*****************************************************************************
Chapter 23
Naisipan nila Chelsea na pumunta sa bayan para bumili ng pasalubong dahil bukas ay uuwi na sila ng Manila habang nakatanaw sa bintana si Jillian.
"Jillian sama ka sa bayan?" tanong ni Chelsea
"Hindi na masama pa kasi pakiramdam ko at wala naman akong bibilhin..."
"Ikaw Marco sama ka?"
"H-Hindi na wala naman din akong gagawin dun, Ok lang ba?" balik niyang tanong kay Chelsea
"Oo naman sige mauna na kami..."
"Sige ingat..."
Pagkaalis nila Chelsea agad pumasok si Jillian sa kwarto niya ayaw niyang makipag-usap kay Marco, napabuntong-hininga lang ang lalaki.
*******************
"Candice may napapansin ka ba kina Marco at Jillian?" biglang tanong ng dalaga habang naglalakad sila.
"Ha? Anong napapansin?"
"Para kasing iba ung pakiramdam ko, parang... parang matagal na silang magkakilala..."
"Sigurado ka ba dyan sa nararamdaman mo? parang wala naman akong napapansin eh hindi nga nag-uusap ung dalawang un eh..."
"Un nga eh parang ang awkward nilang dalawa, parang never ko silang nagkita na nagkausap man lang..."
"Don't tell me nagseselos ka kay Jillian?" sabi ni Brenda
"Hindi naman pero parang may something, hindi kaya may past sila?" napatingin silang lahat kay Chelsea
Gabi na ng lumabas si Jillian sa kwarto nakita niyang nakatayo si Marco sa veranda, bigla itong napalingon sa kanya. Tuloy-tuloy siyang nagpunta sa kusina.
"Buti gising ka na gusto mo na bang kumain? hindi na kita ginising kasi baka---"
"Hindi ako gutom..." simple niyang sagot, kumuha ito ng tubig sa ref.
"Jillian, can we talk?" napatingin lang sa kanya ang dalaga
"Please...." pagsusumamo nito
"Wala na tayong dapat pag-usapan Marco" at tumalikod na ito, agad siyang hinawakan ng lalaki sa braso
"Jillian I'm sorry... alam kong nasasaktan kita pero I didn't mean to----"
"Marco you don't have to say sorry, wala naman akong karapatan na magselos sa inyo ni Chelsea girlfriend mo sya ako----" hindi na nya natapos ang sasabihin, lumapit sa kanya ang lalaki at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
"Jillian wag mong sabihin yan alam mong di totoo yan..."
"Pero un ang totoo Marco... Oo nasasaktan ako pagnakikita ko kayo na magkasama lalo na sa iisang kwarto pa samatalang ako walang magawa para makasama ka..." nanunubig na ang mga mata niya
"Kailangan ko pang makihati sa pagmamahal mo mahal kita Marco pero hindi ito tama..." at tuluyan na siyang naiyak
"Hush baby... I'm sorry wag kang sumuko... gagawa ako ng paraan unting tiis na lang just hold on Jillian..." pakiusap ni Marco
"Pagod na ako Marco siguro nga dapat na natin itigil ito para wala na tayong masaktan..."
"Jillian wag mo akong sukuan please.... aayusin ko ito diba sandali na lang..." idinikit ni marco ang noo niya sa noo ni Jillian nanunubig na din ang kanyang mga mata.
"Mahal na mahal kita hindi ko kayang kung mawawala ka uli sakin...." unti-unti niyang inilapit ang kanyang mga labi sa labi ni Jillian at hinalikan ito ng biglang nakarinig sila ng malakas na lagabog. Paglingon nila para silang nabuhusan ng malamig na tubig ng makita kung sino ang taong nasa tapat nila.
"Chelsea..." si Marco
"What's the meaning of this?" tila parang napako ito sa kinatatayuan niya
"Chelsea let me explain...." sabi ni Marco lumapit si Chelsea sa kanila at....
PAK!Sabay sampal ng malakas kay Jillian. Natulala silang lahat napahawak naman si Jillian sa namumulang pisngi.
"WALANGHIYA KA!!!" sigaw ni Chelsea sabay sabunot kay Jillian
"Chelsea tama na!" awat ni Marco pero sadyang matibay ang babae samantalang si Jillian ay hindi lumalaban pilit na tinatanggal ang kamay ni Chelsea sa buhok niya.
"Bitch! you bitch!!!" Pinagsasampal niya si Jillian at nagdugo na ang labi nito, pagkatapos ay itinulak sya sa sahig dahilan para mapaupo siya dito.
"Tama na yan!!!" sigawan nila. Hawak pa rin ni Marco si Chelsea samantalang si Jillian ay nilapitan ni Candice.
"I'm sorry Chelsea.... I-I'm sorry huhuhu...." hingi ng paumanhin ni Jillian habang umiiyak
"Malandi ka! Malandi ka!"
"ENOUGH!!!" sigaw ni Marco, tumakbo papuntang kwarto si Jillian at sinundan ni Chelsea
"Huhuhu...." umiiyak itong umupo sa kama
"Ano bang nangyari ha Jillian bakit yun ang naabutan namin kanina?" takang tanong ni Candice
"I'm sorry sa inyong lahat..." agad niyang kinuha ang mga gamit at lumabas ng kwarto
"Jillian san ka pupunta?!" sigaw ni Candice, dere-deretso pa rin ito sa paglalakad nakita siya ni Marco palabas ng bahay habang inaasikaso si Chelsea.
"Jillian! where are you going gabi na delikado na sa daan!" sigaw nito habang sinusundan ang babae para pigilan pero tila parang wala itong naririnig.
"Jillian!" sigaw nila, paglabas ng gate agad itong sumakay ng taxi.
"JILLIAN!!!" sigaw ni Marco
**************************************Mabilis siyang nakarating sa bus station at mabilis na nakasakay. Habang nasa byahe ay puro iyak lang ang kanyang ginawa sobra siyang naaawa sa sarili.
"Kasalan ko bang magmahal? Bakit ganon, bakit ganito ang nangyari sakin? Una siyang naging akin pero ako ang nawalan...." usal niya sa sarili habang patuloy sa pagluha
Tinawagan ni Marco ang celphone ni Jillian para alamin kung nasaan na ang dalaga sobra siyang nagaalala para dito. Alam niyang kasalanan niya ang lahat kung bakit nasasaktan ang dalaga. Nakailang ring ang celphone nito hanggang sa hindi na nya ito makontak
"Jillian nasaan ka na?" napaupo na lang si Marco sa sobrang pag-aalala sa minamahal.************************************************************************
Hanggang dito na lang po muna next time po uli pagsinipag magupdate goodnight guyz :)
VOTE
BECOME A FAN
LEAVE COMMENTS & SUGGESTION IF YOU LIKE
Lovelots
JHingzzy
BINABASA MO ANG
I Love You My EX (Completed)
RomansaTeaser: Sinong mas matimbing ang kaibigan o ang minamahal? Masakit makita na ang taong mahal mo ay nasa piling na ng iba at higit sa lahat sa kaibigan mo pa. Paano ka magrereact? Paano mo sya ipaglalaban kung ito ay EX mo na....