Chapter 2
Halos bumagsak ang mundo ko. Unti-unting akong nanghina. Natutulala. Naiinis na natatawa sa sagot niya.
Hindi niya alam. Ano 'to joke?
What the hell is wrong with him?
Gusto ko siyang kausapin ngunit sa mga sagot niya sa akin, parang gusto ko na lang tumigil.
I calmed myself and inhaled silently.
Me:
Anong hindi mo alam?Pagpipilit ko dahil hindi pwedeng hindi niya alam. Hindi ako naniniwala sa sagot niya.
Me:
Naguguluhan ka ba ngayon?He saw it immediately. I waited for his chat again.
Lay 💜 :
Hindi ko alam.
Basta hindi ko na lang maramdaman 'yong love simula no'ng huli tayong nagkita.I stared at his reply. Tinitigan ko iyon na para bang may magbabago doon. There's a part of me na ayaw maniwala o siguro gulat pa ako. Ayaw pang iproseso at tanggapin ng utak ko ang sinasabi niya. Pakiramdam ko'y naglahok lahok na ang lahat sa akin. That after days of waiting for his message, ito ang sasabihin niya.
He fell out of love.
Muli, para na namang tinutusok ang puso ko sa sakit. I waited for him. I was curious, hurt, and frustrated at the same time why he was not messaging me for the past days. Kung bakit niya ako natititiis na hindi kausapin.
Me:
Did I do something wrong ba that day?I asked because honestly as much I remember, wala akong ginawa sa kanya that time. Ayos naman kami e. Masaya kami, iyon ang naaalala ko kaya bakit? Bakit ganito kami ngayon.
Lay 💜:
Wala.Me:
Sigurado ka ba? Sorry kung may nagawa akong mali.Lay 💜:
Wala kang ginawang masama. Ewan ko. Hindi ko kasi maintindihan e.
Basta wala na akong maramdaman na love.Me:
Ayusin natin 'to please...
Kung wala ka nang maramdaman na pagmamahal, ako mayroon pa. Mahal kita. Mahal na mahal kita. Please... ayusin natin 'to. Ayoko ng ganito tayo.
Kung kaya natin ayusin, ayusin natin please... sige na.Gulantang ako. Iyon ang totoo. Hindi pa tuluyang nagsi-sink in sa akin ang lahat. Pakiramdam ko, panaginip lang ito. Biro lang. Reason why when he just seen my last chat, I decided not to reach out again for today.
Nakahiga sa kama, walang gana... habang hindi maalis ang tingin ko sa profile niya na nasa gilid ng aking mensahe. He just seen it. Naghintay ako. Umaasang sasagot siya subalit katulad ng mga nangyari sa nakaraang araw, nakatulog akong walang natanggap.
Gumising ako para pumasok at habang nasa jeep, nagsend ako ng video sa kanya. A video that I saw from social media saying that I'm not gonna give up on him easily. That I will choose him every day no matter what happens. Na kahit ganito kami... malabo, hindi ayos, siya pa rin ang pipiliin ko. Siya pa rin ang gusto ko. Na kahit nakakapagod, sa kanya pa rin ako. Siya pa rin ang ipaglalaban at ilalaban ko.
Masakit. Pero wala e, mahal ko siya. Gusto kong ilaban kung anong mayroon kaming dalawa.
That is what I'm doing for the past days and weeks. Palagi ko siyang china-chat. Araw-araw, walang mintis ko siyang ina-update.
Me:
Nakauwi na ako.Me:
Good morning.
Papasok na ulit ako.Me:
Kumusta? Nakauwi ka na mahal.
YOU ARE READING
Broken Hopes
RomanceNo matter how much we want to keep and love the person, if it's not meant to be... it will never be.