Chapter Three

196 33 11
                                    

•Princess Kate Anderson•

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Princess Kate Anderson•

•Princess Kate Anderson•

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•Kendrick Hidalgo•
*****

Kendrick's POV

MARIIN kong hinilamos ang sarili kong mukha dahil sa sunod-sunod na problemang kinakaharap ng Hacienda Paraiso. Una, sa mga pananim, napeste ang halos lahat ng gulat at mga prutas kaya ilan na lang sa mga ito ang naibenta. 'Yung mga order sa kanila ay hindi nila nadeliberan gawa ng wala talagang halos naisalba.

Ginawan namin iyon ng paraan. Pinatay namin ang mga insekto at nagtanim ng panibago, pero hindi pa an din tuluyang umuusbong ang mga halaman ay pineste na naman ang mga ito. Hindi namin alam kung saan nanggagaling ang mga insekto na halos ang palayan lang ng Hacienda Paraiso ang napinsala ng mga ito.

Ngayon naman, ang mga alaga nilang hayop ang sunod-sunod na nagkakasakit. Hindi ko na malaman ang totoong dahilan na pinagmumulan ng mga ito.

Kaya naisip ko na baka merong sumasabutahe sa Hacienda Paraiso, pero hindi ko naman matukoy kung sino. Marahil may isa sa mga tauhan ko ang traydor at iyon ang inaalam ko ngayon. Kapag nalaman ko kung sino ito, sisiguraduhin kong hindi niya magugustohan ang parusang gagawin ko sa kanya.

Napatingin ako sa pintuan ng library ko nang bumukas iyon. "Kendrick hijo, may bisita ka," sabi ni Nana Sumeng, ang kasambahay. Pero hindi namin siya tinuturing na iba. Para sa amin ay kapamilya na namin siya.

Nangunot ang noo ko. Wala naman akong inaasahan na bisita. "Sino ho?"

Pero bago pa man makasagot si Nana Sumeng ay sumulpot na si Dianne at halos hawiin pa nito ang matanda para lang makapasok siya sa library.

"Magandang umaga, Kendrick!" maarteng bati sa akin ni Dianne.

"Anong ginagawa mo rito, Dianne?" Binahiran ko ng may pagkairita ang boses ko dahil hindi naman ako interisadong makita siya.

Owned by Him: Princess Kate AndersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon