Chapter 10

633 34 7
                                    

 

Being single, used to mean that nobody wanted you.

NOW IT MEANS YOU’RE PRETTY, SEXY, AND YOUR TAKING YOUR TIME DECIDING HOW YOU WANT YOUR LIFE TO BE AND WHO YOU WANT TO SPEND IT WITH.

 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

 

 

Chapter 10

 

 

“Bestie Winona! Layas na ako ha! Babay!” paalam ko kay Bestie. Kailangan ko na kasing pumasok sa trabaho siguradong tambak nanaman ang gawain ko doon sa higit isang linggong pagkawala ko.

 

 

“Wait wait bruhilda, sabay tayong mag lunch ha sunduin ka namin ni Erica mamaya sa office mo”

Okie” sagot ko na lang, Hay! Hanggang ngayong hindi pa din kami nag-uusap ni pinsan. Ayokong maunang makipag-usap sa kanya gusto kong malaman nya na mali na maging mahina sya at ang pandadamay na ginawa nya sa akin. Aba nagdamdam ako kahit papano sa sinabi nya ano.

Katulad ng inaasahan ilang file ng folders ang nakapatong sa ibabaw ng desk ko. At dahit sa accounting department ang hinahawakan ko puro statistics iyon ng kumpanya. Nakita kong nagiging mababa na ang kita ng kompanya. Nakalabas na naman si Dad sa hospital pero hindi sya pinapayagan ng doktor na pumasok sa trabaho tanging si Mom  na lang muna ang nagaasikaso ng lahat dito.

Part of me gets guilty, para sa gagawin ko. Pero para sa akin kailangan ko pa din maging selfish kahit na masama sa loob ko. Naging busy ako sa pagtatrabaho kaya naman hindi ko na namalayan ang oras.

 

 

“Hoy babaeng walang pahinga kain na tayo” Agaw pansin sa akin ni Bestie na nasa tabihan ko na

 

 

“Tss. Libre mo ha. Tara saan ba tayo?”

 


“Sa mall, hehe”
mukhang may binabalak na masama si Bestie kaya naman dumistansya ako ng kaunti sa kanya.

“Gaga tara na nga.”

Mabilis kaming nakarating sa Mall at unang nadatnan ko pagkababa ko ng sasakyan ay si April. Maayos na ang itsura nya sa ngayon kumpara noong huli ko syang nakausap.

 

 

“Ehem, tara Erica samahan mo nga ako doon” sabay hila ni Winona kay Erica para maiwan kaming dalawa ni pinsan

Why Am I Still Single?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon