuggets doon, eh." Walang hiyang sabi ni Irish. Napapailing na lang ako sa kanilang dalawa.
"Siraulo kayo, tinitingnan kayo ng teacher kanina sa hallway." Hinampas ko si Irish paglabas niya ng cr.
"Ang ganda ko raw kasi, ano ba!" Ma-feeling na sabi ni Irish at nag-hair flip pa.
"Tanga, ang ingay mo raw kasi." Sabat ni Xyrille.
"Hey guys, I think nag-start na second class natin, it's 9 A.M na." Kinakabahan na sabi ni Katelyn.
"Hala?! 20 minutes ka sa banyo, Irish?" Tiningnan siya ni Xyrille.
"Tanga mo! Bakit hindi tayo naglakad?"
"Mamaya na tayo kumain, recess naman na after ng second class natin. Bilisan na nating maglakad strict pa naman ni Ma'am Salangad." Pumagitna ako kay Irish at Xyrille.
YOU ARE READING
I Once Became A Part Of That Section
AcakCyianna Jane "Yana" Alcantara is one of the high school students who ruined her high school life because of a sudden lockdown that lasted for almost two years. Will her high school life be beautiful and unforgettable even if she only spends it for o...