Chapter 13

1K 23 16
                                    

When a girl cries, it's not usually over one thing. It's built up anger and emotions that she's been holding in for too long.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 13

He kissed me.

My first kiss is gone!

Yet, right after that, I manage to fake a smile. "Is it enough proof for you?" tanong ko kay Carl, pero ngumisi lang sya at tumalikod na, samantalang palakpakan nanaman ang nangibabaw. Muling nagpatuloy sa pagsasalita si Dad at nagpaalam na akong magpapahinga na muna.


Pagkapasok na pagkapasok kong muli sa bahay, tumulo na ang luhang kanina ko pang pinipigilan, mabuti na lamang at busy ang mga kasambahay sa labas at wala sila dito.

"Lindsay, I didn't mean it. Wala lang talaga akong maisip na solusyon kanina" Paliwanag ni James pero hindi ko sya pinansin, dire-diretso akong pumunta sa kwarto ko. "Hey, GF I'm sorry okay?"

"My first kiss wala na!" I cried out loud

"Shh. Let's go in baka may makarinig dito GF." Agad nya naman akong hinila papasok at inilock ang pintuan. "Please wag ka magalit sa akin." Malumanay na sabi nya

Umiiyak pa din ako "B-BF! Hindi naman ako galit. Thankful nga ako na hindi tayo nabuko. Pero wala na. Ang pinapangarap kong sweet at memorable na first kiss biglang naglaho!" sabay bato ko sa kanya ng mga unan

"Ouch! Aray! GF tama na masakit!" pero patuloy pa din ako sa pagbato sa kanya.

"Kahit sa ganto man lang makabawi ako peste ka! Hindi mo na lang pineke yung halik at talagang lips to lips talaga, napakatagal at ramdam na ram--" Napahinto naman ako maging sya bigla ng dahil sa lumabas sa bibig ko.

'Shet!'

Napaiwas kami ng tingin sa isa't isa. Nakakahiya! Bakit idinetalye ko pa muntik ko pang masabing... Aish! Basta!

*bzzt bzzt bzzt

Biglang nag-vibrate ang cellphone nya na agad naman nyang tinignan at sinagot.

"Ma? ... Ano po? ... Ha?! T.V. ..." Napatingin sya sa akin at inginuso ang TV set ko, nakuha ko naman iyon at madaling binukas.

''Tama po ang narinig nating lahat, ang unica hija ng Boado family ay nakatakda na ngang ikasal kay James Avataria sa susunod na linggo--- "

 

 

"Ha? Dyan? B-bakit?... Ma! ... Sige sige I'll explain it later ... What tonight?! ... Argh! Okay Bye!" Sunod-sunod naman ang buntong hininga nya matapos ang pakikipag-usap nya sa  taong nasa kabilang linya.

"W-hat's happening?" may masamang kutob na tanong ko.

"Nalaman ni mama, gusto nyang pumunta tayo ngayon sa amin at ipakikila daw kita." Nakatulalang sabi ni James. Lugmok naman na umupo din ako sa tabi nya habang nakatulalang nakatingin sa T.V. kung saan binabalita ang pangyayari kanina.

"Patay." Sabay na sabi namin kaya nagkatinginan ulit kami at matapos ang dalawang segundo balik sa pagtanga sa screen ng TV.

------------------------

 I didn't expect na magkakagulo ng ganito ang simpleng pagkukunwari namin, noong una paghahanap ng boyfriend. Ngayon naman in just a week magpapakasal na kami? Unbelievable. 

Mula sa Manila bumyahe kami papunta sa Taal, Batangas kung saan nakatira sila James. Sa buong byahe nagpaplano lang kami ng maaari naming gawin.

"S-sorry BF."

 

 

"That's okay. Nandito na, hindi naman natin inaakala ito."

 

 

"Should we fake the marriage as well?" suhestyon ko.

"I think it's the best way." Sagot naman nya

 

 

NANG makarating kami sa kanila, nagulat ako sa laki ng bahay nila. Mayaman at kakaibang pamilya ang mayroon si James.

"Apo/ anak!" sigaw ng isang  nakangiting matanda na nakatungkod at isang babaeng nasa late 40's na.

"Lola! Mama!" salubong naman ni James sa lola at mama nya pala, agad syang nagmano at yumakap sa dalawa.

Nang mapansin nila ako, lumapit sa akin ang dalawa at agad na hinawakan ang balakang ko na talagang ikinagulat ko."Ito ba ang nobya mo hijo? Aba't magaling kang pumili malaki ang balakang nya, madali syang makakapanganak tingnan mo ito Rose."

 

'makakapanganak?'

 

"Lola! Mama!" saway ni James sa dalaawa

"Oo nga anak! Ang galing galing! Tara na sa loob mahamog na dito sa labas. Naihanda ko na ang magiging kwarto nyong dalawa, magpahinga na muna kayo, bukas na tayo magkwentuhan, tutal tulog na din ang mga kapatid mo. " Mabilis at sunod-sunod naman na sabi ng mama ni James.

Napapailing na lang si James na sumunod hatak hatak ang kamay ko. Malaki ang pamilya nila at nakikita kong masasayahing mga tao. Lalo tuloy akong naguilty sa pagpapanggap na gagawin namin.

 

"Matatapos din 'to GF, don't stress yourself." Bulong nya sa akin.

"Salamat BF. Pero inaantok na talaga ako." sagot ko sabay hikab

"Haha ang panget mo!" natatawang sabi nya at lalong ginulo ang buhok ko. "Ma nasan ang susi ng guest room?"

"Bakit, doon kayo matulog sa kwarto mo tutal magiging magasawa na kayo. Pati okupado na lahat ng kwarto dahil nandito ang mga pinsan mo." Sagot ng mama nya at tumalikod na sa amin.

 

"Tss. What the --- Aish! Tara." At hinila nya na ako papunta sa kwarto nya. "Sa kama ka na ako sa lapag" agad na sabi nya at nagtungo sa isang pinto pa.

"BF wala ka namang gagawin sa akin na hindi kanaisnais ano?"

"Wag kang assuming! Matulog ka na dyan, sige good night." sagot naman nya at naglatag na ng comporter sa lapag

 

"Hahaha good night BF"

 

 

 

------------------------------------------------------

 

 

a/n:

 

Hello dear friends! ^___^

EVERY WEEKENDS lang po ako makakapagUD ha. Sorry kung mabagal ang usad ng ating mga kwento but I promise bago matapos ang summer vacation tapos na din 'to hahaha SURE yan!

 

COMMENT po pretty please! ^3^

 

 

-pinkdust7

Why Am I Still Single?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon