BH 3

30 1 1
                                    

Chapter 3

Ang sakit. Ang sakit sakit ng mga pinaparamdam mo sa'kin. Ang sakit isipin na ganito na 'yong trato mo sa'kin. Bakit kailangan mag-iba? 

It feels like a needle carved out in my heart. 

After the call, I feel indisposed. Nanatili akong nakaupo sa kama, my mind blew about what happened a while ago. 

Pinahid ko ang luhang kumawala sa aking mga mata. Nakatitig sa kawalan, mabilis ang tibok ng aking puso. Sa kaba, sa irita at sakit na dulot ng napag-usapan namin. 

"Oo, ayaw ko. Ayaw kong makipag kita sa 'yo."

Those words were repeatedly played in my mind as I remembered his expression. 

Nakatitig sa akin. Seryoso at malalim ang kanyang mga mata habang binibitawan ang mga salitang iyon. While I looked helpless, desperate as I begged for him to see me. To talk to me. To finally settle about our relationship.  

Nagmamakaawa ako na kitain niya. Nagmamakaawa para sa closure na hindi niya maibigay. Nagmamakaawa ako sa atensyon na dapat hindi ko hinihingi dahil kusa niya dapat iyong ibibigay. Nagmamakaawa ako sa oras niya habang nag-eenjoy siya kasama ang mga kaibigan. 

I stared blankly in front of me. Sa bawat paghinga ko, nararamdaman ko ang sakit at kirot sa aking dibdib. Parang punyal na paulit ulit tinutusok ang puso ko. 

I sighed heavily and let myself slowly lay on the bed. May kaunting luha ang namumuo sa gilid ng aking mga mata. Tila ba gusto ng mga itong kumawala ngunit hindi ko magawa. 

Ayaw niya. 

He already admitted it in front of my face. Sa harap ng mga kaibigan niya na ayaw na niyang makipagkita sa akin. 

Why? Bakit ayaw mo na? 

Gusto kong malaman ang kasagutan. Gusto kong makausap siya nang kami lang dalawa. Gusto kong marinig mula sa kanya kung bakit ayaw na niya. 

My heart ached sa paulit ulit na kakaisip noon. Paano ko iyon gagawin kung ayaw niyang makipag kita? Kahit closure na lang sana. Dahil hindi ako matatahimik sa ganito lang. Hindi ko kayang tanggapin na bigla na lang nawala. Bigla na lang ayaw niya. 

Abala sa naiisip, my phone rang for a video call. Mabilis ko iyong tiningnan, umaasang galing sa kanya ang tawag. Hindi ko man sinasadya ngunit nawala ang excite ko nang makitang sa group chat naming magkakaibigan iyon. 

Ayaw ko sanang sagutin subalit dalawang beses nag ring iyon.

Jin:

Sumali ka sa video call. 

Basa ko sa message niya sa gc nang hindi ko sinagot ang tawag. 

I took a deep breath and composed myself before I touched the green circle on my phone to join on the video call. 

Naabutan kong nagkukwentuhan sila. Nagtatawanan at nag-aasaran sa kung saan. 

To hide my real feelings, I plastered a smile on my lips.

"Tagal mong sumagot, ah." si Jane. 

Just like Jin, she has also been my bestfriend since highschool. 

"May tinapos lang,"I lied. 

Ayaw kong maisip nila na may problema ako. Mas lalong hindi ako handa na malaman nilang nagkakamalabuan na kami ni Lay. Gusto kong magkwento. Gusto kong malaman ang mga opinyon nila. Gusto kong kahit papaano, mabawasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon subalit natatakot ako. 

Broken HopesWhere stories live. Discover now