--
1 week na ata akong dinededma ni Ryan ah. Kakapanibago. Iba yung dedma nya sakin dati at iba yung ngayon. Nagsimula lang yun nung nakipagkita kami kay Caius.
Siguro dahil yun sa nasabi ko. Pero tama naman ako di ba?
Any way... hanggang ngayon wala pa din sina daddy Garry. Baka nga hindi na nagbibusiness trip ang mga yun ee. Baka namamasyal na lang.
Papunta na ko sa sa office ko ngayon ng bigla kong nakasalubong si Ryan sa may lobby.
I greeted him. Not to formal pero yung pang friend naman. But then he smiled at me pero parang pilit lang kaya nagkaroon ng konting pagtataka na naman sa mukha ko.
Dumeretso na lang ako sa office ko... Nang makarating na ako ay pilit pumapasok sa isip ko si Ryan. Pero bakit ba? Ano naman pake ko sa kanya di ba ?
Nang walang ano ano ay bigla akong lumabas sa office ko at nagdiretso sa office ni Ryan. At natanaw ko na nandun na agad sya. Ang bilis naman? Ninja ata 'to ee.!
Syempre kumatok muna ako at narinig ko naman ang permission nya na pumasok na ako. Hindi nga lang nya alam na ako yung kumakatok.
Nang makapasok na ako ay kita ko na nagulat sya nung nakita nya ako at nginitian ko na lang sya pero wala kong natanggap na ngiti galing sa kanya.
"Anong kelangan mo?" Malamig na sabi nya habang binabrowse nya yung mga folder na may lamang mga papeles.
"Uhm.. may sasabihin lang sana ako." Umupo na ko dun sa silya sa harap ng table nya.
"Go on. Madami pa kong gagawin." Sinabi nya yun habang hindi tumitingin sakin at patuloy pa din sa kanyang ginagawa.
"A-ano k-kasi eee.. yung about sa nasabi ko last week —" hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil tumingin na sya sakin.
Yung tingin na yun. Yun yung minsan nakakapanghinang tingin. Yung yung tingin na matitigilan ka talaga. Yun yung tingin na I can't resist.
"Yun lang ba ang ipinunta mo dito? Wala nang mas iimportante pa?.. you waste my time actually kaya kung may sasabihin ka pa na about jan. You can leave my office now kasi hindi ako interesado."Mas lumala pa sya. Mas tumindi pa sya kesa dati. .. Ano bang ginawa ko?! bwisit namanoh!
Hindi naman ako nagpatinag sa kanya. Siguro may purpose sya kaya nya sinabi kay Caius yun.. Eh ano pa nga bang inaarte arte ko? yun naman dapat naman talaga di ba?.
"Magsosorry ako. Sorry sa sinabi ko sa'yo Ryan.. Nabigla lang ako. Sorry na.." pagsosorry ko sa kanya. HIndi naman mataas yung pride ko lalo pag alam kong may kasalanan din ako.
"Eh ano bang pinagkaiba pag nabigla at hindi? Parang wala naman... kasi tama ka naman. Sino nga ba naman ako?" Naku.. pustahan. Nagtatampo 'tong lalaking 'to.. pero bakit? Marunong din pala 'tong magtampo.. ayieee.. chos!
"ehh sorry na nga.. uy. "pangungulit ko sa kanya. pero hindi pa din sya kumikibo. pabebe din pala 'tong lalaking 'to.
"uy.. Say something.." kinukulbit kulbit ko naman sya. Abot ko naman kasi yung kamay nya kasi nakapatong lang sa table. Ako naman kulbit ng kulbit.
"something" Sinabi talaga nya yung salitang 'something'. Jusko! mabubuwang na ako sa lalaking 'to. Pero konti pang pilit.
Napatapik na lang ako sa noo ko nung naparinig ko yung something na yun.
Hindi ko na matiis kaya tumayo na ko at hinila ko sya patayo. Pero syempre lalaki yun kaya hindi ko kaagad sya napatayo. Mabigat ee.
"Tayo ka nga jan. bilis.." paghila ko naman sa kanya. Pilit naman nya binabawi yung braso nya sa paghila ko. Pero dahil makulit din ako minsan, hindi ko talaga sya bitawan.

BINABASA MO ANG
Someone's Always Saying Goodbye
RandomDahil nga daw wala naman hindi natatapos sa mundong ito, ibig sabihin daw lahat umaalis din, lahat sila nagpapaalam. Sa dami mo ng beses nasaktan, handa ka pa rin kayang magmahal at mag tiwala na may taong hindi aalis at hindi ka iiwan?