Chapter 1

2K 11 0
                                    

NAPATITIG si Almary sa inaabot sa kanya ni Ren na dress. Binili nila iyon kanina sa mall, gusto kasi niyang mag-night out silang tatlo. Birthday niya kasi bukas at kailangan niyang umuwi pero bago iyan, gusto niya muna maranasan ang mag-night out bago siya bumalik sa probinsya.

"Hoy bruha! Natulala ka diyan?"

Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang boses ni Ren. Humaba ang nguso nito at ginalaw-galaw ang hawak nitong hanger kung nasaan ang kulay pula na tube dress na sa tingin niya'y hanggang gitnang hita niya lang ang haba. Gusto iyong ipa-suot sa kanya ni Ren, hindi niya maiwasang mapangiwi para kasi siyang babaeng nagtratrabaho sa bar kung iyon ang isusuot niya.

"Seryoso kang kailangan ko talagang suotin iyan?" nakangiwing tanong niya.

"Oo, day! Ano ba ini-expect mong ipa-suot ko sa iyo? Palda na hangang talampakan mo ang haba? Naku oy, Almary, kung talagang gusto mong pumunta sa bar, huwag ka maging maarte, oy! Pagtatawanan ka ng mga tao dun kapag ganiyan ka," humahaba ang ngusong giit ni Ren at hinawakan ang kamay niya at ilagay dun ang dress.

Napakamot siya sa kanyang pisngi. "Ano magagawa ko 'e, ngayon ko lang naisipang subukan ang mga bagay na ito. Alam mo naman na condo at eskwelahan lang ako lagi."

Napailing si Princess. "Bakit naman kasi napakabait mo 'e. Iyan tuloy nagiging bobo ka sa mga bagay na ito.

"Oo nga! Sa tagal nating magkaibigan at magkasama sa iisang condo, ngayon mo lang naisipang sumama sa amin? Ano nakain mo at lumalabas ka na ngayon sa comfort zone mo, Maria Clara-este Almary?" seryosong giit ni Ren at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

Inalis niya ang mga kamay ni Ren sa magkabilang balikat niya at inilagay ang hawak na hanger sa may kama niya. Oo, nasa loob sila sa kanyang silid. Humarap siya sa dalawa na ngayon ay nakatunganga sa kanya at nakakrus ang mga braso sa mga dibdib.

"So?" nakataas ang kilay na wika ni Ren.

Bumuntonghininga siya. "Napagtanto ko kasi na mag-20 na ako bukas pero parang wala man lang akong karanasan sa mga bagay na dapat maranasan ko bilang teenager. Gaya ng pag-night out, flirting and drinking alcohol with friends, ganun kaya ako ngayon nagdesisyon na mag-step out sa comfort zone ko."

Nagulat siya nang bigla na lamang tumili si Princess tapos niyogyug naman siya ni Ren.

"Mabuti naman at na-realize mo iyan habang bata ka pa! Akala ko magiging matandang dalaga ka na lang, day!" giit ni Ren habang niyogyug siya.

Alinlangang ngumiti siya. "Oo nga 'e pero atin-atin lang ito 'a. Alam ninyo naman si Mommy at Daddy. Ayaw ng mga iyon na mag-bar ako o makikipagharutan sa lalaki."

Mabilis na tumango-tango ang dalawa na halos mabale ang mga leeg ng mga ito.

"Sureness, sister! Kami bahala sa iyo, ipaparanas namin sa iyo ang mga bagay na hindi mo pa naranasan at nakita," nakangising giit ni Princess at hinaplos ang buhok niya.

Hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan sa ngisi ng kaibigan para kasing may hindi magandang binabalak.

"Tama! Kami bahala sa iyo, day! Birthday gift na din namin ito sa iyo ni Princess," nakangiting dagdag ni Ren.

"Yeah, malay mo ngayong gabi ka pa makaranas ng dilig," natatawang sabi ni Princess.

"Loka! Grabe ka naman dilig agad, hindi ba pwedeng halik muna?" tawang-tawa sabi naman ni Ren at nag-apir ang dalawa.

"Day, maligo ka na at isuot mo ito, okay?" baling mayamaya ni Ren sa kanya.

Napatango-tango lang siya. Kailangan niyang lakasan loob niya kung gusto talaga niyang pasukin ang ganitong mundo kahit ngayong gabi lang. Gusto niya rin maging careless and wild.

Uncle Cenon's Obsession {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon