Disclaimer!....This story is a work of Fiction, the names of the character, places,and other things in this story are the products of authors imagination.
Any similarities to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.
_________
First dayI'm now twelve years old, but 'til now, wala parin naman akong naging crush o hinahangaan, siguro kung may meron man, iyon iyong pag hanga dahil magaling o maganda o mahusay!.
But Kim?, she still the same, nakaka loka ang babaeng ito na kahit dalawang taon na ang nakaka lipas, crush niya parin si Cedrick, Cedrick is Gr.8 student now, and we're Gr.7.
Posible pala iyon no?, I always curious and wonder what it feels!
Masarap siguro iyon sa pakiramdam.
"Cedrick is here, nakaka tuwa!" Si kim.
It's our first day in school, first day in high school, at kaka apak lang rin namin sa hallway ng school, and everyone here seems so excited, ako?...wala lang, walang wala lang.
"Balita ko marami na iyong naging Girlfriend simula nang mag Highschool" mayabang na sabi ko patungkol sa crush niya.
Paano ba kasi, hindi nalang nag sasawa.
"I don't care" umirap siya "I'll make sure, na sakin rin ang bagsak niya" patuloy niya at humalakhak na parang bruha, ngumiwi ako.
Patuloy ang paglalakad namin habang hinanap namin ang room namin, napaka swerte rin kasi at magka section pa kami, yakap yakap ang libro ko ay napa linga linga ako sa paligid kung saan marami kang makikitang nagkaka tuwaan mapa lalaki o babae, mapa senior or junior, tuwang tuwa sila na nakita muli ang isat-isa, habang ang mga Gr.7 naman na tulad namin ay tuwang tuwa rin at excited na makilala na kung sino ang maging ka section nila.
Ngumuso ako at nag iwas ng tingin sa isang grupo ng kababaehan, at ngayon isang grupo naman ng kalalakihan ang namataan ko, four boys, nagkaka tuwaan rin habang naglalakad sa corridor pasalubong sa amin pero nasa malayo pa naman sila, kaharap ng tatlong lalaki ang isang lalaking pabaliktad na naglalakad, humarap sa kanila habang ang isang kamay naman nito ay pinaglaruan ang isang puting panyo na inikot ikot niya.
Nanliit ang mga mata ko, he caught my attention, the boy in his neat white uniform, ang lalaking pabaliktad na naglalakad kanina ay humarap at maayos nang naglakad.
Sumalubong sa akin ang napaka gwapo niyang mukha, mataas ang ilong, maputi, napaka ayos tingnan ng buhok niyang nasa tamang style, at ang mga mata niyang parang nang aakit, napa tulala ako saglit dun lalo na nang magtama ang tingin namin, naka awang ang bibig ko kaya sinarado ko at napa kurap kurap, matangkad siyang lalaki at matured ring tingnan, hindi siya payat sakto lang, at kapag ngumingiti naman siya'y lumalabas ang dimples niya sa magkabilang pisngi.
"Hey, Elle, andito na tayo sa room, dito na" napakurap kurap ako at mabilis na humarap kay Kim nang malakas niya akong tinapik sa balikat.
Huminto kami sa isang room,na may nakalagay na 'Gr.7-Section A' sa pintuan, napa buntong hininga nalang ako at sumunod na sa kanya sa pagpasok sa room kung saan may iilang studyante narin, nilibot ko ang tingin nagbabaka sakaling ka section lang rin kami ni Agatha pero wala naman siya dito, kaya bumuntong hininga ako ulit, sana lang di kami ka section.
YOU ARE READING
Love Me Tomorrow
Teen Fictioniyong tipong gusto mo naman pero hindi ka pa talaga handa. iyong ayaw mo siyang saktan pero hindi ka pa talaga handa. iyong Mahal mo naman pero hindi pa puwede, matitiis mo bang ipagtabuyan ang lalaking mahal dahil lang sa hindi ka pa handa? madadal...