muni-muni

10 0 0
                                    

ok.

so ganito, sabihin na nating totoo ang mga binanggit ng babaeng nabiktima ng bulag na pag-ibig. siguro nga ang lahat ng lalake ay magkakatulad. ok, there's no arguing with them girls but i beg to differ. pwedeng hindi lang talaga sila pwede o handa na sumabak sa relasyong maihahalintulad sa eksena sa lrt o mrt na handa sumiksik, suungin ang laksang tao na sumasabay sa agos ng pagtakbo sa mabilis at hindi nag aantay nitong galaw upang kahit papaano ay mairaos ang kagustuhang makamit ang pagibig na sa palabas lang nila pinapanood. at meron din naman na gusto ay yung mga tipikal lalakeng mapoporma, may malaking pera (baon -- walangya), may maharang tsikot. yun bang "maipagmamalaki" nila at presentable (sa paningin ng iba), na kahit saan mo dalhin ay pwede. naniniwala ako na ang pinakagusto ng mga babae ay yung kahit di na pogi, di na matipuno at kahit wala ng pamatay na ngiti ng batang padilla o ng mga matang namumungay na halos pumikit sa pag pupumilit na mag mukhang chinese. may nakapag sabi na sakin na gusto nya sana kaso naguguluhan daw sya. kesyo torpe o minsan naman ay napaka presko. ako din nalito. pero sa totoo lang, tingin ko, ang hanap lang talaga nilang mga babae ay yung totoo sa sarili at may angking lakas ng loob na kayang maiahon ang antas ng pakikipagrelasyon sa panibagong baitang na magpapahiwatig na "hinding-hindi na tayo makakabalik sa dati, it's either tumuloy o masira tayo sa gagawin natin" phase ng shitty shit fuck ng pakikipag relasyon.


Cris: aba. alas kwatro na pala.

puna na ng binata ng binuksan ang cellphone. naka-ilang bote na rin ito ng *** **rse.

Kuya Niño: uhmm-- sir, magsasara na po kami. pinayagan lang po kayo dahil kasama nyo yang anak ni sir osky. kanina pa po sarado 'tong bar.
Cris: ah! eh ganun ba? sige kuya, gigisingin ko lang 'tong mga 'to. pasensya na ha?
Kuya Niño: sus naman to si sir, ok lang. sino ba sa inyo may problema ngayon? mukhang malala nanaman ang isa sa inyo. pupusta ako basted nanaman yan si sir santi.
Cris: hindi naman. *sabay palitaw ng pagod na ngiti* masaya nga 'tong mga 'to. sagot ko kasi.
Kuya Niño: weh? e palagi naman on the house pag andirito kayong tatlo. osya sir, anjan pa si jojo. mamaya pa yan uuwi, sa kanya ko na kayo ibinilin. mag ingat kayo ha?
Cris: ikaw din kuya. ingat. *flips the bird*
Kuya Niño: *flips the bird*

Paano nga kaya kung di pa talaga pwede? kung sa mga taong nakapaligid ko lang ako aasa wala din akong mapapala.


Patuloy itong nag iisip. Nag-iisip ng mga posibilidad, pamamaraan at ng kung saka-sakali ay ang maaaring kalabasan ng mga aksyon nyang gagawin. Alas tres na ng hapon ng makauwi sa kanila ang binata. Naihatid na nya na rin ang dalawang kaibigan sa kani-kanilang mga tahanan. Nasermonan pa ng nanay ng isa sa mga kasama. paniguradong meron din espesyal na meryenda ang binata sa paguwi nya sa kanila. dahan-dahan nyang sinilip ang bakuran--all clear-- ang bintana--code 4-- kaya dalian nyang binuksan ang pinto at nag ala ninja sa pag akyat sa kanyang kwarto.

Marahil tama lang siguro na tumingin nalang muna ako sa kalayuan. Siguro nga tama yung sinabi nila na masyado syang mataas para sa kagaya ko. Siguro mas mainam na tanggapin ko nalang sa sarili ko na wala talaga akong panama sa mga nakapila, para lang makalapit at makilala yung babaeng yun. baka ako alng ang tinamaan ng lintik. bwisit ka talagang bata ka, sablay ka tumira. sana pinatamaan mo rin sya, na sana pag gising nya ako narin ang pinapangarap nya. na sana ako na ang nasa isip nya, na sana nakikita nya ako sa lahat ng ginagawa nya, na sana nagiistalk din sya sa wall ko, na sana i-follow back nya ako. yung mga ganun? kasi mejo matagal na tong tama mo sakin, kumbaga sa target shooting may nakuha kang bull's-eye-with-splendid-clean-shot. isang taon na ang lumipas magmula noon at hanggang ngayon di man lang ako nakagawa ng aksyon? sana sinamahan mo na rin ng lakas ng loob yang pana mo. ha-hunting-in kitang kulot ka. mayayari ka sakin.

di naman ako nagsisisi. magpapasalamat pa nga ako.

sakto, pasukan na bukas.

magkikita na ulit tayo. morenang koreana.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Buzzer Beater!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon