06

1 0 0
                                    


Jealous

Jealous? What the heck?...ang bata bata ko pa tas selos? Oh my ghod!, nahawa na nga ata ako kay Kim nito e!

No way...this can't be!

"And What do you think you're doing?" Si Kim nang hindi na matiis pa.

Nang mag uwian niya lang ako sinusumbatan tungkol dun, hindi niya ata matiis, nalilito siya kung ano iyon saka wala rin naman akong sinabi, nagkaroon pa nga ng kunting usapan ang dalawa habang nasa tapat lang namin kanina e!

And for Agatha, naiinis ako sa kanya the way he talked to Nathan, I don't know why!, I just don't don't know why!?

"What do you mean?" Tanong ko naka cross arm.

"'Yun!...iyong hinayaan mong ipakilala si Agatha kay Nathan, alam mo bang halata naman na may gusto ang Agathang iyon sa crush mo!?...balak ka pa atang agawan e!" Inis na sabi niya.

Umirap ako!, hell yes alam ko kaya iyon...sinabi niya kasi!, wala na akong sinabi pa habang patuloy namang nag daldal si Kim, pag uwi nga sa bahay ay busangot ako, hindi ko nakasabay si Kim dahil babalikan nalang daw ng driver mamaya dahil nasa Mall ito kasama ang mga kaibigan...tingnan mo nga ang babaeng iyon!..Gr.7 palang marunong na sa mga ganoon!, ni ako nga hindi naka pasok ng Mall mag isa e!. Kung sa bagay, iba si Agatha.

Minsan nga naisip ko na baka bigla nalang rin siyang magustuhan ni Nathan, baka ganoong mga babae ang tipo niya, iyong wild, may itsura, iyong tipong babaeng type ng mga kagaya niyang gwapo rin, ewan ko ba, parang bumabaliktad ata ang sikmura ko nang maisip iyon.

"Elle!" It's Tita Margareth who called me from the kitchen.

Buntong hininga ko siyang nilingon, sumenyas siya na puntahan ko kaya ginawa ko naman, nag kibit balikat nalang ako.

"Where's Agatha?" Taas kilay na tanong niya habang may hiniwang gulay, tumulong kasi siya sa pagluto.

"Nasa Mall pa daw po Tita, hindi niya pala sinabi?" Maayos na sagot ko kahit na ang totoo ay gusto ko na siyang irapan dahil sa nakaka inis na mukha niya.

"She didn't say anything" bumuntong hininga siya pero nakataas parin ang kilay..."hmm, okay, go to your room now" sabi niya.

Tinitigan niya pa ako ng mariin habang lalong tumaas ang kilay nang hindi parin ako umaalis doon, Tita Margareth looks scary in her looks, naka black na long dress na may puting kwelyo at laso, ang buhok niyay nasa malinis na bun, ang kilay niyang palaging naka taas, at ang mga mata niyang parang nanunusok, she's beautiful hindi ko maiitatanggi iyon pero minsan nawawala rin iyon lalo na kapag naka busangot siya sa di malamang dahilan!

Kasasara ko pa lang sa pintuan ko sa kwarto pagka pasok nang nag ring ang telepono ko na nasa mesang katabi lang nang kama ko, bumuntong hininga ako at umirap, wala naman kasi akong ibang inaasahang maaring tumawag sa akin kundi si Kim.

I answered the call and rolled my eyes twice.

"Hello?"

"Binabalaan kita Elle!...mag ingat ka sa Step sister mo!, aagawin pa ata sa'yo iyong crush mo e!" Pambubungad ni Kim.

Pumikit ako ng mariin at naupo na sa kama, at dahil sa sakit ng likod ay napa darag ako ng higa, sabi ko na nga ba si Kim e!, di pa ata tapos sa mga sinasabi niya kanina!

"Ano naman ngayon kung aagawin?, at saka wala naman siyang aagawin dahil hindi naman akin si Nathan" sabi ko pero medyo kumurot ata ang puso ko dun.

"Che!...whatever!, tsk, ako talaga tong naiinis diyan sa step sister mong iguana e!"

Natawa ako ng marahan sa sinabi niya, buti nalang rin tinigilan niya na rin ang topic na iyon, nag uusap kami saglit tungkol sa activity bukas bago niya pinatay ang tawag kaya tuluyan na akong nakapag bihis pambahay, kaka labas ko lang rin ng banyo galing mag ayos nang may kumatok sa pintuan ko at pagkatapos nang pangatlont katok at hindi na ako hinintay ay bigla nalang itong bumukas at iniluwal ang kakarating lang na si Agatha, she raised her brow then look at me, busangot ang mukha!

