SASG 1

31 2 1
                                    



Why I need to suffer? Bakit kelangan ilang beses pa? Maganda naman ako, mayaman, kahit may pagkajologs lang minsan.. mayaman ako pero hindi ako mahilig makipagsosyalan. Gusto ko simple lang ako. Simpleng damit, simpleng kilos. Gusto ko komportable ako.

Payag ba kayong idescribe ko ang sarili ko? Kasasabi ko lang kasi kanina na maganda ako so.... papanindigan ko na ha. I'm Ayeshza Buenavista. Hindi ako katangkaran siguro mga flat 5 or 5'1 ako.. hindi bilugan ang mata hindi din naman singkit na singkit.. pero sabi ng iba may pagkasingkit daw ako. Morena ako, yung tama lang. Yung buhok ko naman hindi masyadong makapal. Mejo waivy lang ang dulo pero maganda. Kasi maganda ako. Hehe..  naging waivy lang yan nung ngpagupit ako. Broken hearted eh.  Layer. Ganyan ang gupit ko. V-shape yan dati . Kaso kapapagupit ko lang. Ilang beses na ata ako nagpagupit. Ewan. Ibig sabihin ilang beses din ako naiwan. Sa ganda kong 'to?! Bwisit!

Isang malakas na katok ang narinig ko mula sa pinto. Mga 2 weeks na kasi akong nagmumukmok dahil nga ...... INIWAN NA NAMAN AKO :'(

"Ayeshzaaaaa!!! Lumabas ka na jan. Kelangan mo din maarawan. Halika na." Ayaw ko mang pansinin ang tawag ng Mommy ko ay wala din naman akong magagawa mangungulit lang yan.

"Mom.. maya na lang please.. lalabas naman ako eh. Pag wala na nga lang kayo jan." Nagtalukbong na lang ako ng kumot.

"Ikaw talagang bata ka. Bahala ka." At the end ako din ang nasunod.

Isa pang ugali na meron ako. Yung minsang pagiging childish ko. Siguro dahil lumaki ako ng ako lang yung anak nila. Tapos sunod pa lahat ng gusto ko.

Ilang oras na ang lumipas saka lang ako lumabas. Sumilip muna ako mula sa pintuan at nung maramdaman kong wala ng tao sa malamansyon naming bahay ay saka ako lumabas ng kwarto. Gutom na kasi ako.

Tama kayo ng narinig (actually nabasa) malamansyon ang bahay namin. Mayaman nga kasi kami. My Daddy owned a company here in the Philippines. May ari kami ng isang wine company. Si dad lang ang nagpapatakbo ng kompanya. At soon daw ako ang magpapatakbo nun. Ayoko nga!

Dahan dahan akong pumunta sa kusina. Nakita ko na may pancake and bacon na nakahanda at at kinain ko agad yun.

"Finally!" Napabalikwas ako at mejo nasamid.

"Asdfghjklzxvbbmhsk!"

"Look at yourself dear. Tss tss..." uminom muna kong tubig at tuluyan syang lumapit sakin

"Maganda pa rin po." Seryoso ako dun sa sinabi ko ha!

"I know dear. But don't waste your time sa lalaking nangiwan sayo. Hayaan mo na lang sya. Let him and let your self to continue living." Alam ni Mommy Arlene yung nangyayari sa lovelife ko. Sya lagi kasi ang nakakahuli sa twing umiiyak ako .

"Mom hindi naman po ganun kadali yun eh. At tsaka yung sinasabi nyo pong hayaan na lang? Ilang beses ko na pong inexecute yung salitang 'hayaan na lang' .. eh ganun din naman na po eh." Biglang lumungkot ang mukha ko at tinusok tusok ko na lang yung pancake gamit yung tinidor na hawak ko.

"Ganto na lang ... uhmmm ...ibaling mo na lang yung isip mo sa ibang bagay. Yung alam mong magiging busy ka." Kelangan ba talaga ganun?

"Magpapakabusy? San naman kaya Mom?" Parang hindi ko talaga alam kung san ko dapat ibaling ang isip ko.

"Help your dad in our company." Nanlaki naman ang mata ko sa ni-suggest ng mommy ko.

"Grabeng busy naman nyan mommy. Ayoko po. At baka sa sobrang busy pati kayo makalimutan ko." Hindi ko na tinago ang pagtutol ko sa sinabi ni mommy . Eh ayaw ko talaga eh .

"It would be a big help to your dad, kaya nga nagtapos ka ng business course di ba?" Wag na no! Baka masisi pa ako sa paglubog ng kompanya.

"Correction mom. Nagtapos ako ng business course because you and dad pushed me to take that course. Ni hindi nyo man lang nga ako tinanung kung gusto ko yun o ano?. All this time alam kong alam nyong hindi naman yun yung gusto ko. Cruiseline Management dapat kukuhanin ko nun but I chose that damn course for your own sake.!" Hindi ko na naitago ang pagkainis. Nagpatong patong na kasi. Depressed pa ko tapos ipipilit pa sakin yung bagay na ayaw ko. Jusko naman!

Someone's Always Saying GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon