4 months later...
Nakakatuwa lang na malakas nang tumawa si Felicity, siya ang stress reliever namin ni Felix sa tuwing pagod kami sa kaniya-kaniya naming mga trabaho.
Nang makauwi si Felix galing sa palengke ay dinalhan niya ng laruang manika si Felicity. Taga buhat siya ng balde sa palengke. Ako naman ay sumasideline sa Carenderia ni Aling Salud. Dala-dala ko rin si Felicity sa tuwing nagta-trabaho ako. Okay lang naman sa amo ko dahil may apo rin siyang bata na nakakalaro ng anak ko.
"Pareho kayong maganda ng laruan mo anak" Masayang sabi ni Felix at kinarga ang anak namin.
Tumawa si Felicity na sinabayan namin ni Felix. Sa susunod na buwan namin siya pabibinyagan. Wala pa kasi kaming budget para ipambayad. Plano rin naming maghanda para sa'ming tatlo lang kahit pancit lang sa binyag niya.
Habang nilalaro ni Felix si Felicity ay nagtungo ako sa kusina para ihanda na ang hapunan namin. Rinig na rinig ko ang halakhak ni Felicity kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti.
Ang saya nilang tignan...
"Ready na ang hapunan" anunsyo ko.
"Kain na daw tayo Nak, nakahanda na si Mama yey!" Sabi ni Felix at kinarga ang anak natin. Pinapalakpak niya pa ang maliliit na palad ng bata.
Chicken curry at pritong isda ang ulam namin at Sprite. Nakasahod kasi kaming pareho ni Felix kaya naman masarap ang hapunan namin ngayon.
At dahil hindi pa pwedeng kumain si Felicity ng kanin ay habang kumakain ako ay pinapadede ko siya.
"Mahal birthday muna bukas" Nakangiting sabi ko.
Ngumiti si Felix sa'kin.
"Hindi aki maeexcite sa birthday ko hangga't hindi aabot ng diseotso ang edad para mapakasalan na kita" Sagot niya.
Napangiti ako.
"17 ka palang bukas Felix Jazz" Natatawang sabi ko.
"Nagsalita ang Sweet 16 palang" Malakas ang tawa na sabi niya.
"Hahahahhaha"
Ang babata pa namin. Hindi ko akalain na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon na kasama si Felix.
Pagkatapos naming iligpit at hugasan ang mga pinagkainan ay tumambay kami sa labas ng bahay para magpahangin. Naglalaro si Felicity sa manika niya hanggang sa nakatulugan niya ito.
"Kapag 18 years old na ako Mahal, Maghahanap ako ng mas matinong trabaho at pag-iipon ang pagpapakasal natin. " Nakangiting sabi ni Felix at hinalikan ang kamay ko.
"Salamat Mahal" Maluha-luhang sabi sagot ko.
Napatingin kami kay Felicity na nakatulugan na pala ang paglalaro.
"Ang ganda ni Felicity Mahal ano? " hindi ko mapigilang purihin nang paulit-ulit ang anak namin.
"Mana sa'kin at sayo" Sagot niya.
"Sana maging mabait at magalang siyang bata." Mahinang bulong ko.
Hinalikan ko si Felicity sa noo. Hinalikan din siya ni Felix sa pisngi at ako nama'y sa Noo.
"Mahal kunin ko lang ang ukelele ah?" Paalam niya at tumango naman ako.
Nang makuha na niya ang ukelele ay umupo siya sa tabi ko at sinimulan na iyong kalabitin.
Pero hindi siya kumanta, kinakalabit niya lang pero nahihimigan ko ang kantang "Born For You"
"Ipangako mo Juriella na hindi tayo magkakahiwalay" mahinang sabi niya.
Hindi agad ako nakasagot dahil seryoso ang mukha ni Felix.
Ngumiti ako at pinaharap siya sa'kin.
"Pangako Felix, hinding-hindi tayo magkakahiwalay" .
Hindi siya makatingin sa'kin kay naman nag-aalala ako kung bakit siya umaasta ng ganoon.
"Anong problema Mahal?" Nag-aalang tanong ko.
"Wala Mahal, matulog na tayo?" Nakangiti na siya this time.
Napabuntong Hininga ako at ngumiti.
"Sige Mahal, siguro ka bang okay ka lang?" Tanong ko at hinawakan ang mukha niya.
Tumango siya at hinalikan ako sa labi.
At pumasok na kami sa loob ng aming maliit na barong-barong.
BINABASA MO ANG
Young Love (COMPLETED)
Historia Corta[UNEDITED VERSION] Sabi nila pag nagkaroon ka ng karelasyon from ages 11-17, It is called Puppy love or Young Love. Hindi seryoso, Hindi pangmatagalan, Pang experience lamang, Naniniwala ba kayo? Juriella Alfia Sanchez and Felix Jazz Montero will pr...