"Do you like him?" Diretsang tanong niya, kumunot ang noo ko.

"Huh?" Umirap siya ng iyon lang ang sinagot ko.

"I said do you like him?...Nathan?" rumiin ang titig niya sa akin.

I swallowed hard, ganoon ba ako kahalata?, baka mamaya sabunutan ako nito dahil sa nalamang crush ko rin pala ang crush niya pero okay lang naman I'm always ready, handang handa na itong mga kamao ko para sa kanya kung saka-sakaling sabunutan o saktan niya nga ako dahil sa nalaman.

"H-huh?...hindi ah!, bakit mo naman nasabi iyon?" Tanggi ko.

Narinig ko ang buntong hininga niya kaya bumuntong hininga rin ako, hindi na siya naka kross arm at hindi narin mariin ang titig niya sa akin kaya lumuwag rin ang pakiramdam ko, akala ko kasi alam niya nang may gusto rin ako kay Nathan...pero bakit niya naman natanong iyon?

"Wala...I'm just asking, mabuti naman pala kung ganoon" she said then she smirked, umalis na siya sa kwarto kong iniwang naka bukas ang pinto.

Dumating ang panibagong araw, araw na naman ng klase kung saan makikita ko na naman si Nathan sa classroom, wala kaming masyadong imik ni Agatha habang nasa breakfast haggang sa sasakyan, iniwasan ko iyon kaya nagdala talaga ako nang headphone maisuot at magamit lang habang nasa biyahe, at nang makarating na ako sa room ay sinalubong agad ako ng talak ni  Kim.

"Just look at your Step Sister's ugly face!, diba halatang may crush kay Nathan?" Patuloy na talak niya.

Tuluyan niyang nakuha ang atensyon ko nang mabanggit niya iyon, napalinga linga ako pero wala namang naki usisa aa amin kaya bumaling ulit ako kay Kim na nanatiling naka taas ang kilay sa akin, buti nalang talaga wala pa sila Nathan e!

"Shut up Kim!, I don't care if she likes Nathan!" Sabi ko na inirapan niya lang.

Pagkatapos nang magabang daldalan ay naupo narin siya, binansagang little mutya ang babaeng ito pero kung maka daldal at mag chissmiss, wagas! akala mo hindi future beauty queen e!

"Hi Elle, Godd morning!" It's Nathan.

Kumalabog agad ang puso ko nang marinig ang boses niya, napatingin agad si Kim kay Nathan kaya napa angat narin ako ng tingin at sumalubong sa akin ang napaka presko at napaka gwapo niyang simpleng mukha.

"G-Good morning!" Bati ko pabalik.

Hindi ko alam kong bakit binabati na ako nitong si Nathan, pero may parte naman sa akin na kinikilig ako, kinikilig ako pag binabati niya ako, nakakadagdag nang ganda sa umaga ko ang boses niya.

"Tapos na kayo sa assignment?" Si Nathan hindi tuluyang dumiretso sa upuan niya sa halip ay umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

Inirapan ako ni kim sabay siko sa akin, ngumiti lang ako parang tanga na sa kina-uupuan hindi alam kung anong gawin, sinara ko nalang ang librong binasa sa bumaling sa katabing si Nathan na ang laki ng ngisi sa akin, hindi ko tuloy maiwasang hindi ulit mamangha sa ngiti niya saka sa gwapo niyang mukha lalo na sa malapitan, napa hinto saglit ako para titigan siya, pero nang magising ang diwa ay agad akong nag iwas ng tingin.

"Ano?, ayos ba si Agatha?" Tanong ko dahil sa nakalimutan na kung anong sinabi niya kanina.

Oh my ghod!...tatawanan ako ni Kim nito mamaya for sure!


"Well ayos naman!, bakit?" sagot niya.

Humugot ako ng malalim na hininga saka unti unting tumango ng dalawang beses, kinagat ko ang labi ko, saka sa di malamang dahilan ay tila pumait ang pakiramdam ko.

"Wala naman...nagtatanong lang" I bit my lower lip again, hindi na alam kung anong idu-dugtong.


"Well...she's beautiful huh!" he said as he  lick his lower lip.

Parang may kung ano sa sikmura ko, he said Agatha is beautiful!, ano naman ngayon?...pero iba talaga ang pakiramdam ko, pakiramdam ko kasi nag init ako sa pinaghalong inis at selos?...dahil sa sinabihan niyang maganda si Agatha saka sa tono niyang pagkaka sabi niya!

Mukhang hindi katanggap-tanggap!...pero ano naman ngayon kung sinabihan niya si Agatha ng maganda?...e di hamak na mas maganda pa naman ako sa kanya!


🌾

Love Me TomorrowWhere stories live. Discover now