Kate's POV
NAGING mabilis ang isang buwan para sa akin. Dahil abala ako sa kumpanya ay may inutusan akong maglakad para asikasuhin ang lahat para sa kasal namin. At sa loob ng isang buwan na 'yon ay walang paramdam sa akin si Kendrick.
Iyon ang lubos na kinaiinisan ko. Ito ang sumangayon sa kasal tapos ito pa ang magpapakita ng walang interes sa kasal.
Kasalukuyan akong nasa meeting with department managers, nang lapitan ako ng sekretarya kong si Olive.
"Ma'am, tumatawag ho si Chairman," bulong niya na ikinahinto ko.
"Excuse me," sabi ko na kinuha ang telepono mula sa kamay ni Olive at agad na kinausap ang nasa kabilang linya.
"Lolo, napatawag ho kayo?"
"Kumusta, hija? Kumusta ang pag-aasikaso ninyo ni Kendrick sa kasal ninyo?"
"Umh... ayos lang po, Lolo,"
"Mabuti naman kung ganu'n. How about the invitations? Nakagawa na ba kayo? Gusto ko kasi imbitahan ang mga malapit na kaibigan ng pamilya natin," anito na tinutukoy ang mga kaibigan nitong chairman at ang iba naman ay kilala rin sa lipunan.
Pagnagkataon talagang akalat na ang tungkol sa mangyayaring kasal namin ni Kendrick.
"Wala pa hong nagagawa, Lolo."
"Bakit wala pa? Next month na ang kasal."
"Inuuna po kasi namin ang mas importante—"
"Anong ginagawa ng mga connection natin para mapadali ang pagproseso ng kasal ninyo? Baka naman wala ka talaga balak magpakasal kay Kendrick."
"Meron ho akong balak magpakasal kay Kendrick, Lolo."
Sa sinabi kong iyon ay natigilan ang lahat ng nasa conference room at napatingin sa akin.
"Kung ganu'n ako na ang bahala sa iba para mapadali na ang proseso ng pag-aasikaso sa kasal ninyo." Iyon lang at pinutol na niya ang linya.
"Ikakasal na ho pala kayo, Ma'am Kate," sabi ni Mica.
"Congratulations po, ma'am!" sabay-sabay na bati ng mga ito.
Peke ko silang binigyan ng ngiti pero sa loob-loob ko nanggagalaiti ako sa galit.
Kasalanan talaga ito lahat ng lalaking iyon!
Pagkatapos ng meeting ay agad na akong bumalik sa opisina ko at tinapos pa ang dapat kong tapusin para maaga akong makaalis.
Binabalak ko kasing puntahan si Kendrick sa Hacienda Paraiso, dahil kailangan naming mag-prenup para sa kasal. Hindi ko naman magawng itanong kay Kenneth ang number ni Kendrick dahil makakahalata ito na wala talaga kaming komunikasyon, kaya no choice kundi ang puntahan siya.
Pagkatapos kong maiayos ang mga gamit ko ay nagpaalam na ako kay Olive at nagbilin ako sa kanya ng mga dapat niyang gawin bago ako tuluyang umalis. Sakay ng sasakyan ko ay tinahak ko na ang daan papunta sa Hacienda Paraiso.
Dahil inabutan ako ng traffic sa daan ay gabi na ako nakarating sa Sahara. Inihinto ko ang sasakyan sa harap ng may kalakihang tarangkahan.
"Cariño's Manor," basa ko sa pangalang nakalagay sa tarangkahan.
Hindi ko magawang bumusina dahil gabi na. Ayokong makaistorbo sa tahimik na gabi. Umibis ako sa sasakyan at nag-doorbell na lang. Hindi naman nagtagalay bumukas iyon at sumungaw ang guwardya.
"Sino ho ang hanap nila, miss?" tanong niya.
"Nandyan ba si Kendrick?"
"Sino ho sila?"
BINABASA MO ANG
Owned by Him: Princess Kate Anderson
عاطفيةKendrick Hidalgo envy richest people. Kaya pinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat para yumaman at magkaroon ng magandang buhay. Sa kanya pinagkatiwala ng kapatid niyang si Kenneth ang pamamalakad ng Hacienda. Pero sa hindi inaasahan na p...