SASG 2

21 0 0
                                    

"Sabi ko sayo wag kang lilingon di ba? " hindi ko na inintindi ang sinasabi ni besh ngayon. Parang sinasaksak na naman yung puso ko.

Yung ex ko. We're in the same area. Mas nasaktan pa ko nung tumingin sya sakin. He's with another girl na agad, eh halos 2 weeks pa lang yung nakakalipas.

May kakapalan talaga sya ng mukha at nakuha pa nyang ngumiti sakin. Ang sweet sweet pa sa kasama nyang babae ngayon. Ang sarap sabihin na ' oy girl wag kang magpapaniwala jan, ganyan din yan sakin nung una.. pero magpapaalam din yan sa huli'  . Syempre hindi ko gagawin yun! Edi ako pa ang nagmukhang bitter sa harap nila?

"Halika na .. Sa iba na lang tayo kumain." nakitingin lang ako sa kanila pero pilit akong niyaya ni besh paalis dun sa kinakainan namin.

Tumulo lang yung luha ko at marahas ko itong pinunasan.

Tumayo na din ako para lumabas sa lugar na iyon. Baka hindi ko na kayanin pag nagtagal pa ako doon.

Nung makalabas na kami ay pilit ko nalang pinapakalma ang aking sarili.

"Besh sorry kung pinilit pa kita na samahan ako .." kita ko naman ang lungkot sa mukha nya. kayabinigyan ko na lang sya kahit pilit na ngiti.

"Wala ka namang kasalanan besh eh. Wala namang may gusto na makita ko sya ngayon eh. Kaya wala kang kasalan besh." hinagod hagod nya yung likod ko.

Bigla namang nagring yung phoneko at sinagot ko iyon ng pabalabag. Nadala na naman ako ng inis ko .

"What?!" Kunot na kunot ang noo ko habang sinagot yung tawag na yun ..nakatingin lang si besh Karen sakin.

-Do you have a problem?

Naringgan ko lang na boses pala ni Dad .. So pinipilit ko pa rin pakalmahin ang boses ko.

"(sigh) Sorry.. I'm just .uhmm.. bakit ka po napatawag?" hindi ko nasinubukan sabihin kung bakit ako naiinis.

- I want you to go to my office now. I have something to tell you.

"Is that really important dad?. As in now? I'm with Karen right now.. pwede po sa bahay na lang?" Minsan lang ako patawag ni daddy atpapuntahin sa office nya.. parang sobrang importante naman nun at kelangan ngayon na. Wala na ba talagang hintayan 'to?

- This is very important so I need you now. If you want isama mo na din si Karen.

"Haaaayyy .. okay okay . Papunta na po." In-end ko na yung call . Eh ano pa nga bang magagawa ko? eh sa importante daw eh.

"Tutal kasama na din naman kita.. Samahan mo na lang ako sa office ni Dad. May sasabihin daw sya eh.Ano sasama ka ba? " Halata naman sa mukha nya na gusto nyang sumama . Buti pa 'to interasado . eh ako hindi ..

"Ay syempre naman no! Sama ako .. para makarating ako sa office ng dad mo. " nagtatalon pa sya habang sinasabi yun .. Nakakatawa tuloy yung reaction nya pag sobrang saya nya.

"So tara!" sumakay na kami sa kotse para pumunta sa company namin.

Nang makarating na kami ayagad naman ako pumasok sa loob. Isa sa pinaka ayoko dahilan kaya ayaw kong pumunta dito ay yung pag dumadating akolahat ng nakakasalubong konag ba-bow sakin .. Parang powerful naman ng dating ko. Eh ayaw ko ng ganun.

Nginingitian ko na lang sila. Baka naman sabihin suplada ako. Nagigitla lang ako pag may makakasalubong ako tapos biglang magba-bow, ayun napapapitlag naman ako.

"Ang taray naman besh. Yayamanin talaga ang atmosphere pag andito no? Sa company namin hindi ganto. Mgamukhang bastusin din dun yung mga tao minsan eh . Kaya minsan natatarayan ko. " Parang amaze na amaze sya.

Someone's Always Saying GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon