Chapter 4
Nagising ako kinabukasan, mabigat ang pakiramdam. Balot na balot ng kumot, nanginginig ang aking katawan.
My body feels achy and sore, as if I've been physically overexerted. My skin feels hot to touch, yet I feel cold inside.
Kinapa kapa ko agad ang cellphone para macheck kung anong oras na. When the lights from my phone appear, my eyes hurt, causing me to close it immediately.
It’s already six in the morning. Kailangan ko nang mag-ayos dahil may trabaho pa ako ngayon. Gumalaw ako ng kaunti at nakaramdam ng sakit. Mabilis akong nakaramdam ng lamig ngunit nang dinampi ko ang likod ng kamay sa aking leeg medyo mainit iyon.
“Shit!” sambit ko sa sarili.
Pagod na pagod ang pakiramdam ko. My throat feels dry and sore. Pati paghinga mahirap. Pakiramdam ko’y may kung anong bumabara sa ilong ko.
“Hah!” hinga kong malalim. “Sisipunin pa yata ako,” bulong ko sa sarili.
Tumagilid ako ng higa. Gusto kong magpahinga at matulog na lang maghapon. Ang sakit ng likod ko. Ultimong ang ang ibang parte ng aking katawan, nanghihingi ng pahinga.
“Lalagnatin pa yata…” I’m torn between getting up or staying in my bed for the whole day.
Gusto kong magpahinga pero kailangan kong magtrabaho. Ayaw ko rin umabsent ngayong araw. Isa pa hindi alam ng Nanay na narito ako.
Muling pumasok sa aking isipin ang nangyari kagabi. Walang kasiguraduhan, sinubukan kong puntahan at kausapin siya. Ilang oras ko siyang hinintay roon at sa huli hindi siya nagpakita. Umuwi akong nawalan ng pag-asa at sumuong sa ulan kaya ngayon, heto at masama ang pakiramdam.
Hinilot ko ang sentido at huminga ng malalim. I decided to get up and prepare for today.
Sinikap ko ang sariling mag-ayos.
“Oh, anong oras ka umuwi? Akala ko ba’y kina Jin ka matutulog.”
Nakaupo sa aming parihabang lamesa na kainan, tumingin ako sa Nanay bago nagsalita.
“Nagpahatid po ako kaninang madaling araw at naalala kong may pasok nga po pala ako ngayon. Wala po akong dalang extra na damit,” dahilan ko at sumubo ng pagkain.
“Malakas ang ulan kaninang madaling araw, hindi ba kayo naabutan?” naningkit ang mga mata niya bago nagtungo sa lagayan ng mga pinggan para kumuha ng tasa at magtimpla ng kape.
“Naabutan po kaya siguro medyo sumama ang pakiramdam,” halos makagat ko ang labi sa sinabi.
I don’t want to lie to my mother pero ayaw ko rin na mag-alala siya sa akin. Ayaw ko rin malaman niya ang nangyari kagabi. Alam kong magagalit siya kapag nalaman na pinuntahan ko si Lay at hindi man lang ako nito kinita. Lalo pa kung sabihin kong inabutan ako ng ulan at ngayon hindi maganda ang pakiramdam.
Mabuti na lang at hindi ako gano’n kainit kaya nakaya ko pa rin pumasok sa trabaho. Wearing our uniform polo shirt that was tucked inside my high waisted maong pants, binalot ko ang sarili ng isang color dusty blue button front cardigan just to be paired with my pants.
Galing sa pagta type sa computer, tumayo ako at hininaan ang buga ng aircon. Hindi na kaya ng katawan ko ang pinaghalong lamig at init na nararamdaman dagdagan ang malamig na hangin na binibigay ng aircon.
Sumulyap ako sa orasan sa may ibabang part ng monitor. I sighed. My shoulder sagged when I saw that it was just one-thirty pm. Ilang oras pa ang hihintayin ko. Gusto ko na lang umuwi at humiga ng masarap sa kama.
YOU ARE READING
Broken Hopes
RomanceNo matter how much we want to keep and love the person, if it's not meant to be... it will never be.