Wrong Accusation

6.9K 89 1
                                    

Sa mga readers ko po pasensya na ngayon lang ako nakapagupdate daming kasing work busy katawang lupa ko, hope you like my update sana magaustuhan nyo bawi ako next update ko.

********************************************************************************

Chapter 15








JIllian POV:







Ilan araw kaming hindi nagkakausap ni Marco iniiwasan niya pa din ako tinatawagan ko siya hindi pa rin nya sinasagot ang mga calls at text ko, siguro galit pa rin sya sakin hanggang ngayon. Linggo ngayon naisipan ko na lang siyang puntahan sa condo nya para magpaliwanag, alam kong nasaktan sya kaya kailangan kong bumawi sa kanya.







Naisipan ko uling tawagan siya baka ngayon pwede na nya akong kausapin. I dialled his number, nagring siguro mga nakatatlong ring bago sinagot ang call ko pero walang nagsasalita sa kabilang line.







"Hello" sabi ko, walang nagsasalita sa kabilang linya







"Hello Marco alam kong nakikinig ka sakin, I'm sorry sa mga nakita ko. Alam ko this past few days nawalan ako ng time sayo, hindi ako makareply sa mga text at calls mo. Kasama ko kasi si Ivan everyday, I'm sorry hope you understand my situation. Sana wag kang sumuko...please... I love you..." nakarinig sya ng buntong-hiniga sa kabilang linya







"Pag ok ka na at gusto mo na akong kausapin maghihintay lang ako sige bye...."







"Jillian..." sumagot na sya... Thank God.







"Marco... I'm sorry...." naiiyak na ako, sobrang saya ko ng marinig ang boses nya "Miss na miss na kita...huhuhu..."







"I'm sorry din sa mga nangyari... Miss na din kita sobra" natuwa naman ako sa narinig.







"Nasan ka ngayon? tanong ko gusto ko kasi siyang makita







"Andito sa labas ng bahay mo?"







"Ha?!" sabay silip ko sa bintana ng kwarto ko, nakita ko syang nakatingin sa akin bintana napangiti ako.







Agad akong tumakbo palabas ng kwarto, nakita ko syang nakangiti paglabas ko at niyakap ko sya ng mahigpit he hugged me back. Sobrang namiss ko ang lalaking ito, mabuti na lang at nagka-ayos na kami.







"Teka di na ako makahinga sobra mo ata akong namiss hehehe…." hinampas ko sya sa braso







"Kainis ka! Siguro hindi mo ako namiss noh!" pagtatampo ako








"Of course not! I miss you so much…" at hinalikan nya ako sa lips







"Wait lang baka may makakita dito satin"







"I don't care… kung sapakin ako ng boyfriend mo tatangapin ko…." mas lumalim pa ang halik namin dalawa wala akong pakialam kahit PDA pa kami basta para sakin masaya ako dahil nagkaayos na din kami sa wakas.







************************







Mahigit isang taon ang relasyon nila Marco at Jillian, naging maayos naman ito.







Pero habang tumatagal at lumalalim ang relasyon nila mas nagiging possessive ang lalaki sa kanya, sobrang seloso nito ultimo boyfriend niya at pinagseselosan nito. Minsan ang pag-uusap nila ay humahantong sa pag-aaway.







Sa una akala ni Jillian ay masarap ang ganong feeling na sobrang mahal na mahal ka ng lalaki pero habang tumatagal nasasakal na siya dito. At nahihirapan na siya sa kanilang relasyon dahil napakademanding nito, gusto lagi silang magkausap at magkasama, dapat lahat ng lakad niya monitor ng lalaki kung sinong kasama niya kung saan siya pupunta. May matindi pa kay Ivan kung makabantay minsan nasasaktan siya sa mga ginagawa nito dahil parang wala ng tiwala sa kanya ang lalaki.







"Nasaan ka ngayon?" tanong ni Marco







"Andito ako ngayon sa site"







"Gabi na ah, bat andyan ka pa?"







"Marco alam mo naman kung anong klase ang trabaho ko…."







"Sige susunduin kita dyan"







"Wag na umuwi ka na magtataxi na lang ako, bye" at ibinaba na niya ang celphone







Dumating ang katrabaho niyang si Luis kapwa niya arkitekto may dala itong pagkain, niyaya siya nito at nagpaunlak naman siya. Nagprisinta rin ito na ihantid siya sa bahay at pumayag naman siya dahil same way naman ang tinutuluyan nito. Pagdating nila sa tapat ng gate ni Jillian bumaba na silang dalawa.







"Thank you Luis…"







"No prob…" biglang may sumigaw







"Jillian!" napalingon silang dalawa at nagulat ang babae ng makita kung sino ang may-ari ng boses na yun.







"Marco…."







Nakatitig sa kanila ni Marco nagtatangis ang mga bagang bakas sa mukha nito ang galit at nakakuyom ang mga kamao nito.







"Sige Luis mauna ka na…" napatingin si Luis kay Marco








"Are you sure? Ok ka lang?" nag-aalala sa tanong nito







"Oo sige salamat uli…" sumakay na si Luis sa sasakyan nya at umalis.







Lumapit sa kanya si Marco







"Sino yun?" matigas na sabi nito







"Si Luis kawork ko?"







"Oh really?! kaya pala ayaw mong magpasundo dahil may maghahatid sayo!"







"Pwede ba Marco pagod ako ayokong makipagtalo..." mahinahon kong sabi







"Siguro pangatlo mo yung lalaki na un noh?"







"Ano bang pinagsasabi mo?! Katrabaho ko si Luis nagtatrabaho ako tapos kung ano-ano ang iniisip mo tungkol sakin" tumalikod na si Jillian at iniwan ang lalaki.






****************************************************************************


VOTE


BECOME A FAN


LEAVE COMMENTS AND SUGGESTION IF YOU LIKE


Lovelots


JHingaayz



I Love You My EX (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon