Chapter 1
Malakas ang kabog ng dibdib ko habang tinititigan ang message niyang iyon. Paulit ulit na binabasa ng aking isip ang nakasulat.
Mag-usap tayo mamaya ha. After ng work ko.
Hindi ko alam kung bakit habang tumatagal mas nahihirapan akong basahin ang maiksing mensahe niya. Habang tumatagal mas lalo akong kinakabahan.
Gusto kong tanongin kung "bakit?". Kung anong mayroon? Kung may nangyari ba? Pero mas pinili kong manahimik at hintayin na lang na kusa niyang sabihin sa akin mamaya.
Alam kong ganitong oras, nasa trabaho na siya. Ayaw ko naman siyang pangunahan at abalahin dahil oras ng trabaho niya ngayon. Hihintayin ko na lang na maghapon para makapag-usap kami kahit pa kating kati akong malaman kung tungkol saan ang pag-uusapan namin.
Me:
Sige. Ingat sa work.Those are the words that I decided to send to him. Dahil habang tinititigan ko ang mensahe niya, maraming senaryo at kung ano-anong bagay ang pumapasok sa isip ko. Habang tumatagal, mas kinakabahan ako.
There's something inside me telling na parang hindi ko magugustuhan ang pag-uusapan namin. Na kakaiba iyong message niya ngayong umaga. Malayo sa mga mensahe niya dati.
I back to my senses when I receive a heart reaction from him. Ni-heart niya iyong message ko sa kanya. Somehow, it brings a lighter feeling to me. Pakiramdam ko'y nabawasan ang bato na nakadagan sa aking dibdib dahil sa react niya. Pero hindi mawala wala sa isip ko kung ano nga ba iyong gusto niyang sabihin.
Minabuti kong pilitin na iwagli muna kung anuman iyon sa aking isip dahil habang tumatagal mas nararamdaman kong lalagnatin ako.
Kahapon pa masama ang pakiramdam ko. Nasa gitna pa lang ng trabaho, unti-unti na akong nilalamig at parang nanlalambot. Ngayong umaga nang magising, mas lumala yata ang sama ng aking pakiramdam.
Nasa sofa ako sa aming salas. Still wearing my pajamas and an oversized shirt while my eyes are still fixed on my phone.
Ilang minuto ko pa iyong tinititigan habang pinipilit na hulaan kung ano ba ang nasa isip niya ngayon. Kung ano na ang mga ginagawa niya sa mga oras na ito.
Bumuntong hininga ako, pumikit ng mariin kasabay ng pagpatay sa cellphone bago iyon inilapag pataob sa aking tabi.
"Tama na self!" Amo ko sa sarili.
Huwag mo na munang mas'yadong isipin iyon. Sabe naman niya, mag-uusap kayo mamaya. Baka naman may gusto lang ikwento sa'yo about sa trabaho, sa pamilya, sa laro o sa kung anuman. Baka miss ka lang at babawi sa nakaraang araw na hindi kayo madalas mag-usap.
Paulit ulit ko iyong pinaalala sa sarili lalo na sa mga oras na tila mananakit na ang aking ulo sa kakaisip.
Hapon nang uminom ako ng gamot. Mainit ang aking katawan subalit malamig ang aking pakiramdam. Hindi ko na rin magawang hawakan ang aking cellphone dahil nahihilo na ako.
I was also trying na magreview ngunit walang napasok sa utak ko. Kaya nagdesisyon na lang ako na matulog.
I woke up around six in the evening. Kahit masama ang pakiramdam, I immediately got my phone and went to the messenger to see if he sent a message. Mabilis akong nanlumo dahil wala man lang akong kahit simpleng mensahe na natanggap mula sa kanya. Ni ang pag-update na nasa bahay na siya, wala man lang akong nakuha. Sigurado akong sa mga oras na 'to, nasa kanila na siya.
Baka pagod pa o di kaya ay busy. I sighed heavily as I stared at the small green circle on his profile. I was about to type a message for him when I noticed the blue circle around his display photo.
YOU ARE READING
Broken Hopes
RomantikNo matter how much we want to keep and love the person, if it's not meant to be... it will never be.