Chapter One

339 28 15
                                    

NAGISING ako dahil sa malakas na pag-alarm ng alarm clock na nasa bedside table ko. Umungol ako at pilit ko iyong inaabot pero nahulog iyon sa sahig. Buti na lang de-capet ang sahig ng kwarto ko kaya hindi iyon nagbigay ng ingay.

Pero dahil sa patuloy pa rin sa pag-ingay ng orasan ay tuluyan akong nagising at kahit na tinatamad ay bumangon ako.

Humihikab na ininat ko ang mga braso ko at nakaramdam ako ng kaginhawaan sa ginawa ko.

Dinampot ko ang alarm clock na nahulog. Pinatay ko iyon at tsaka muling ibinalik sa ibabaw ng bedside table. Pagkatapos ay umalis na ako sa ibabaw ng kama at dumiretso na sa banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo, makapagbihis ng pang opisina at makapag-ayos ng mukha ay bumaba na ako para mag-umagahan.

Nandito ako ngayon sa mansion nila mommy at daddy, dahil napagdesisyonan ko na na tuwing Monday, Wednesday, and Friday dito ako matutulog para hindi naman naboboring ang mga magulang ko. Kahit hindi nila sabihin ay ramdam kong nalulungkot sila kapag sila-sila lang.

Pagkapasok ko sa dining room ay nabungaran ko na ang mga magulang kong kumakain ng umagahan.

"Good morning, parents!" masigla kong bati sa kanila bago ko sila isa-isang hinalikan sa pisngi.

"Good morning, Princess. Kumain ka na," anyaya sa akin ni mommy.

Naupo ako sa harapan niya at nagsimula nang magsandok ng pagkain.

"Oo nga pala, Princess, dun tayo mag di-dinner sa mansion ng lolo Alejandro mo sa Sabado," sabi ng daddy niya.

Natigilan ako at napatingin sa kanya. Sabado? It's 'my me day' at alam nilang lahat iyon. Kapag araw ko ibig sabihin araw iyon para sa self love. Nagpupunta ako sa iba't ibang bansa para mag-shopping o hindi kaya para mamasyal lang hanggang Lingo.

"I know it's your... What did you call it again?" si daddy.

"It's my me day."

"Yeah, it's your me day on Saturday, but your lolo wants to have dinner with you. Hindi mo ba siya mapagbibigyan?"

Nakagat ko ang ibaba kong labi. I love my time for my self, but I love my lolo more than anyone else. I can't say no to him.

Marahan akong tumango. "Sige po."

"Are you sure?"

"Yes po, Dad."

"Okay, that's great!" nakita kong kumislap ang mga mata niya na parang may something na hindi ko alam.

"By the way. Ano 'yung kumakalat na balita sa tabloid about you and what is the guy name again? Oh! Kalil. Am I right?" tanong ni mommy na ikinasamid ko.

Hindi ko akalain na ganu'n kabilis nilang malalaman ang tungkol sa issue na iyon.

Namuhay ulit ang inis na nararamdaman ko para sa lalaking iyon. Paano ba naman pinagpipilitan niyang ligawan ako kahit ayoko. Ayun ang gago lumuhod sa harap ng building ng Bewitched. Ang kumpanyang pinapamalakad ko.

Isang lingerie business ang pinapatakbo ko. Pero hindi iyon basta-basta dahil nakilala na ang produkto ng kumpanya ko hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba't ibang parte na rin ng bansa.

Lumapit ako sa lolo ko para manghiram ng pera sa pagpapatayo ng pangarap kong business. Pinahiram niya ako pero ang kumpanya ay nasa ilalim pa rin ng pangalan niya at ako lang ang tumatayong CEO. Pero kung tutuosin ako na rin ang may-ari ni'yon dahil ako na halos ang nagpapatakbo ng kumpanya.

Balik tayo sa issue tungkol sa hinayupak na Kalil. Kung kaharap ko lang ito ngayon talagang masasakal ko ito ng wala sa oras hanggang sa malagutan na ito ng hininga. Kung hindi ba naman ito agaw eksena. Ayun nagtrending sa social media pati na rin sa tabloid.

Owned by Him: Princess Kate AndersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon