Chapter 19

318 9 0
                                    

Chapter 19

Nakapustura na ang lahat maging ako ay nakasuot na din ng puting damit at mahabang puting belo. Nakatayo na ako ngayon sa harapang pinto ng simbahan, masaganang luha ang dumaloy sa mga pisngi ko na agad namang pinunasan ng mga magulang ko na nasa magkabilang gilid ko.

"Hush sweetie, smile its your day" nakangiting sabi ni mommy at mahigpit akong niyakap. Hindi naman ako nagpaawat sa pagiyak hanggang sa makarating kami sa altar at kunin ni Carl ang kamay ko.

'My life is miserable' hindi ko maiwasang sabihin sa sarili ko.

Wala ang atensyon ko sa pinagsasabe ng pari sa harapan namin, para akong walang buhay na puppet lang, wala akong maramdamang iba kung hindi ang pagkalungkot.

I snapped nang maramdaman ko ang napakahigpit na hawak ni Carl sa isang kamay ko na siguradong ngayon ay namumula na. Tinatanong na pala ako sa sagot kong 'I do'. Sobrang sakit ng kamay ko kaya inalis ko ng marahas ang pagkakakapit nya sa akin na ikinagulat ng lahat.

"May problema ba hija?" tanong ng pari sa akin.

Hindi agad ako nakasagot, nagdadalawang isip ako kung magsasalita ba ako o ano. "I- I-" napatingin ako kay Carl na may masamang titig sa akin.

"You choose be mine or be a beggar?" matiim ngunit mahinang sabi nya sa kanang tainga ko.

Palaban akong babae pero ngayon I can't speak, inilibot ko ang buong paningin ko sa mga bisita na halata ang pagkalito sa mga mukha nila. Pero hindi yun ang nakahuli ng buong atensyon ko nakita kong magkatabi sa upuan si Diane at si James na parang walang pakielam sa paligid nila, magkatitigan sila sa isa't isa na talaga namang nagdulot sa pagiging dalawang piraso ng puso ko.

I look back to the crowd and finally said. "I – I do"

'there is no turning back.'

"You may now kiss the bride'' ani ng pari kay Carl.

Unti-unti namang lumapit sya sa akin at itinaas ang belo ko, napapikit ako ng may luha sa mukha at nanginginig sa trauma na dulot nya. Mariin at agresibo ang ginawa nyang paghalik na halos malasahan ko ang sarili kong dugo dulot ng sugat na nagawa noon.

"And now I pronounce you man and wife" pinal na pahayag ng pari at nagpalakpakan na ang lahat.

"Wait wait! May I have your attention please." Nakangiting pahayag ni Lhyn kasama ang mommy nya papunta sa harap ng altar. Nang tumigil na ang ingay agad syang nagsalita muli. "Thank you. I just want to tell you that this girl is a gold-digger!" Madiin na sabi nya habang dinuduro ako.

Maririnig ang pagkagulat ng lahat. "Nalaman namin na ang pamilyang Boado ay nalulugi na. Kaya naman eto para makasalba ang kompanya nila inakit nya si Carl at pinagpalit ang nabalitang fiance nya, remember the news about James Avataria? Very desperate eh?" nakataas na kilay na dagdag naman ng mommy ni Lindsay

Why Am I Still Single?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon