Abala ako sa pagpapatimbang ng mga nakuha kong kalakal nang magtatakbo papalapit sa'kin si Ruth, ang isa sa mga batang kasama ko sa pangangalakal.
"Kuya Felix, si Ate Urielle po nasa loob ng Carenderia ni Aling Salud, may sunog po ngayon doon, hindi po sila makalabas ni Felicity!"
Nang marinig ko iyon ay walang tanong na nagtatakbo ako kahit na may kalayuan. Hindi ko maramdaman ang mga tuhod kos a mga oras na iyon. Tagaktak ang aking pawis at sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Nilalamon ako ng kaba at takot na baka kung anong nangyayari na sa kanila.
Nang makarating ako sa sa harap ng Carenderia ay maraming tao ang nagtulong-tulong na maapula ang napakalaking apoy.
"Wala pa bang mga bombero?!"
"Nako naman, balita ko'y nasa loob sina Aling Salud at mga tauhan niya"
"May mga bata pa daw na kasama"
Walang pag-aalinlangan na ibinuhos ko ang isang balyeng tubig sa katawan ko na nakuha ko lang sa isang tabi at agad na kumaripas ng takbo papasok ng Carenderia.
Tumutulo ang mga luha ko...
Takot na takot ako...
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari masama sa kanilang dalawa...
Nang makapasok ay hindi agad ako makahinga dahil sa kapal ng usok. Hindi ki maaninag ang daan at hindi ko alam kung saang sulok ko sila hahanapin.
Maya-maya ay nakarinig ako ng ubo. Isang beses lang na umubo at hindi na nasundan pa. Sinundan ko ang pinaggalingan ng boses at laking pasasalamat ko nang makita si Urielle habang yakap ang dalawang bata.
Parang sinaksak ang puso ko nang makita ang napakalaking paso niya sa braso at paa.
Ginising ko si Urielle pero hindi siya naggising. Napatingin ako kay Felicity na nakatitig sa'kin. Hindi ko maintindihan ko bakit sa mga oras na iyon ay ayaw gumalaw ng mga paa ko para agad kaming makalabas.
"Papa" bigkas niya at pumikit. Ngumiti pa siya ng isang beses bago nawalan na ng malay.
"Anak?" Hinawakan ko ang kamay niya pero ayaw niyang magising. Hindi ko alam kung paano ko nagawang pagsabayin silang apat na mailabas. Nang makalabas ng Carenderia ay siya namang pagpasok ng ilan sa mga bombero para i-rescue ang iba pang nasa loob.
Habang nakasakay sa ambulansiya ay walang tigil ang pagtawag ko sa Diyos at ang pag-iyak ko.
Nasa Public Hospital kami at hanggang ngayon ay hindi pa naaasikaso si Urielle. Magkasama kami ngayon ni Ace. Nalaman niya ang nangyari kaya agad siyang nagpunta sa Carenderia, insaktong papasakay ako kami sa ambulansiya kaya naman sumama na rin siya.
"You need to tell her parents, Felix! Kung hindi baka kung anong mangyari kay Urielle and Felicity!" Nag-aalalang sabi ni Ace.
Kasalukuyang naka oxygen ang anak kong si Felicity. Umiiyak ako habang nakatingin sa iilang mga Nurses at Doctors na pilit siyang nirerevive.
"Time of death 2:45 P.M." nanigas ako sa aking narinig nang ianunsyo iyon ng Doctor. Walang tigil ang pag-iyak ko habang yakap ang maliit na katawan ni Felicity.
Tinapik lang ng Doctor ang balikat ko at malungkot na umalis. Kaming dalawa nalang ni Ace ang natitira. Umiiyak parin ako.
Habang yakap si Felicity ay biglang may tinawagan si Ace.
"Yes po Tita, we are here at Buenavista Memorial Hospital" Napatingin ako kay Ace pero hindi na siya makatingin sa'kin.
"Ba't mo ginawa 'yon ha?" Inis na sambit ko at dinakma siya sa kwelyo.
"Tangina Felix! Maging mature ka naman! Hahayaan mo bang mamatay si Urielle? Tignan mo! Hindi pa nga naaasikaso ni mga sugat niya at ang anak mo! May pera ka bang panggastos sa libing niyan? Ni Betadine nga siguro at Alcohol eh wala kang pambili! Huwag kang maging selfish!" Sigaw niya na nagpatigil sa'kin.
Unti-unti kong nabitawan ang kwelyo niya.
Napagtanto kong tama si Ace. Mas posibilidad na dalhin si Urielle sa isang private Hospital kung saan matututukan siya ng mabuti at agad na gagaling.
Mabibigyan ng maayos na libing si Felicity.
Nakatingin ako sa mga taong tumutulong habang isinasakay si Urielle na hindi pa nagkakamalay sa isang ambulansiya. Masama ang tingin sa'kin ng pamilya ni Urielle.
Sobrang nanliliit ako.
"Hinding-hindi mo na makikita ang anak ko! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang apo ko! Don't you ever go near with her anymore!" Malakas na sigaw ng Mommy ni Urielle.
Napaatras ako nang banggain ako ng Kuya niya.
"Kung ako sa'yo ay umuwi ka nalang sa inyo at mag-aral ng mabuti. Ang babata niya po para sa ganitong bagay!" Nanliliit ang mga tingin na sabi ng Ate niya
Dinala rin nila ang labi ni Felicity. Nang makaalis sila ay doon na tuluyang tumulo ang mga luha ko.
Sobrang sikip...
Sobrang bigat...
Napatingin ako sa repleksyon ko mula sa salamin.
Isang malaki at lumang jersey na medyo butas...
Lumang pantalon na kupas na kupas na ang kulay...
Pulang tsinelas na kinabitan nalang nga alambre para maggamit pa...
Hindi naman siguro pagiging makasarili ang palayain si Urielle sa sitwasyon na hindi niya dapat maranasan hindi ba? Prinsese siya eh, lumaki siya sa palasyo na nakukuha ang mga bagay na hindi na niya kailangang hingin.
Lalo akong naluha nang maalala si Felicity. Kahit man lang sa libing niya ay hindi ako makakadalo. Hindi ko alam kung saan sila dadalhin ng mga magulang ni Urielle.
Bagsak ang balikat at mabigat ang dibdib na naglakad ako pauwi kahit pamn ilang oras ang guguluhin ko para makarating sa bahay namin.
BINABASA MO ANG
Young Love (COMPLETED)
Short Story[UNEDITED VERSION] Sabi nila pag nagkaroon ka ng karelasyon from ages 11-17, It is called Puppy love or Young Love. Hindi seryoso, Hindi pangmatagalan, Pang experience lamang, Naniniwala ba kayo? Juriella Alfia Sanchez and Felix Jazz Montero will pr...