NANG tumigil ang kotseng sinasakyan nilang tatlo na minamaneho ni Ren sa harap ng isang magarang building napapikit si Almary ng mariin. Magkahalong pananabik at kaba ang kanyang nadarama na halos kumawala na ang kanyang puso sa loob ng kanyang dibdib sa lakas ng tibok niyon.
"Hoy, day! Bakit tila hihimatayin ka na diyan? Huwag mong sabihing nagbago na isip mo at ayaw mo nang tumuloy tayo?"
Napamulat siya at napatingin kay Princess nakatabi niyang nakaupo sa may likuran ng kotse. Mabilis na umiling-iling siya na halos mabale na ang kanyang leeg sa bilis.
"Hindi no, kinakabahan lang ako," mabilis na giit niya sabay hila pataas ang tube na bumaba at lumuwa ang kalahati ng kanyang cocomelon.
Tinampal ni Princess ang kanyang kamay kaya't napatingin siya rito na magkasalubong ang kanyang mga kilay.
"Bakit ba?" inis na tanong niya at akmang hihilahin uli pataas ang kanyang tube pero mabilis na hinawakan ni Princess ang kanyang kamay.
"Huwag mo itago, asset mo iyan, sister," seryosong giit ni Princess. Napatitig siya sa kaibigan tapos sa kanyang dibdib.
Bumuntonghininga siya. "Pwede naman siguro ako makahanap ng lalaki ngayong gabi na hindi ko pinapakita sa kanila ang kaluluwa ko, hindi ba? At saka baka puro manyakis lang ang pumatol sa akin kasi baka ini-expect nila na easy girl ako sa get up ko—"
"Loka! Mas okay na isipin nilang easy girl ka kaysa sa isipin nilang mabilis kang ma-uto kasi mukha kang walang alam sa mga ganitong bagay at saka, day, paalala ko lang ha, bar po pupuntahan natin, natural lang ang mga ganiyang get-up, iba nga 'e malala pa diyan," singit naman ni Ren at binuksan na ang pintuan ng driver seat.
"Mabuti pa ay bumaba na tayo," giit naman bigla ni Princess at binuksan ang pintuan sa gilid nito at mabilis na bumaba.
Habang siya ay huminga muna ng malalim at bumaba na din sa kotse. Sumunod siya sa dalawa nang lumakad na ang mga ito papasok, hindi niya maiwasang mapatingin sa paligid, totoo nga ang sinabi ng dalawa halos lahat ng babae ay kinulang sa tela ang mga suot ang iba ay mas malala pa na halos maghubad na. Kaya't kahit papano ay napanatag siya, palihim pa siya napangiti dahil sa wakas mararanasan na din niya ang tinatawag na "night out".
SA LOOB ng bar, nanlaki ang mga mata niya nang madaanan nila ang mga mata niya nang makita ang babae at lalaki na halos lamunin na ang labi ng bawat isa. Buong buhay niya nun lang siya nakasaksi ng live na halikan at iba pala ang pakiramdam. Parang gusto niya din maranasan ang ganung halik, ang hawakan na may pananabik.
"Doon tayo, day."
Napalunok siya at napakurap-kurap ng marinig niya ang boses ni Ren at ang paghawak nito sa kanyang siko at ginaya siya papunta sa may gilid. Pinaupo siya ni Ren sa may gilid kung saan tanaw na tanaw niya ang dance floor kung saan may mga taong sumasayaw na akala mo ay may mga sariling mundo.
"I can sense freedom by looking at them," mahinang sabi niya bigla. Napatingin siya sa dalawa niyang kaibigan ng marinig niyang natawa ang mga ito ng mahina.
"Bakit?" nalilitong tanong niya sa dalawa. Imbis na sumagot ay ngitian lang siya ng mga ito tapos sumenyas si Princess, nang sundan niya ng tingin kung kanino ito sumenyas ay kumibot ang kanyang mga labi kasi nakita niyang papunta sa direksiyon nila ang gwapong waiter bitbit malamang ang menu ng bar.
Sinabi na ng dalawa ang gusto ng mga itong orderin habang siya ay nilibot niya ang mga mata sa kabuan ng bar. Napansin niyang may second floor pala iyon, napatingin siya sa ibabaw na bahagi at napa-angat ang gilid ng kanyang mga labi nang magtama ang mga mata nila ng isang lalaking nakapusod ang buhok. Hindi sapat ang salitang gwapo para ilarawan ang lalaki, makapal ang itim na itim na mga kilay nito na bahagyang magkasalubong habang nakikipagtitingan sa kanya. Ang mga mata nito ay nakakaakit, iyong tipong para itong may magnet na ayaw niyang maalis ang kanyang paningin sa mga iyon. Napababa ang kanyang tingin sa mga labi ng lalaki, napalunok siya at napaiwas ng tingin dahil hindi niya kinaya makita ang mapulang labi ng lalaki na para bang niyaya siyang tikman iyon. May kalayuan ang kanilang distansya ng lalaki pero hindi iyon naging hadlang para mailarawan niya ito.
BINABASA MO ANG
Uncle Cenon's Obsession {COMPLETED}
General FictionAlmary Grace Alvarez is a 20-year-old girl. She's beautiful and sexy. Every boy her age wants her, but no one can tame her-not until she meets her Uncle Cenon, who becomes her guardian after her parents got into a car accident and died. Her life cha...