"MAGANDANG umaga, kuya!" masiglang bati sa akin ni Sandra pagkababa ko sa hagdan. Naghahain ito ng umagahan sa hapagkainan.
"Magandang umaga. Bakit naparito ka, Sandra? Nasaan sila tatay at nanay?"
"Ahh... dito kasi ang daan ni Roland dahil may ide-deliver siya sa kabilang bayan kaya sumama na ako para makapunta na rin dito. Si tatay maagang umalis dahil manganganak na raw ang alaga niyang kalabaw. Si nanay naman dinala ang lecheplan na inorder ni Aling Bebang." Si Roland ay ang asawa nito.
"Umalis sila ng hindi kumakain?"
"Huwag kang mag-alala, pinabaunan ko si tatay ng pagkain. Si nanay naman kumain muna bago umalis. O siya, kumain ka na rin."
"Salamat." Isinuot ko muna ang damit na nakasukbit sa balikat ko bago ako naupo at kumain.
"Oo nga pala, Kuya. Nakauwi na pala si Dianne mula sa japan. Naku! Alam mo ba ang yaman na niya ngayon. Binili niya ang ilang kalapit na lupain dito sa Zahara."
Kunot ang noong nagtaas ako ng tingin sa kanya. Oo, naaalala niya ang babaeng tinutukoy niya pero wala akong pakialam 'dun.
"Nakarating pa sa akin na balak daw ni Dianne na kalabanin ang negosyo natin."
Hindi ko binigyang pansin ang mga sinabi niya. Wala rin naman akong pakialam kung balak din ng Dianne na iyon na magnegosyo.
"Iyan lang ba ang ipinunta mo rito, Sandra?" may pagkairita niyang tanong.
"Ang sungit naman! Kaya hindi ka pa nagkakanobya eh!"
Umiling na lang ako at hindi na sumagot. Ayoko na lang din patulan ang pang-iinis niya sa akin. Masaya ako sa buhay ko ngayon. Ang tanging pinagtutuunan ko ng pansin ngayon ay ang paglago ng Hacienda.
"Wala ka ba talaga balak mag-asawa? Marami akong mairereto sa'yo," taas-baba ang kilay na sabi niya.
Masama ko siyang tiningnan.
"Iyan, iyang ganyang ugali mo. Kaya ka hindi nilalapitan ng kababaihan dito sa Zahara dahil palagi kang nakasimangot. Ngumiti ka kaya paminsan-minsan?"
"Sandra, wala pa sa isip ko ang mag-asawa. Alam mo naman ang gusto ko."
"Ang magpayaman?"
"May masama ba 'dun?"
"Dahil ba 'to kay kuya Kenneth? Naiinggit ka pa rin ba sa karangayaan na meron siya ngayon?"
Inaamin ko na nagkaroon ako noon ng inggit sa kapatid kong si Kenneth dahil naging marangya ang buhay nito dahil sa mga Anderson. Nahiling ko pa noon na sana ko na lang ang iniwan sa ampuna para ako ang nasa kalagayan nito ngayon. Pero ngayon tanggap ko na ang lahat at maayos na rin ng samahan naming magkapatid. Katunayan, ipinamahala na niya sa akin ang lupain na ipinagkaloob dito ng mga Anderson.
Sa katunayan ang lugar na ito ay pinadimolish at ginawang hacienda. Pinalago ni Kenneth at nang lumago ay sa akin na niya ipinamahala. Hindi lang iyon, kung anong meron si Kenneth ay meron din kami. Hindi siya nakakalimot na bahagian kami. Pero ngayon hindi na ako tumatanggap ng kahit na ano mula sa kanya, sila tatay, nanay at Sandra na lang ang binibigyan niya. Hindi dahil sa ayaw niya kundi dahil sa ayoko.
Malaki na rin naman na ang kinikita ko sa Hacienda at binabahagian ko rin si Kenneth at ang pamilya ko. Pero hindi iyon tinatanggap ni Kenneth kaya inilalagay ko na lang ang pera sa banko at ibibigay ko sa kanya sa tamang panahon.
"Hindi na ako naiinggit sa kung anong meron si Kenneth ngayon, Sandra. At masaya ako para sa kanya. Ayoko pa mag-asawa dahil ayoko. Nagpapayaman ako hindi dahil sa inggit, kundi gusto kong bigyan ng magandang buhay ang magiging asawa't anak ko sa oras na handa na akong magkaroon ng sarili kong pamilya." Dinuro ko siya. "Kaya ikaw, ialis mo na sa isipan mo ang ganyang pag-iisip."
BINABASA MO ANG
Owned by Him: Princess Kate Anderson
RomansaKendrick Hidalgo envy richest people. Kaya pinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat para yumaman at magkaroon ng magandang buhay. Sa kanya pinagkatiwala ng kapatid niyang si Kenneth ang pamamalakad ng Hacienda. Pero sa hindi inaasahan na p...