Chapter 2

20 7 11
                                    

Agad na nagsimula ang Program pagkarating na pagkarating ni Felix. Tuwang-tuwa ang mga Lecturers na kapwa naka dress ang lahat ng mga babae, naka pulang polo shirt naman ang mga lalaki. Babaeng mga selected students ang sumasayaw sa labinlimang lalaking lec, Lima naman ang babaeng mga Lec.

Matapos silang lahat na maisayaw, agad na silang pinaupo sa kanilang nga pulang upuan na hugis puso. Panay ang hagikhik ng pinakamatandang Lec sa lahat na si Mrs. Corazon habang inaalalayan ni Sanji na maupo. Si Felix naman ay nakaalalay sa kaniyang Tita Angela na makaupo dahil nahihirapan itong maglakad dahil sa taas ng takong ng kaniyang sapatos na suot.

"Ngayon naman ay pagkakataon ninyong lahat na maisayaw ang mga taong gusto ninyong isayaw... The dance floor is yours!" masayang sambit ni Mika, ang Presidente ng Student Council sa aming school.

Umingay ang paligid ng ayain ni Ramon si Bella na sumayaw. Kita ko ang pamumula ni Bella habang magkahawak kamay sila ni Ramon.

"Isabella Ruiz, sana ol sa'yo" sigaw ni Roxanne na nakanguso na ngayon.

Natawa naman ako habang kumakain ng chips. Habang masayang pinapanood ang mga nagsasayawan nakarinig ako ng panibagong ugong. Sakto namang titignan ko na sana ng bigla nalang mahulog ang cellphone ko. Nasa hita ko lang kasi iyon, ipinatong kanina. Napailing-iling ako habang nakatitig sa glass case nito na may kaunting gasgas. Mas lalong lumakas ang hiyawan at ng mag-angat ako ng tingin, muntik ko ng mabitawan ang chips at cellphone ko ng makita na nasa harapan ko mismo ang lalaking may magagandang mga ngiti, matangkad, moreno, mapupulang labi at halos perpektong itsura.

Nagkamot siya ng batok bago ako tignan sa mga mata.

"U-Uriella? Pwede ba kitang....Isayaw?" Nahihiya niyang tanong.

Hindi ko maramdaman ang mga paa ko at nga kamay kong nanginginig.

"Huwag ng pakipot" pagpaparinig ni Roxanne na may halong panunukso ang boses.

Napatingin ako sa paligid, Nakatunghay sila sa'min ni Felix at hinihintay kung tatanggapin ko ba o hindi ang alok ng lalaking ito.

"S-Sige ba" sagot ko. Nagliwanag ang mukha niya at agad akong inalalayan sa dance floor.

Nagdalawang isip pa siya kung ipapatong ba niya ang kamay ko sa balikat, bago niya pa iyon magawa at ako na ang kusang naglagay niyon.

"Ang liit ng mukha mo Urielle at sobrang tangos din ng ilong mo" nakatitig siya sa kabuuan ng mukha ko. Nag-iwas ako ng tingin dahil naiilang ako.

"A-Ah compliment ba 'yan? Hahaha" awkward kong tanong.

"Maganda ka" seryoso niyang sambit habang nakatitig parin sa'kin. Pakiramdam ko ay namula ako pagkatapos niyang sabihin iyon.

"S-Salamat" sagot ko.

Hindi maawat ang kabog ng dibdib ko ng biglang i-play ang kantang Red by: Taylor Swift.

Loving him is like driving a new Maserati down a dead end street
Faster than the wind, passionate as sin, ending so suddenly
Loving him is like trying to change your mind
Once you're already flying through the free fall
Like the colors in autumn, so bright, just before they lose it all

Hindi ko alam kung angkop ba sa'min ang kanta pero hindi ko rin maintindihan kung bakit parang nakakarelate ako.

Binalingan ko si Felix, nakatitig siya sa magkawak naming mga kamay. Kumikislap ang mga mata niya habang walay sawang nakatitig rito. Napatitig ako sa kaniya.

Young Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon