02

3 1 0
                                    


Crush

"What?, really!?, the who?" Napalakas ata ang boses niya kaya napalingon sa amin ang ilan, natataranta ko namang tinakpan ang bibig niya saka napa linga linga.

I smiled shyly, hindi na ako nagsalita, hindi ko sinabi sa kanya kung sino dahil nahihiya ako lalo pa at nasa may harap lang sina Nathaniel, Knowing this girl, maka bunganga!

Natapos ang araw na hindi ko nga sinabi sa kanya kung sino, kaya ang gaga oras oras nalang nangungulit sa akin, nagtanong kung sino, pero hindi ko parin siya sinagot kung sino nga!, kaya ayun hanggang sa pag uwi ko sa bahay tumawag sa telepeno namin at iyon agad ang pinang  bungad sa akin.

"Do you really want to know?" Tinanong ko siya, kahit obvious naman talagang 'Oo'!

"Dumbass!, Oo nga, I want to know who!, sino?" Matinis ang boses niya.

Kinagat ko ang pang ibabang labi, nagdalawang isip na sabihin, nahihiya ako!, first time ko kayang magka crush!, baka kung anong gawin ng babaeng ito at masabi pa niya kay Nathaniel! mahirap na!, pero kaibigan ko naman siya...ano namang meron kung sasabihin ko na? I know hindi ako titigilan nito kakatanong.

I rolled my eyes first.

"You know Nathaniel Bermodez?, iyong classmates natin?" I gritted my teeth, tuluyan nang kinain ng hiya.

Tahimik siya kaya kumunot ang noo ko, tiningnan ko ang telepono, at nang binalik ko sa tenga ay nagulat nalang ako sa malakas niyang tawa na tila ba may nakaka tawa sa sinabi ko.

"What?" I asked nairita ako.

"really?, oh my ghod!, Iyong Nathaniel?" natatawa paring sabi niya.

"Ano naman?" Masungit na tanong ko, hindi bumaba ang naka taas na mga kilay.

"Wala naman, shocked lang...pero gwapo kaya nun" aniya.

I sighed, akala ko titigil na siya kakadaldal, mga walang kwentang bagay pa ang sinabi at naiinis na ako kaya binaba ko na ang telepono, sakto rin kasing tinawag na ako ni Yaya para sa hapunan, kaya mula sa sala kung saan andun ang telepono ay tinahak ko ang maputi naming tiles patungong dining, kung saan naka upo na roon sina Tita at Agatha, Dad's not here kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Matagalan ng uwi si Ronwaldo, kaya pina una na niya tayong kumain" malamig na ani Tita without looking at me.

Hindi ako sumagot at tumango nalang, nag simula narin akong kumain, habang nagke-kwentuhan na sa ngayon ang mag ina.

"My, pwedeng dagdagan ang allowance ko?, may lakad kasi kami bukas after class ng mga new friends ko, e" malambing na ani Agatha.

Nakita kong uminom ng tubig si Tita, she looked at Agatha with a small smile in her face, sumubo si Tita bago sinagot ang anak.

"Okay darling, don't worry" at matamis niya itong nginitian, nawala lang nang napa baling si Tita sa akin.

Minsan naiingit ako kina Tita Margareth at Agatha, naiingit ako sa mag ina dahil ako...hindi ko naranasan kong anong naranasan ni Agatha ang magkaroon ng isang Ina, si Mommy kasi maaga akong iniwan.

Naka survive rin ako sa hapunang iyon, pagkatapos kung gawin ang ilang assignment ay natulog narin ako, at sa panibagong umaga ay ganoon naman palagi ang routine, gigising, maligo, mag bihis, kumain, at tumulak na sa school kasama si Agatha sakay sa service naming puting Van.

"Classmate mo'to 'di ba?" Pinakita sa akin ni Agatha ang picture ni Nathaniel sa phone niya.

Nanatiling nasa biyahe parin naman kami, at nagulat ako nang pinakita niya sa akin ang picture ni Nathaniel, mabilis akong nag angat ng tingin kay Agatha na malapad ang ngisi ngayon.

Love Me TomorrowWhere stories live. Discover now