CHAPTER 24

13 0 0
                                    

Ilang araw akong nanatili lang sa loob ng aming barong-barong. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakakaramdam ng gutom. Bigla bigla nalang tutulo ang mga luha ko habang inaalala ang huling tagpo.

Kinabukasan ay agad na inilibing si Felicity. Mabuti nalang ang sinabi ni Ace sa'kin ang Address ng sementeryo kaya naman nakapunta ako. Hinintay kong umalis ang pamilya ni Urielle bago ako lumapit sa lapida.

Inabotan pa ako ng malakas na ulan habang nakaupo sa harap ng lapida niya.

Ilang araw din akong nagmokmok bago ko napagtanto na hindi doon titigil ang mundo ko. Lagi kong isinasaisip na magsisikap ako upang may maipagmalaki sa mga magulang ni Urielle, na hindi na nila kami hahadlang.

Alam ko noong una na malayo ang pagitan namin.

Langit siya at lupa ako...

Hindi ko akalain na sa araw na mismong iyon ay magbabago ang takbo ng kapalaran ko.

Nalaman ko na kinidnapped pala ako ng mga kinilala kong mga magulang at hindi talaga totoong magkapatid sina Papa at Auntie Angela. Magkasabwat sila sa pagdukot sa'kin kapalit ng pera dahil sa panahon iyon ay kailangang-kailangan nila ng pera dahil may cancer sa buto ang Tatay ni Papa habang si Auntie Angela naman ay hindi maka-graduate sa kolehiyo dahil hindi niya kayang i-fully paid ang balance niya sa University na kaniyang pinapasukan. Si Mama naman ay nadamay lang at dahil matagal na silang mag-asawa ni Papa at mahilig si Mama sa mga bata ay napamahal siya sa'kin. Hindi siya pumayag na isauli ako kahit na nakuha na nila ang hinihingi nilang halaga.

"Rot in Jail! You deprived my rights to become a Mother of him! I will forever loathe you!" Sigaw ni Mommy habang nanginginig.

"Patawarin niyo po kami" Iyak ni Auntie. Siya nalang ang nag-iisang nakasuhan dahil nga patay na ang mga magulang ko. Maging ang kaniyang asawa ay walang alam na may ganito pa lang nakaraan si Auntie.

"Mom!" Si Ate Zyra. Umiiyak din siya habang nakayakap kay Mommy at pinipigilan ang pagpupumiglas nito.

Habang si Daddy at Lolo naman ay parehong walang bayolenteng reaksyon. Nakatingin lang ito kay Auntie na walang mababasang ekspresyon sa kanilang mga mukha.

Habang nakatingin kay Auntie ay hindi ko mapigilang makaramdam ng awa. Kahit na hindi kami magkasundo ay hindi niya ako kailanman pinalipasan ng gutom, at lahat ng kailangan ko sa scho noong maulila ako ay ibinigay niya sa abot ng makakaya niya.

Pinakiusapan ko si Mommy at Daddy na ibaba na ang kaso. Sinabi ko sa kanila na kailanman ay hindi ako nakaranas ng pangmamaltrato. Lumaki ako ng maayos at walang kinikimkim na kahit anong galit at pagkamuhi sa kanila dahil naging parte rin naman sila ng buhay ko.

Sa huli ay hindi natuloy ang pagkakakulong ni Auntie.

Nagpasalamat ako kay Ace dahil siya ang nagturo sa pamilya ko kung nasaan ako. Na ako ang nawawalang Zroan Abecassis Cang. Ang pangalawang anak nina Amanda Abecassis-Cang at Paul Cang(Philippine name), ang nag-iisang kapatid ni Zyra Abecassis Cang at ang nag-iisang lalaking apo ni Andrew Aahail Abecassis.

Dinala nila ako sa iba't-ibang bansa gaya ng South Korea, Japan, Hongkong at sa Italy. Namasyal kami at binilhan nila ako ng mga gamit na kahit hindi ko hinihingi ay palagi nilang sinasabi na kailangan ko.

Ganito pala ang pakiramdam na mabuhay sa marangyang buhay?

Naalala ko si Urielle. Bata pa lang siya ay kinagisnan niya na ang yamang mayroon sila. Bumigat ang dibdib ko nang maalala kung ano ang ginawa niyang adjustment para sa'ming dalawa sa magiging anak namin.

Hindi ko lubos akalain na ipinasok ko siya sa sitwasyon na hindi naman niya nakasanayan.

Bago ako tuluyang umalis ng bansa patungong Canada at doon na maninirahan ay dinaanan ko muna sina Sanji at Ramon. Masaya silang makita ako dahil ang huling pagkikita pa namin ay noong sa school pa at hindi pa kami nagtatanan ni Urielle.

Young Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon